Pauwi na kami ni James galing sa trabaho. And its twelve midnight na at ang sakit ng likod ko kakatago at kakaedit medyo malayo pa yung location. Nakakainis di ko tuloy na daanan si Sam sa shop bukas na siguro. Sobrang pagod na ako at antok na antok na ako kaya pagkadating pa lang namin ay diretsyo na ako sa study room para matulog. Di pa pala ako kumain kaya pagkatapos kong magbihis ay nagdiretsyo na ako sa kusina ang sakit na kasi ng tiyan ko. Pagkababa ko may nakita akong pagkain doon, Mc do siguro binili niya ito kanina habang nakatulog ako. Pero may sticky notes na nakalagay.
Hi Ashley. Eat your dinner alam kong pagod na naman kayo ni James
~Mommy Trixie :)
Hindi pala galing sa kanya. Hays umasa ka na naman kasi Ashley. Binilisan ko ng kumain at pumunta na sa study room. Hay makakapagpahinga na ako. Pinikit ko yung mata ko pero, urghhh! yung mukha niya kanina habang nagkacapture ng pictures ang nakikita ko. Inhale hmmmmm! Exhale Ahhhh! Then pikit pa rin ng mata whaaaaaa! Sya pa rin huhuhu. Umikot-ikot ako sa sofa pero wala pa rin kainis. Ala una na pero di pa rin ako nakakatulog. Inopen ko naman cellphone ko, may message ako.
Enrique
Nagabihan kayo ha nagdate sila hahaha btw tulog ka na :)
Talagang admirer ko tong si Enrique ah asa ka na naman Ashley. Makatulog na nga!
*tok* *tok* *tok* Ano ba namang istorbo yan. Urgh, sinuot ko na yung eyeglasses ko at binuksan ang pintuan si Jea.
"Bilisan mo, ang Mama mo nandito na baka mahuli ka diyan bilisan mo!" sigaw ni Jea kaya bumaba na ako, nandoon nga sila, patay pero di nila nakita na nasa study room ako.
"Hi mommy" Kiss ko kay Mommy di pa pala ako naghilamos kaya pumunta na ako sa banyo sa baba at naghilamos. Sinundan pala ako ni Jea.
"Gurl!!! Naiexcited ako para sayo!" Pinunasan ko naman yung kamay at mukha ko.
"Huh? Bakit naman?" tapos hinarap ko siya.
"Bessy engagement party niyo ngayon, remember?" sabi ni Jea
"What?" Hala ngayon as in ngayon? Urgh Hinawak ko yung sintido ko habang palabas ng c.r
"Anong oras na?" tanong ko kay jea habang tinitignan ko yung mga tao na nag aayos na para sa engagement party namin ni James.
"Anak are you excited?'" tanong ni Mommy na hinawakan ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya.
"Magkakaroon ka na ng pamilya anak. Sariling pamilya with James "hinawakan pa niya yung pisngi ko.
"Mahirap sa una pero worth it naman yung paghihirap mo kung sa taong mahal mo ang dahilan kung bakit ka nahihirapan at nasasaktan." nginitian ko lang si mommy at umalis na din siya.
"Ashley kain kana past 1 na" sabi ni Jea. Late breakfast at lunch ang nakalipas at gutom na talaga ako.