XVII

20 2 0
                                    

Umuwi agad ako matapos kaming nanood ng Sine. Hindi dapat ako sasama kaso pinilit lang ako nila Jea para daw mawala naman daw yung problema ko sa bahay kahit papaano. Dumating na ako dito mga bandang alas otcho na ng gabi dahil sumabay itong si Jea sa akin eh. Hindi na daw kasi maihatid ni Uno si Jea dahil may urgent meeting sila. Kaya ang ending eh hinatid ko pa siya sa Village nila. At nong pauwi na ako Traffic na naman, kaya ayon halos naghintay ako ng ilang Minuto doon sa kalsada. Natigil ang paglalakad sa loob ng bahay ng harangan ako ni James. Napayuko lang ako sa kanya habang siya hawak ang Camera niya. Ito na naman eh, may problema na naman.


"Ang simple lang ng pinapagawa ko sayo bakit di mo man lang magawa ng maayos. Idiot! Simpleng pagkuha ng litrato di mo pa magawa!" Sigaw ni James sa akin nasa living area kami sa bahay.


"S-sorry, d-di kasi ako makafocused kanina, madami kasing tao hindi ako sanay" sabi ko at yumuko. Sinigawan na naman niya ako, at talagang totoo naman eh tinitignan kaya kami ng mga tao kanina. Kaya nong kinukuhanan ko siya ng litrato eh nahahati ang atensyon ko. Minsan kasi bumabaling ako sa mga taong nanonood sa amin tapos napapatitig ako kay James kasi nga syempre ang gwapo niya lang kasi.

 

"Madaming tao, Wow! What a reason. Sabihin mo na kasi na tanga ka diba. Nang dahil sayo di ako nakaattend ng meeting namin at worst! Binigyan mo pa ako ng trabaho!"Sigaw ni James. Hays oo na ikaw na naman yung bida rito.


"S-sorry ako na lang ang mag eedit sa picture" sabi ko na nakayuko pa rin. Sana naman tanggapin na niya itong alok ko. Alam naman niya na hindi ako marunong kumuha ng anggulo.


"Mag-eedit? Seryoso? Kumuha na nga lang ng litrato palpak pa! Ako na lang baka mas lalo pang masira. Ikaw na lang ang mag attend ng meeting at ako ang mag eedit sa ayaw at gusto mo. Ako ang batas rito at slave ka lang." Sigaw niya muli bago siya tumaas.


Napabuntog hininga na lang ako at umakyat na rin papunta sa study room. Nakakastress ang mga nangyari kanina. Pagkatapos kasing kuhanan ako ng litrato ni James ay ako rin ang kumuha sa kanya ng litrato. Unang pose pa lang niya nawalan na ako sa sarili. Natulala ako sa mga oras na yun nawalan ako ng focus kaya pindot lang ako ng pindot hanggang sa nagsawa na siyang magpose. Pagkatapos sa huli niyang pose ay pumunta siya sa akin, kinuha ang camera at tinignan ang mga kinuhanan ko. Tumingin siya sa akin ng masakit trinatry niyang magcalm dahil may mga ibang tao ang nakatingin sa amin. At umalis na lang siya ng walang paalam, at naabutan ko na lang siya kanina rito sa Living area at ayun tinalakan ako. Hays sabagay sanay naman na ako.


Pumasok na ako sa study room. At humiga ako sa sofa at tinitigan ang kisame. Iniisip ko kung paano ako haharap sa mga kameeting ni James bukas. Hindi ko din alam kung hanggang saan ang kaya ko. Basta nasa puso ko na gagawin ko ang lahat mapatawad lang ako ni James okey na sa akin yun. At pag napatawad na niya ako, ako na ang kusang lalayo sa kanya.


Kinabukasan


Nagmamadali akong naligo dahil ilang minuto na lang ay malalate na ako. Di ko pa nareview kung ano ang pag-uusapan namin mamaya. Basta bahala na, di pa naman ako kumain hindi ako makakaisip ng maayos neto. Habang paalis na ako sa bahay ng di ko napansin si pudding at James. Pumunta ako sa garahe wala doon yung kotse niya. Nako yung irereport ko paano yun, di ko pa alam kung saan yung meeting place. Napakapa ako sa bulsa ng pants ko hindi pa pala niya kinuha yung sim card niya at paniguradong andun lahat ng information na kailangan ko.
Andito nga may sinend silang address. Binuksan ko iyon.

LEARN TO LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon