Tanghali na akong gumising gaya ng inaasahan ko. Gusto kong makita si James ngayon at gusto kong malaman ang lahat-lahat galing sa bibig niya. Kahit na hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko eh kinakaya ko pa ding gumalaw ng matino. Hindi ko alam kung kami ba ni James ang tinutukoy doon kasi, 100 percent na kami iyon. Pero ayokong umasa talaga, sana hindi iyon totoo, ayaw kong mamatay si James kahit na sabihin niya doon na mahal niya ako, ayaw ko.
Napakapa na lang ako sa Cellphone ko, kagabi pa tumutunog ay hindi pa pala kagabi, noong Friday night pa. Kinuha ko na iyon at sandamak-mak ang notifications ko. Tungkol na naman ito sa librong iyon. Wait teka! Napaupo na lang ako sa kakahiga ko rito at binasa ko ito ng paulit-ulit. Irereveal na daw kung sino ang Author ng librong iyon at yung dalawang Characters sa Story na iyon ay pupunta sa meet and greet. Hays napabagsak nalang ang balikat ko, hindi kami ni James ang tinutukoy non.
Habang kumakain ako eh, napapaisip ako, kung pupunta ba ako sa Event na iyon o hindi. Madami din kasi akong dahilan kung bakit ako pupunta. Una kasi gusto kong mameet yung Author at madami akong tatanongin sa kanya. Kung bakit niya iyon ginawa? Kung saan niya kinuha yung kwento na iyon, kung Coincidence ba sa kwento namin o talagang Yun yung mood ng Story niya. Bakit may Pictures pa siya sa May Book I kung sa book two eh wala na. Kung totoo ba yung taong iyon, nageexist ba sila. Bakit may Dalawang Characters lang? Sa Characters ba na iyon eh kwento nila o gagawing movie ito. At tsaka bakit sa Villa Escudero pa siya nagpameet and Greet at sa Playground pa. Ano yon para maalala nila yung Book I niya ganun. Tsaka, doon nakatirik ang bahay nila Mommy at Daddy eh.
Tinapos ko na lang ang kinakain ko at tumungo na sa Sala. Nagtwitwitter ako ngayon, nacucurious kasi ako sa dalawang character na iyon. At hanggang ngayon malakas talaga ang kutob ko na kami talaga iyon ni James. Baka naman binahagi ni James ang kwento naming dalawa. Baka nga, pero naman sana hindi totoo na may taning ang Buhay niya. Nagmessage sa akin si Sam.
Ate, pupunta ako bukas sa Villa Escudero, alam mo naman siguro iyon diba.
Pati pala si Sam eh Pupunta, naguguluhan tuloy ako kung pupunta ba ako o hindi. Mukhang masaya daw iyon sabi ng mga dadalo sa nasabing Meet and Greet. Mukhang hindi naman ata eh, baka boring lang doon. Pero nacucurious talaga ako kung sino yung Dalawang Character ng librong iyon. Tsaka meron pang Color Coding bukas, It's either black daw or white Para daw malaman nila yung dadalo sa Event na Iyon. Kinakabahan tuloy ako kung pupunta ako o hindi.
Sige, pupunta na rin ako.
Reply ko sa sinabi ni Sam. Meron pa palang message sa akin si Fatima, matagal tagal na rin iyan eh. Baka kung ano-ano ang mga sasabihin niya sa akin, alam niyo na yung babae iyon, ipinanganak attang may saltik sa utak. Naghanda na ako para sa pupuntahan ko bukas at nilabas ko na yung White T-shirt ko hindi kasi ako nagblablack na tayo tsaka mainit ang kulay black na damit.
Hatinggabi na pero hindi pa rin ako makatulog, nakatitig lang ako sa kisame. Pag-ipipikit ko kasi ang mata ko eh bubukas din lang kasi di pa naman ako inaantok. Ganitong oras noon eh hinihintay ko si James galing sa work o sa bisyo niya. Dati-dati halos maitulugan ko na sa sala kakahintay sa kanya. Napapikit na lang ako para irelax 'tong mata ko, nanunubig na kasi, which Mean naantok na ako.