Naalimpungatan na lang ako bigla ng may katok ng katok sa pintuan ko. At sino namang istorbo ang pupunta rito? Tamad akong tumayo at binuksan iyon, Si Liza lang naman pala. Eh bat ang aga naman ata niya ngayon?
"Ashley, anong oras na? Kanina pa ako katok ng katok. "Sabi niya at hinayaan ko lang siyang magdaldal ng magdaldal sa labas at bumalik ulit sa higaan ko. Naantok pa rin kasi ako hanggang ngayon. Nang naramdaman ko ng tumahimik ay doon ko ulit nakuha ang tulog. Nang biglang meron na namang kumakatok sa pintuan ko at worst sinisipa niya pa iyon. Nako naman naiinis na ako ah, ayaw ba niya akong patulugin? Eh kagabi di ako makatulog dahil sa kakaisip tapos ganito pa maaabotan ko. Pagkabukas ko ng pintuan, nandun na naman siya at ngayon nakapa mewang na.
"Bessy, anong oras na? Bakit andito ka pa sa study room ha?" Ang sungit naman neto at bakit naman siya nakastraight Tagalog at parang kabisado na niya ah. Antok na antok talaga ako ngayon, at napatingin ako kay Liza, wait si Jea naman 'to. At napalaki ang mata ko ng bigla kong nakita si Liza na patakbong papunta sa amin at mukhang nag-aalala siya.
"What's happening here?" Kunot na noo ni Liza at napalalo siyang napakunot ng makita niya si Jea na nakatalikod sa kanya. Nakatanga lang ako doon habang tinitignan silang dalawa, ito na nga ba ang sinasabi ko.
"Gulo" at napakunot si Jea at lumingon na lang siya sa likuran niya at ayon nagkagulatan. Hays kilala naman nila ang isa't-isa eh at wala na akong proproblemahin pa sa kanilang dalawa, bahala sila.
At yon na nga ba ang sinasabi ko. Ayon pagkababa ko sa kusina kanina nakita ko silang nag-uusap. Kung ano ano ang pinag-uusapan nilang dalawa at tila naging star ang mata nila dahil sa excitement na naramdaman nilang dalawa. Nag-usap sila tungkol sa sarili nila, mga likes at dislikes na napunta sa modelling career nila. Hanggang sa naging lovelife nila sa isa't isa at wala namang nasabi si Liza kasi, zero siya. At yun napapaiyak na lang si Jea sa sinapit niya kay Paul. Todo alo naman tong si Liza kaya ayon, bahala sila sa buhay nila parang di nila ako nakikita.
Pumunta na lang ulit ako sa Study room at magbabasa na lang ako ng libro ngayon. Medyo madami dami ding libro sa may shelf at mukhang yung iba ay kabibili lang dahil meron pa itong plastic. Lahat ng libro makakapal at nakahiwalay ang bawat libro sa iba't ibang genre. Napatingin muna ako sa pinakamataas which is about sa photography, editing at mga Techniques para sa photography. Napatingin na lang ako sa next section which is mga Fantasy, Hindi naman ako mahilig sa mga ganitong genre kasi, hindi ako naniniwala sa mga super powers na yan o mga kakaibang pangyayari o mga kakaibigang mundo. Sa next section naman nahati sa dalawa yung libro which is about music at history. Dito ako mahilig sa music at history, hindi ko nga alam kung bakit masyado akong nakucurious sa history natin eh. Tsaka isang talent ko talaga ang kumanta kaya ganon na din siguro ako kaadik sa libro about sa music. May librong about sa instruments din. Tapos ang huling section na which is nasa pinakababa, ay about Sa romance. Hindi naman yon kakaiba sa atin na makabasa ng mga libro about sa Romance. Ang pinakamagandang nabasa ko ay Yung isang book ni William Shakespeare. At ang pinakatumatak sa isipan ko na kwento, ay yung Romeo Ang Juliet. A tragic love story, Na kahit alam nilang bawal silang umibig sa isa't isa ay ginawa pa rin nila kahit sa huling hininga nila at sana makahanap din ako ng Romeo sa buhay ko. Napabalikwas na lang ako ng naramdaman kong nakapasok na pala sila rito sa kwarto ko ay hindi pala sa study room pala. Ayon nagdadaldal pa rin silang dalawa, sasakit ata ang ulo ko sa kanila pagkasama ko sila.