XIX

22 1 0
                                    

                    After a weeks, heto ako laging nahihirapan at nasasaktan. Pinagbubuhatan ako ni James ng kamay, sinasaktan niya ako lagi in words or action. Nananahimik lang ako sa tuwing inaaway niya ako. Hindi ako nagreklamo ni isang beses sa kanya. Lahat ginagawa ko para sa kanya. Hindi na rin dumadalaw sila mama dahil bussy sila sa trabaho. Si Jea di ko siya pinapapunta rito dahil maabutan niya akong may mga pasa at sugat. Madalang na rin akong pumunta sa coffee shop dahil marami akong inaasikaso sa bahay. Lagi akong tambak sa trabaho, sinasama ako minsan ni James sa office at yung gawaing bahay maiiwan na naman. Lagi akong pagod, at idagdag mo na rin ang pananakit sa akin ni James, kaya ramdam ko yung sinabi niya sa aking hell.


Nasa kusina ako nagluluto ng agahan, routine ko ng magising ng 5:00 ng madaling araw para makapagsimula na akong magtrabaho sa bahay. Hinahanda ko na ang almusal ni James, nang may babae lumapit sa akin. Sanay na akong makakita ng iba't-ibang babae sa bahay, sa una oo nasasaktan ako kasi hindi pa rin siya nagbabago. Ang goal ko lang naman dito ay magbago na siya dahil ako ang dahilan nang pagbabago niya noon, kung sakaling bumalik na siya sa dati aalis na ako rito sa bahay.


"Uhmmm, miss i want milk and also breakfast for me ah nagugutom na rin kasi ako. Pakidala na lang sa taas pati na rin ung breakfast ni James" sabi ng babae at naglakad na ulit siya pabalik sa kwarto ni James.


Pag nagluluto ako, good for two people lang kasi sayang yung matitira, hindi ko naman aasahang magbrebreakfast din yung babae rito kaya ako ang nawalan ng pagkain ngayon. Inayos ko na yung foods nila at nilagay sa tray. Pagkaakyat ko sa kwarto ay nakaawang yung pintuan nakita ko yung babae nakayakap kay James at si James bussy sa laptop niya pero ung kamay niya nasa ulo ng babae hinahaplos niya ung ulo ng babae. Napatigil ako sa pagpasok, many question are registered to my mind. What if ako yung babae? What if James treat me like that, mahuhulog ba ako sa kanya?


"What are you doing there? Come!" Sabi ni James at nilayo niya yung laptop sa kanya. Nilapag ko naman sa lamesa yung pagkain nila at umalis bago ko isara yung pintuan nakita ko si James na sinusubuan pa niya yung babae. Napahawak ako sa puso ko is this a pain? From? Him? Jealous? Love? No! Pero nasasaktan ako eh, dapat ako yung babae inaalagaan niya ng ganyan. Ako yung babaeng lagi niyang katabi. Dapat ako lang yung babae niya. Kasi sa buong pagsasama namin napapalapit na ako sa kanya.


Nasa likod ako ng bahay naglalaba, umalis na rin sila kanina at gutom na ako pero di pa ako tapos rito sa ginagawa ko ng biglang may nagbasa sa akin , tinignan ko kung sino, si Jea. Lagot ako neto, nakangiti lang siya sa akin at umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Oh Ash, Bakit ikaw lang ang naglalaba? Nasan si James? Dapat tinutulungan ka niya ngayon, Diba Day off niya ngayon?" Sabi ni Jea, pero hindi ako tumingin sa kanya. Hinugasan ko na lang yung kamay at paa ko. 


"Magbibihis lang ako saglit" Sabi ko sa kanya at hindi na siya nilingon pa, ayoko kasing makita niya ang pasa ko. Hindi naman sa nagtatago ako sa Best friend ko, ayoko kasing maapektuhan siya sa amin. May sarili din siyang problema, ayokong makidagdag pa. Matapos akong nagpalit ay Nagderitsyo na ako sa Kusina para maghanda ng meryenda. Nasa living area kami kapapalit ko lang ng damit at nakahanda na rin ako ng makakain naming dalawa. Nagulat ako bat siya pumunta rito eh pinagbabawalan ko siyang pumunta rito. Siguro nakakahalata na rin siya sa mga kinikilos ko ngayon. Ang pagbawal ko sa kanya na pumunta rito at sa Shop ko o sa office ni James.


"Bessy, nagtatampo na ako marami ka ng lihim sa akin" sabi niya sa akin habang tinitignan niya ako.

LEARN TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon