XXX

23 1 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng music, wala namang speaker itong bahay at ang ingay talaga. Bumangon ako at kinuha ang eyeglasses ko. Nandito pala si Sam sa bahay, nako ang ingay naman ng babaeng iyon, buti na lang at Soundproof yung unit niya doon, kundi matagal na siyang nirereklamo. Tamad akong bumaba, nakita ko siyang naglilinis at nagsasayaw pa siya.


"Good morning," Sabi ko sa kanya at natigilan naman siya sa gingawa niya.


"Good Morning Ate, Nagluto na ako jan, tanghali na kasi eh tsaka tulog mantika ka pa man din." Sabi niya sa akin. Habang kumakanta pa, ishhh kabataan talaga oh.


Pumunta ako sa kusina at sinamahan naman niya ako na kumain.


"Nga pala ate, aalis ako ha, Magkikita kami ng Friends ko. "Paalam sa akin ni Sam at Tumango ako.


"Sige basta wag kang magpagabi ha. Tsaka si Luke, alam na ba niya ang ginagawa niya doon sa Shop?" Tanong kay Sam


"Ah opo, mabilis naman po siyang matuto" Sabi niya at nahihiya siya.


"Oh bakit namumula yang mukha mo" Sabi ko sa kanya at tumalikod siya sa akin.


"Ahh wala po sige po, bye" At tumakbo na siya, talaga yung batang iyon.
Tinapos ko na ang pagkain at nagbihis na rin para makapunta na ako sa Shop. Paalis na sana ako sa bahay eh nakita ko ulit yung libro kaya kinuha ko, siguro naman mababasa ka na ito. 

Hindi ako natraffic papunta sa Shop, si Daddy Tinext ako, na tignan daw yung isang site sa may La Union ngayon, pero sinabi ko na kay Daddy na sa ibang araw na lang kasi busy ako o di kaya si Mommy na lang.

Marami ngayon ang costumers kaya nagtutulungan kami ni Luke sa pagmimix, tama nga yung sinabi ni Sam sa akin na madali pala siyang matuto. Habang walang taong pumupunta dito sa counter.


"Nga pala Luke taga saan ka?" Tanong ko sa kanya kasi yung kulay eh morenong moreno.


"Taga La Union po ako Ate" Sabi niya sa akin at napatango ako sa kanya.


"Maganda ba doon? Kasi yung Daddy ko may ipinapakitang site sa akin doon, di naman ako makapunta kasi busy ako ngayon." Sabi ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.


"Ahy opo Maganda doon, Simpleng pamumuhay at payapa hindi kagaya po dito na maraming krimen na nagaganap at mga iba't ibang polusyon. Doon po sa amin, doon mo makikita ang gusto ng mga tao. "Sabi sa akin ni Luke, parang naexcited akong puntahan ang La Union ah. Ang alam ko kasi doon is yung San Juan, yung Surfing, maganda daw mag Surf doon.


"Ahh Luke pwede mo ba kaming itour sa La Union?" Tanong ko kay Luke at tuwang-tuwa naman siya.


"Oo naman po," excited niyang sabi.


"Sa makalawa tayo pupunta, isasara muna natin itong Shop at magbakasyon tayo sa La Union" Sabi ko at natuwa naman siya. Ibinalita na rin niya sa mga kasamaan niya ang balita. Biglang may tumawag sa akin, ito na naman yung takot ko,

LEARN TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon