Ang pagkikita

1.2K 53 0
                                    

Stranger's love affair 2

Sa panulat ni DalagangVisaya

-------------------------------

Sa loob ng klase.....

"Hey...guys alam niyo na ba ang news?"sabi ng isa sa mga kaklase ko.

"Hindi pa?"

"Ano ba ang news?" Sabi naman ng mga kaklase ko. Ayon nag-usap sila habang wala pa ang prof namin hindi narin ako sumali sa usapan nila kasi pakiramdam ko wala ako ngayon sa mood na makipag-usap sa kanila ginawa ko nalang nakinig nalang ako sa mga pinag-uusapan nila. Nasa likod lang din naman nakin sila kaya rinig ko narin ang pinag-uusapan nila.

Pinatong ko sa may desk ko ang aking siko at tinukod ko ang aking kamay braso para makasandal ang aking ulo. Iwan ko ba para kasing mabigat ang ulo ko ngayon at parang anytime dadalawin ako ng antok. Siguro bunga ata 'to ng subrang pagod at antok sa araw-araw na ginagawa ko.

"Ito na nga. Dumaan kasi ako sa may faculty room. At ito hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko.!?"sabi naman ng kaklase kong may balita.

"Ano...ano sabihin mo na. Ano yung balita?"

"Oo ano nga mukhang interesting yan hu?" mga atat na tanong ng mga kaklase ko. Pati ako nga mukhang naging interesado sa pinag-usapan nila. Kahit nakapikit ang mga mata ko pero ang tenga ko nakabukas sa anumang gustong marinig.

"Teka lang...wag umurong nga kayo ang lapit niyo naman e.?"ang pagrereklamo naman niya.

"Sabihin mo na kasi ang dami mo pang sinasabi."ang mukhang naiinis na sabi naman ng isang mukhang interesado talaga.

"Okey...ito na....si CLYDE WALTER ang dating team captain ng Black phantom andito na!!"ang nakakabaliw na pahayag sa mga kaklase namin...

"Talaga!!"

"Sigurado ka? Siya ba talaga ang nakita mo?"

"Oo naman."

"Baka namalikmata ka lang dude..."

"Hindi...siya talaga yung nakita ko promise."ang pagpapatunay niya. "Nakita ng dalawa kong mata na siya talaga yun...kahit na mahaba na ang buhok niya at may earing sa bandang ibabang labi niya. Siya talaga yun! Maniwala kayo?"ang sabi pa nya.

"Talaga ngang siya ba talaga yun?"

"Or baka naman iba yung nakita mo. Si Clyde mahaba ang buhok at may earing sa lower lips niya. Imposible naman ata yun. Ang clyde na kilala ko nga dati nun 3rd yr palang ako ay short hair at walang earing sa labi kahit na may grupo yun hindi yun ganun."ang ibang pahayag naman ng isa ko pang kaklase.

"Bahala kayo kung ayaw ninyong maniwala. Humanda nalang kayo pag naikata niyo siya or makasalubong sa daan talagang sasabihin ninyo na iba na talaga siya."ang sabi naman ng bumalitang kaklase ko.

"Sige para maniwala kame.. puntahan natin ngayon sa skul faculty."

"Oo nga baka nandun pa yun."

"Okey.."at yun na nga. Nagsipaglabasan silang lahat na mga gustong maniwala sa sinabi niya. Sumama ang ilang mga kaklase ko at kaunti nalang ang natira sa klasroom.

Tiningnan ko muna silang lahat ng magsipag-labasan sila. Nang makalabas na sila binalik ko ulit ang mata ko sa pag pikit. Pero kahit nakapikit ako ang utak ko nag poproseso kanina sa sinabi ng mga kaklase ko.

Totoo nga ba si clyde bumalik na? Pati nga ako parang ang hirap maniwala na nandito siya. Kung tama ngang nandito siya bakit naman siya bumalik dito. At ano yung sinabi ng klasmet ko.. si clyde mahaba ang buhok at may earing sa lips niya talaga nga bang nagbago na siya? Shit! Bakit parang iniintindi ko pa ang taong iyon? Eh wala naman akong pakialam sa kanya kung nagbago na siya. Lahat naman ng tao nagbabago talaga. Gaya nalang ng dati nagbago na siya sa nararamdaman niya dati sa amin dalawa. Siguro ko nga ay wala na akong pakialam kung iba na siya.

The Stranger's love affair 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon