New comer

1.3K 57 1
                                    

*New comer*

Stranger's love affair 2

Sa panulat ni DalagangVisaya

_______________________________

"Everyone today i need your attention because today we have someone to join our team and today he is here right now. So please i would like you all to meet Mr. John Zamora! Palakpakan.......!!!"nag palakpakan kaming lahat ng mga team sa harap ni coach. At lahat kame nakatuon sa pintoan dahil sa inaabangan ang pagpasok ng bagong myembro na sasali sa team namin.

"Woooahhh......!!"ang sigaw ng aming mga kateam ng pumasok ang bagong sasali.

Isa lang siyang pumasok at naka uniforme pa ng skul uniform namin at naka shade and cap kaya hindi namin makita kung sino siya.

Pero ng tumuwid siya ng tayo sa tabi ni coach dun namin nakita ang kanyang kakisigan. Hinubad niya kasi ang kanyang uniform pang itaas at ang slack pants and shoes. Tumumbad sa amin ang kanyang katawan na masasabi kong perpektong perpekto talaga.

"Lang'ya tinalo pa tayo ng mokong na'to."ang sabi naman ng katabi ko.

"Sino ba yan?"ang tanong naman ni blake..

"Mukhang ready kana sa first try out mo ngayon Mr. Zamora?"ang nakangiting tanong ni coach sa kanya.

Tango lang ang sagot niya kay coach at mukhang ready na talaga sa gagawin niyang try out.

Pumwesto siya sa may gilig ng pool at nag stretch ng katawan. Naka pang swimming trunks naman siya kaya naman kumportable siyang tumuwad at lumiyad sa harap at likod ng mga nanonood sa kanya.

Bago pa mag pito si coach hudyat ng start. Tinanggal mo na niya ang kanyang suot na cap at shades. Doon namin nakita na nakatali pala ang buhok niya at may kulay din ito its a blonde hair. Nagmumukha siyang banyaga sa paningin namin dahil sa kaputian niya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang itsura niya.

'PRRRRTTTT!!' Hudyat niya na mag uumpisa na siyang lumangoy.

"Wooooahhh!!!......."

"Bilis pa....bilis pa...."

Yan ang mga naririnig kung cheer ng mga kasama ko at mga tao dito sa loob ng pool. Talagang napahanga niya ang mga tao dito sa paglangoy niya kahit na nga ako ay napapahanga sa kanyang pinakitang galing sa pag langoy.

"Mukhang may katapat na si Roño sa paglangoy."napatingin ako sa nagsabi ng salitang iyon si coach nakikita ko sa kanya na bilib siya sa ipinakitang galing ng bagong manlalangoy.

Nagkoroon tuloy ako ng kahinaan at pangamba sa aking sarili. Baka mas lalo lang tuloy ako mahihirapan kung pati ako din nga nagiging tagahanga sa bagong meyembro.

Tinanggal ko ang silip sa aking nuo at naglakad palayo sa kanila. Matatapos narin kasi ang ipinakitang skill ng bagong dating baka mas makabubuti nalang na magpahinga kisa sa ikumpara ako sa kanya. Si coach na mismo ang nagsabi na may makakapantay na sa lakas ko pagdating sa paglangoy sa rely.

"Saan ka pupunta?"si blake nakita pala niya ako na kinukuha ko na ang aking mga gamit.

"Tapos na practice ko uuwi na siguro ng bahay para makapag pahinga."ang sagot ko naman sa kanya.

"Alam ko ang iniisip mo. Wag kang mag-alala ikaw parin naman ang jhero na walang makakapantay pagdating sa rely kahit na may bago mang makakatapat sayo. Ikaw parin ang unang nagpa pasok sa atin sa division round."ang saad naman ni blake sa akin.

"Bakit mo ba ito sinasabi. Diba galit ka din sa akin dahil noon ikaw palagi ang pinupuri?"ang tanong ko naman sa kanya.

"Simple lang. Lahat tayo nagbabago yun siguro ang nangyari sa atin dalawa jhero."ang simple din niyang pahayag.

"Kahit ganun pa man. Alam ko na ginawa mo yun dati dahil sa pangarap mo na maging sikat na swimmer balang araw. Pinapatawad narin naman kita matagal na. Kaya para sa akin wala narin yun."ang paliwanag ko din sa kanya.

"Salamat...."

............................

Matapos kaming magpalitan ng salita, umalis narin ako sa pasilyo at tinahak ang daan palabas ng swimming court. Dala parin sa isip ko ang bagong manlalangoy sa team namin bakit ba ganun parang may iba akong naramdaman ng makita ko palang siya para bang may hindi magandang mangyayari sa akin.

Pagka-uwi ko ng bahay napahinto ako ng makita ko ang nanay ko na nakahandusay sa may gilid ng sofa.

"Ma!!"dali-dali akong lumapit sa kanya ay pinaharap sa akin. Nakapikit ang mga mata niya na ikinatakot ko. Oh diyos ko sana wag naman po.

"Ma....ma!!!???"ang paulit-ulit kong sambit sa kanya pero wala eh hindi manlang siya kumikibo.

"MAMA!!!!!!"ang malakas na sigaw.

"Jhero....hoy jhero!!"

"Teka ano ba nangyari diyan? Bakit ganyan yan? Gisingin niyo nga yan.!"

"Jhero...pare gising na...galit na sa atin si sir Bagumbong."

"Ma......?"

"Pare okey ka lang ba? Mukhang nananaginip ka ata sa inyo a. Kanina kapa tawag ng tawag sa nanay mo. Ano ba nangyari sa mama mo?"

"Pasensya ka na pare. Nasubrahan lang ata ako sa tulog kaya kung ano-ano na ang napapanaginipan ko."paliwanag ko naman sa kanya.

"Ikaw naman kasi sinabi ko na kalimutan mo na yung lalaking iyon. Ayan tuloy pati mama mo nadamay sa kakaisip mo sa kanya hanggang sa panaginip." Napakunot nuo naman ako sa pahayag niya.

At ano ba yang sinasabi niya tungkol sa panagini..sa lalaki? Sira ba ulo nito. Pati ako pinagsasabihan ng wala sa tama. Umalis nalang ako at gumawa ng mapag bibisihan.

Kasalukuyang nag papart-time ako ngayon dito sa isang department store dito sa amin. Syempre malakas ang kita pag gabe kaya ito narin ang kinuha kong trabaho para narin pandagdag sa pang-araw araw na gastusin ko sa skul at bahay.

Kahit na masaklap ay naging matatag parin ako. Kahit na nahihirapan ako ay kinakaya ko parin. Sino ba naman kasi ang hindi mahihirapan e alas singko ng hapon ang uwi mo sa skul tapos diretso na ako sa partime ko pagkatapos naman 10 yung labasan ko mahirap talaga. Mabuti na nga lang at mababait dito yung mga kasamahan ko at naiintindihan nila ako paminsan-minsan kong medyo late ako o dikaya ay nakakatulog ako sa trabaho. Si Amboy ang isa sa kasama ko dito gaya ko siya din ang nagtatrabaho sa pamilya nila kaya naman naging close talaga kame.

"So kamusta na pala yung sinabi mo sa aking bagong dating sa swim team niyo huh?"ang tanong ni amboy sa akin habang nag aayos kame ng mga paninda.

"Magaling siya."ang sabi ko lang.

"Magaling.....teka wag mong sabihin na naiinis ka dun dahil may katapat kana sa inyo."

"Ano bang sinasabi mo.?"ang tanong ko din sa kanya.

"E kasi sa itsura mo palang para kang naiinis e?"ang sagot naman niya.

"Hindi ako naiinis no. at tska bakit niyo ba sa akin sinasabi ang taong iyon e hindi ko pa naman yun namemeet sa personal. At tska kung makilala ko man siya at makalaban sa paglangoy..dun baka pwede niyo pang sabihin sa akin ang gusto niyong sabihin pag naglaban na kame. Pero sa ngayon, please lang...quite mo na kayo...ok?"sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Teka bakit ganyan ka makapag salita. Nagsasabi lang naman ako?"he curiosity ask.

"Tulad ka kasi ni coach at ng mga kateam ko. Sakit sa tenga minsan."ang sabi ko sa kanya sabay alis sa harapan niya.

Hindi ko nalang pinansin pa ang mga sasabihin sa akin ni amboy. Bakit ba lahat nalang sila ay kinukumpara ako sa taong yun. E wala naman akong pakialam kung magaling siya. Ang akin lang naman e gawin niya ang bagay na gusto niya sa swimming dahil ako may sarili din ako para sa team ko. At kung magiging  mas magaling man siya sa akin, e hahayaan ko nalang siya tutal skul din naman namin ang hawak niyang bandera kung makipag laban man siya sa mga ibang katunggali.

Mas magiging masaya pa siguro ako para sa kanya kung mapapanalo niya ang team namin. Ayos lang sa akin na siya na ang pupuriin, naranasan ko narin naman niyan dati pa. So maybe its about to give other a chances.

Pero sino nga ba talaga siya? May gustong malaman ng utak ko kung sibo ba ang taong iyon.

Like and comment don't forget!!

The Stranger's love affair 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon