6

1.2K 51 2
                                    

Stranger's love affair

Sa panulat ni DalagangVisaya

------------------------------------

"Nak...nandiyan kaba? Nak buksan mo ang pinto?"dinig ko ang paki-usap ng ina sa akin pero wala akong lakas ng loob na sundin siya.

Heto ako ngayon nagkukulong lamang sa aking silid at iyak ng iyak dahil sa isang masamang pakiramdam. Pakiramdam ko ay para nadurog ang reputasyon ko bilang isang lalaki. Galit ako galit na galit sa nangyari sa akin wala manlang ako kaalam-alam na gagawin niya pala sa akin iyon. Subrang na depress ako at natakot na baka hindi lang iyon ang gagawin niya sa akin. May mga bagay akong hindi ko pa man masasabi pero parang nagiging totoohan na.

Galit at takot ang nanaig ngayon sa akin sarili pakiramdam ko ay nabawasan ng kunting kumpyansa ang aking sarili. Paano ko ba haharapin at patutunguhan ang isang taong gumawa sa akin ng bagay na hindi ko inaasahan.

Masakit at naninikip ngayon ang aking ulo dahil narin sa iyak at hindi magandang pakiramdam. Buong magdamag nakahiga lang ako sa aking silid. Ni kumain o lumabas ay hindi ko na nagawa nawalan na ako ng gana noong gabing umuwi ako na halos wala ng damit kundi tapis lang ng towel ang nakapalibot sa aking lower body. Mabuti nga't tulog na that time si mama dahil kung naabutan niya ako na ganun ang sitwasyon ay mag-aalala yun panigurado.Sumakit at makati ang aking lalamunan hirap akong lunukin ang aking laway at pilit ko din minamasahe aking ulo.

"Sige kung masama talaga ang pakiramdam mo tawagin mo lang ako ha?"sa narinig kong sinabi ni mama mas lalo tuloy akong naiyak at the sametime ay naawa sa amin kalagayan.

Pati ina ko ay nabigyan ko tuloy ng pag-aalala sa akin. Gusto ko man sabihin ang aking hinanakit ngayon ngunit hindi pwede. Ayuko na pati si mama ay magalit o magkaroon ng hindi magandang maidudulot sa kanyang kalagayan. May sakit na nga aking ina ipapahamak ko pa ba ito. Wag na. Ayaw ko na malala ang kanyang kalagayan.

Dahil sa pagod at hindi magandang kalagayan ko hindi ko napansin na mag gagabe na pala.

Habang nakatingin ako sa may labas ng bintana..naalala ko pa noong masasayang araw namin with him palagi niya ako sinasama sa kanyang mga trip at kalukuhan.  Dahil din sa mga labulastugan niya at kapilyuhan niya napapagalitan tuloy ako ni mama dahil hindi ko daw inalagaan ng mabuti si clyde..e sira ulo niya kaya noon siya nga itong palaging may gulo tapos ako ang umaawat ako pa itong napapahamak. Puro pasa na nga't galos ang mukha ko sa kanya para hindi lang siya masaktan e mas ako pa ito ang masama.

Pero sa kabila ng lahat na iyon, wala akong pinagsisisihan na anumang ginawa ni clyde. He bring me fun and joy sa bawat lakad at kilos namin. Nang dahil sa kanya natutuo akong lumaban at tumingin ng tama sa mali. Natutunan ko din ang pahalagahan ang bawat isa. He deserve a friend like me. Kahit na may pagka pilyo siya at troublemaker he has also this kind of kids na malambing, mabait at mapagmahal sa magulang. Naalala ko pa din noon ang sinabi niya sa akin. "Hey...." nasa may tulay kami that time at kumakain ng chichiria tumingin ako sa kanya. "Tandaan mo wag kang lalayo sa akin...." kahit na hindi ko alam ang takbo ng isip niya hindi parin ako umalis ng tingin sa kanya. "Bakit biglang sinabi mo yan?"tanong ko sa kanya. "Wala lang, basta ha wag kang mawawala sa akin at kung lalayo kaman sa akin ako na mismo ang lalapit sayo para gantihan ka sa pang-iwan mo sa akin. Got that!?"napatawa nalang ako sa sinabi niya. Hanggang sa nagtawanan kame at nagkahabulan sa daan. Ang saya ko noon kapag kasama ko siya sa sinabi niya sa akin noon habang nagtatakbuhan kame ang nasa isip ko ay siya lang at wala ng iba.

"Tok3x......"nabali ang pag-iisip ko ng marinig ang katok sa pinto.

"Bakit po?"ang tanong ko sa kumakatok. "Anak nandito ang kaklase mo gusto ka niyang maka-usap."ang sabi ni mama sa akin. Napa-isip naman ako sino kaya ang tinutukoy ni mama?

"Sige po sabihin niyo maghintay lang siya sandali."tapos ko sabihin dahan-dahan ako umalis sa kama at nagtungo sa banyo nag hilamos ako at nag toothbrush para hindi naman nakakahiya sa kausap ko ang itsura ko.

"Ma...."tinawag ko si mama habang may ginagawa sa kusina. "Nasa sala siya anak "ang sabi naman sa akin ni mama. Tumango ako at pinuntahan ang bisita. Nagulat ako ng makita ko ang taong hindi ko inakalang dadalaw sa akin dito sa bahay. At bakit niya ako pinuntahan dito e hindi naman kame masyadong close na dalawa.

"Hey....sorry kung naghintay ka. Anong gusto mo juice or softdrinks?"alok ko sa kanya bago umupo sa gilid katabi ng sofa.

"No im fine. Nga pala pasensya na kung inabala kita may ibibigay lang sana ako sayo."at kinuha niya sa bag niya ang ibibigay daw niya sa akin. "Ano to?"ang tanong ko habang hawak ko ang isang notebook. "I don't know hindi ko pa yan tiningnan kanina ng binigay ni Ms. Leslie sa akin yan ibigay ko daw sayo pag nagkita tayo hindi ka kase pumasok."ang sabi niya.

Binuksan ko ang binigay ni leslie sa akin and ng makita ko kung ano ito ay isa lang palang health guidelines para sa amin mga swimmers nakasaad din dito na may mga rules and note for every daily excersice at mga food health. May nakasulat ding mga names namin at may schedule na isusulat ko kung sumusunod ba ang lahat sa tungkulin. Ako pa talaga ang binigyan niya ng ganito as a lider team captain and also a senior tinanggap ko nalang. Wala narin ako nagawa kundi ang tanggapin ito at itabi sa aking silid agad din ako bumalik sa sala.

"Ito pala ang bahay niyo."ang sabi niya. Tinanguan ko lang siya habang may inaayos ako. "Bakit ka nga pala hindi pumasok? I mean hindi naman sa nangingialam ako sa buhay mo."ang depensya niya agad ng makita niya akong nagtataka.

"Salamat nga pala dito."ang sabi ko. "Bukas papasok na ako."ang sabi ko sa kanya. Tumango nalang siya sa sinabi ko at tumingin nalang sa ibang parte ng bahay namin.Iwan ko ba kung tama ang sinabi ko kay blake kung papasok ba talaga ako bukas. Hindi naman sa ayaw ko dahil sa may kinakatakutan ako sa skul. Hindi ko lang kasi alam kung kaya ko na ba at handa na ako sa pusibling mangyari bukas.

Maybe this is the way to let them know that i can do better......

The Stranger's love affair 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon