So ayon nga pumunta na kami sa Sangat island sa Coron, Palawan. Pagdating namin sa isla walang tao may resort doon at bar pero sinara nila. Akala ko doon na ang destination namin pero hindi pa pala. Naglakad kami may tourist guide kami, sila din nagbuhat ng maleta ko. Dumaan kami sa may bridge na kahoy makipot ang daan at sa gilid ay dagat na. Hanggang sa nagstop na kami sa isang 3rd storey na house, a bamboo house at ang ganda ng view rito. Tinignan ko ang paligid walang tao may mga house din na ganito pero iilan lang. Talagang ipinasara nila Mommy itong island na ito para sa amin. Medyo ang creepy lang ha kasi tignan mo naman kami lang ang nandito tapos katabi lang namin dagat. Malay mo may mga sirena pala dito tapos paggabi nagiging paa yung buntot nila tapos papatayin kami. O di kaya naman yung mga shukoy, Yung mga taong may paa at kamay kaso mukhang isda, baka kainin nila kami ng buhay.
"Manong salamat ha" sabi ni James at nakita ko naman si Manong na paalis na sila. Wag muna sana silang umalis, kaiyak, tatanongin ko sana sila kaso malayo na sila sa amin. At pumasok na rin si James sa loob. Ako na lang ang nandito sa labas, baka may tumitingin na sa akin rito. Kaya tumakbo na rin ako papasok sa loob. Napatingin-tingin lang ako sa loob ng bahay, Simple lang ang bahay. Bamboo lahat ng muwebles dito. May table and four chair may lamp din na nakakalat sa buong ding-ding at may mini bar din dito. Ang ganda, gusto ko ng bahay na ganito, ang simple, hindi masyadong naattach sa modernization ngayon.
"Ilagay mo na yung maleta mo sa second floor, doon ang kwarto mo at sa third floor ang kwarto ko. Walang katulong rito kaya ikaw ang maglilinis sa buong bahay at magluluto. Walang signal rito, walang wifi at walang kuryente. Kaya hindi mo siya malalandi." Sabi niya, inirapan ko lang siya at pumunta na siya sa taas. Sumunod ako kasi sa taas naman ang punta ko. Hirap na hirap kong buhatin ang maleta ko at malamig na rin rito dahil open air dito. May rock shower din dito, pagkadating ko sa second floor nagulat ako kasi walang laman. Dalawang lalagyan lang ng kutson ang meron dito. Baka naman tinanggal nila. Nako sobrang pagod na ako nilagay ko sa isang papag (lalagyan ng kutson pero bamboo stick ang gamit) yung maleta ko. At humiga sa kabilang side neto. Ang presko ang sarap matulog kahit walang foam.
Nagising na lang ako sobrang dami ng lamok na kumakagat sa kamay ko. Napatingin na lang ako sa labas gabi na pala. Lah! baka ano nang nagyari kay James, yung sirena at shukoy. Baka nagsilabasan na sila ngayon, diba usually naman eh gabi sila lumalabas kung saan nakatulog ang lahat. Baka nga nakuha na si James kasi ang tahimik, uhmm tahimik naman talaga yung lalaking iyon. Kung ano-ano na ang iniisip ko, baka gutom lang ito. Bumaba ako kasi nagugutom ako. Nadaan ko siya sa Mini bar ayun umiinom. Nakahinga ako ng maluwag, dahil hindi siya kinuha ng mga sirena at shukoy. Tutal tinatamad akong kumain pumunta na lang ako sa refrigirator, solar power lang ang nagpapandar dito kaya naman sa gabi nakapatay ito. Gatas lang ang nakita ko na pwede kung inomin at naalala ko pala naglagay si Manang ng ibang gamit sa maleta ko . Kumuha na lang ako ng baso at nagsalin ng gatas tapos umakyat ulit ako. Binuksan ko yung maleta ko at nilabas lahat ng gamit ko. Meron namang lalagyan rito ng damit kaya inayos ko muna bago ako kumain. Habang pinagmamasdan ko ang tanawin sa labas may pailan-ilang endanger species ang gumagala, ayon sa tourist guide namin kanina, wag daw guluhin ang mga ito para dika rin nila guluhin . Tumingala ako sa langit andaming bituwin na makikita di tulad sa Manila na kokonti lang at hindi maningning dahil na rin sa polusyong meron sa Manila di kagay ditto, na napakasarap tumira walang problema. Kaso dala ko pala ang problema ko, nasa baba umiinom ng alak. Ha! buti na lang at naisip ni Mommy to para hindi naman siya magbabae na naman. Siguro nagdudusa na yon ngayon, hindi siguro sanay yung katawan niyang nasa bar pag-gabi. Buti sa kanya! Manigas siya kasama ang mga lamok sa labas.