XXXIV

19 1 0
                                    

Tanghali na akong nagising dahil sa kakaiyak kagabi. Tulala pa rin ako sa kwarto ni James, mag-isa. Ilang ulit ko na ring pinunasan ang luha ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin ito humihinto. Tinatamad na rin akong bumangon dahil parang sinaksak ako ng ilang libong pana sa katawan ko para hindi na ako makabangon pa sa aking pagkakahiga. Wala na siya, ang sakit isiping wala na siya sa pilling ko dahil sa walang kwentang nararamdaman ko sa kanya. Wala na yung taong nagbibigay sa akin ng pasakit sa buhay ko. Wala na yung taong sisigaw sa akin dahil sa katangahan ko. Wala ng sasampal at magsasabunot sa akin dahil nagkamali ako. Wala na, wala na si James sa buhay ko. Tuluyan na siyang sumuko sa akin, sumuko na siya. 


Wala na yung taong lagi akong susungitan. Wala na yung taong nagsasabi na magluto ako ng pagkain namin. Wala na yung taong hinihintay ko tuwing hating gabi para umuwi galing sa bar at mag-uuwi pa ng babae. Wala na yung taong mag-uutos sa akin kung ano ang gagawin ko. Wala na yung taong dahilan ng pasa ko sa mukha at sa katawan. Wala na yung taong dahilan kung bakit ako nagkakasakit. Wala na yung taong dahilan ng pag-iyak ko. At wala na yung taong naging dahilan para lumaban ako. Wala na, iniwan na niya ako. 

 

Pinilit kong tumayo sa higaan na ito katulad ng pagbangon ko sa buhay ko. Pinilit kong tumayo gamit ang dalawa kong paa, upang hindi ulit ako bumagsak sa sakit na naranasan ko sa kamang puno ng Pana na tila handa akong tusokin kung sakaling manghina ako ng loob na tumayo magmula sa aking pagkakadapa. 


Pinilit kong maglakad pasulong, pero ang aking ala-ala ay umuurong at inaalala siya. Siya na naman, laging siya, Naaalala ko kasi nong mga panahaon masaya kaming naglalaro sa opisina ni Daddy. Sayang una naming nakita sa labi ng isa't isa. Pinilit kong maglakad ng tuluyan kaso napaupo na lang ako sa sahig dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ang bigat, sobrang pait, parang hindi na ako makakaalis dito sa aking sitwasyon. Kinubli ko ang aking tuhod at niyakap iyon at don na naman ako humagolgol. Mahina talaga akong tao, mahina ako, sobrang hina.
May narinig akong tunog magmula sa labas kaya parang nagkaroon ako ng pag-asa baka bumalik siya. Tumayo ako kahit nanghihina na ako, ngunit bago muna ako bumaba ay tinignan ko muna ang gamit niya sa closet baka sakaling meron siyang iniwan gamit. Pero mas lalo akong nanghina, wala ni isang gamit ang natira. Pero dali-dali na lang akong pumunta sa labas at tignan kung anong ingay ang narinig ko kanina. Halos napapahawak na lang ako sa dingding dahil sobra talaga akong nanghihina pero ang nakita ko sa labas eh, Truck ng Basura na paalis na. Nanlumo na naman ako sa nakita ko, akala ko babalik na siya sa akin. Akala ko nagulat lang siya sa kagabi kaya niya iyon sinabi, pero hindi pala. Napaiyak na lang ako, Ang tanga ko talaga, nang biglang bumagsak na lang ang katawan ko sa damuhan at umitim ang aking paningin.


"Enrique, ano ba talagang nangyari?"


"I don't know, buti dumaan ako sa kanila kanina at nakita ko siyang umiiyak at bigla na lang siyang nahimatay."


"Lagi na lang tong nangyayari sa kanya."


"Pero meron akong isang alam kung bakit siya umiyak ng ganon."


"Ano? Sino?"


"Si James, Dahil kay James, ang walang kwenta kong pinsan. " 


Napamulat na lang ako dahan-dahan dahil sa usapan nilang iyon. Nanlalabo pa ang mata ko pero nakarecover naman iyon agad, at don ko na lang nakita sila Enrique, Jea, Sam at Uno. Sobrang lungkot ng mukha nila kaya binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

LEARN TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon