8

1.2K 49 3
                                    

Stranger's love affair 2.

Sa panulat ni DalagangVisaya

------------------------------------

"Here drink this."tumingin ako sa binigay na energy drink ni abby sa akin. "Thanks abby."ang sabi ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko at tiningnan lang ako habang umiinom ng binigay niya.

Narito kame ngayon sa isang lugar kung saan kame palaging pumupunta nito pagka gusto namin magpaka relax.

"Parang may problema ka? Pwede ko bang malaman yun kung ano?"humarap siya sa akin at may pag-alala sa kanyang mukha.

Dapat ko ba ito sabihin sa kanya kung alam ko naman kahit na sabihin ko ang problema ko wala rin naman magbabago. Sariling problema ko kailangan bang may makaka alam. Alam ko namang mabuting kaibigan si abby ngunit labas na siya sa mga problema ko tama na yung nandito siya sa tabi ko at sinasamahan ako.

Napatingin nalang ako sa kanya at binigyan ng simple ngunit pilit na ngiti. "Ayos lang ako wag kang mag-alala. Ikaw anong balita sayo? Ito kasing nagdaang araw hindi tayo nagkita dahil sa conflict schedule ko?"pagtatanong ko sa kanya. Bumalik naman sa masayang ngiti  ang mukha niya at binalita niyang happy ang life niya kasama ang parents niya at friends. She told me narin about sa kanyang darating na birthday debut. Sabi niya sa akin ako daw ang kukunin niyang escort kung okey lang daw sa akin. Syempre friend ko siya kaya hindi ko na pinatagal at nag oo din ako sa kanya. Masaya naman siya sa naging sagot ko kaya sa subrang saya niya niyakap niya ako ng mahigpit. At yun niyakap ko din siya.

"Thank you talaga jhe subrang happy ko na pumayag ka. thanks talaga."sabi niya habang magkayakap kame. Napangiti narin ako sa naging kilos niya para talaga siyang bata kung umasta.

"Oh teka si clyde ba yun...?"napabitaw siya sa yakap ng sabihin niya ang pangalan ni clyde. Napatayo siya para tingnan ang nakita niya. "Si clyde yun nakita ko." Ang pagpapa klaro niya. Napalingon ako sa gawing sabi niya. Wala naman akong nakitang clyde. Baka naman namalikmata lang siguro siya. "Baka naman iba ang nakita mo. Sigurado ka bang siya e nasa school kaya yun at may kasamang girl."ang pagpapaliwanag ko din sa kanya. "No. Siya talaga hindi ako dapat magkamali. He saw me too."ang talagang pinanindigan niyang turan. "Tara na nga at baka gutom lang yan. Kumain nalang tayo bago umuwi." Sumama naman siya at hindi na nagreklamo.

Napa isip ako nalang ako sa sinabi ni abby kanina. At ano naman kaya ang dahilan kung talagang nandun sa lugar si clyde. Is he seing me? Imposible naman kung ganun nga dahil ang alam ko ay galit sa akin ang lalaking iyon kaya imposibleng gusto niya akong makita. O baka naman talaga ay namalikmata lang si abby kaya niya nasabi ang pangalan ni clyde. Kilala ko si clyde alam ko din na kapag galit siya sa isang tao ay hindi niya ito kayang makita dahil mas lalo lang siya magagalit sa pagmumukha nito. Baka nga tama. Hindi si clyde ang nakita ni abby. Clyde is still mad at me and i don't know the reason why he hate me that much. And i want to know what it is.

"Bakit ka nga pala pinatawag ng coach niyo."i look at her. "I ask blake kung nasaan ka sabi niya kina-usap ka daw ng coach niyo?"

"Yun ba. Tungkol lang sa swimming team. Gusto niya kaming mag sanay ng husto para sa darating na rely."nakumbinse naman siya at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Habang kumakain kame ay bigla nalang lumapit sa akin si abby at sa ilang sandali lang ay dinampian niya ang gilid ng labi ko sa hintuturo. "May ketchup kasi kaya pinahid ko na."ang paliwanag niya. Ngumiti nalang ako sa ginawa niya. Akala ko pa naman kung ano na.

Napa kumbinse na ako. Me and abby are just friends and thats it. Kahit kailan man ay hindi na kame magkaka inloban sa isa't-isa. Ganito lang talaga siya ka sweet sa akin kung umasta.

Nang matapos kame kumain at paglalakwatsa namin ni abby hinatid ko na siya sa bahay nila hindi naman kame nagtagal at kailangan rin daw niyang umuwi para ma asikaso niya ang mga details para nga daw sa debut niya. Ang saya lang sa pakiramdam dahil habang naglalakad kame panay talaga ang kwento niya tungkol sa mga pinaplano niya sa debut niya. Ang gusto pa nga niya ay simple pero rock. May nakalimutan pala akong sabihin sa inyo si abby mahilig pala sa rock kaya nga yung pinsan niyang singer siya yung nag advice dun para sumikat ng husto.

Pagdating namin sa bahay nila naka salubong din namin ang parents niya na kakauwi lang galing trabaho. Mabait ang parents sa akin ni abby dahil na siguro sa matagal na kaming magkapitbahay kaya siguro napapalapit na ang loob nila sa akin.

Pagkatapos kung magpaalam sa kanila umuwi narin ako sa amin. Mga tatlong bakuran lang ang layo ng bahay namin kina abby kaya naman naglakad nalang ako. Nakatanaw ako sa langit na malapit nang lumubog ang araw dahil sa kakatingin ko hindi ko sinasadyang may nabundol akong kahon. At narinig kong may sumigaw.

"Naku! Yung nga pigurin baka mabasag?"isang matanda ang tumatakbo palapit sa akin. "Pasensya po hindi ko po kasi nakita ang dinadaanan ko."ang pagpapa umanhin ko. "Ayos lang yun ako nga dapat ang humingi ng sorry dahil sa iniwan ko lang dito sa labas ang mga yan."

Binuhat niya ang nasabing kahon ngunit hindi niya kinaya dahil siguro sa bigat. "Ako nalang po ang magbubuhat."ang sabi ko sa kanya at nakita ko namang ngumiti siya so thats mean yes.

"Ang bait mo namang bata." Ang sabi niya. "Dito kaba nakatira?"

"Opo diyan lang sa Roño residence." Ang sabi ko. Sumunod lang ako sa kanya kung saan siya pupunta. Napahinto ako saglit ng makita ko kung saan siya pupunta. "Teka bahay to nila clyde ha?"ang nasabi ko sa sarili habang nakasunod sa babae.

"Dito mo nalang ilagay yan baka kasi na bibigatan ka na."yumuko ako at nilapag ang mabigat na kahon. Mabigat nga subra. "Dito po ba kayo nakatira?"ang pagtatanong ko sa babae.

"Oo dito. Bakit?"sabay tanong niya. "Wala lang po. Akala ko kasi matagal na kasing hindi natitirhan itong bahay mga 1 at kalahating taon narin."ang sabi ko.

"Ay oo nga pala hito tanggapin mo."may inabot siya sa aking isang daan. "Naku po wag na ho ayos lang sa akin ang magbuhat hindi naman po ako humihingi ng suhol."ang sabi ko sa kanya.

"Ang buti mo namang bata. Napaka swerte ng mga magulang mo sayo matulongin ka talaga."ang sabi niya. "Walang ano man ho yun. Sige po aalis na ako."nagpaalam narin ako sa kanya at nagdiretso na pauwi ng bahay.

The Stranger's love affair 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon