Part 17

557 27 1
                                    

Stranger's love affair

Sa panulat ni DalagangVisaya

------------------------------------------------

"So ikaw pala si Nico Manzano ang nerd nu--."

"Yes ang nerd noon na hot na ngayon."tsk. Muntik na akong mapatawa sa sinabi niya. Napaka confident naman niya sa sarili.

"And now what?"i said.

"I like you Jhero.."hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Im used to it.

"Alam mo bang may asawa na ako?"yan ang sabi ko sa kanya para malaman niyang im already taken.

"Alam ko. At hindi naman mahirap sa akin yan."hindi ko alam ang patutunguhan nang salita niya pero binaliwala ko nalang.

Isa na namang katahimikan ang bumalot sa amin.

Bigla akong napa-isip.

Yung sa aksidente paano kame na aksidente?

Siya? Bakit siya nandoon sa aksidente?

Ano ang nangyari kay Clyde?

Paano ako napunta dito?

Is Clyde......dead?

Alam din niya na kasal na ako kay Clyde. Isang malaking palaisipan sa akin ang lahat ngayon. Mayron pa siyang hindi sinasabi sa akin. At bakit niya ako dinala dito sa bahay? Bakit hindi nalang niya pinaalam sa pamilya ko para sa ganun malaman nila ang nangyari sa akin ngayon.

Shit? Bakit ba hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ba ako nandito at kasama ang lalaking ito. I now know. This is not good. Alam ko na hindi ito tama. Dapat sa mga oras na ito. Nandun na sana ako sa amin. Inaalam kung ano ang nangyari.

Is my Family know kung nasaan ako ngayon?

What about yung naiwan naming mga alaala ni Clyde.

P*** bakit ba wala akong magawa. Dapat talagang may dapat akong gawin. Hindi ako makakapayag na wala ako magagawa at nandito lang na kasama ang lalaking ito.

Sinulyapan ko ang kaharap kong lalaki. Nakatingin lang siya sa malayo. Doon ko napag masdan ang mukha niya. Tama naman siya. Hindi na siya yung nerd na mataba. Mas pumayat siya nang husto. Ang katawan niya fit na fit may mga muscle.  Hapit na hapit sa kanyang suot na white Sando masasabi ngang hot siyang tingnan. But thats not work for me. I have Clyde already.

Kahit aminin niyang matagal na siyang may gusto sakin. Hindi ko parin ipagpapalit si Clyde sa kanino man. Even him.

"Nico kailangan ko nang umuwi sa amin sa lalong madaling panahon."sabi ko sa kanya.

"Really at paano?"sarkastiko niyang pagkakasabi.

"Anong paano? You brought me here tapos sasabihin mong paano? Shit!"ang galit kong pagkakasabi sa kanya.

"Kailangan kona talagang umuwi dito. Kung ayaw mo akong tulongan pwes uuwi ako!"i said in loud tone.

"Sa tingin mo ba makakauwi ka dito. Sa tingin mo ba papayagan kitang maka alis dito?"ang mautoridad niyang turan sa akin.

"Bakit ba ayaw mo akong makabalik sa amin. Please Nico nagmamaka-awa ako sayo kailangan ako ngayon nang pamilya ko, kailangan ako ngayon nang asawa ko."ang pagmamaka-awa ko sa kanya. I really need to show him talaga na gusto ko nang umalis. Wala akong paki kung ano man ang isipin niya. But i really need to go home kailangan ako nang pamilya ko lalo na si Clyde...kailangan kong makita ang asawa ko kung ano na ang nangyari sa kanya.

If he really dead...hindi ko na alam kung makakaya ko pa ang makita siya na nakahiga sa kabaong na wala nang buhay.

Hindi ko siguro makakaya ang iwan niya nalang ako nang basta-basta. We have more dreams, more plans to do. Marami kaming pinag-usapan about sa magiging buhay mag-asawa namin and now basta nalang ba magwawakas ang pagsasama namin.

Kaya naman talaga gusto kong umalis para alamin kung ano ang nangyari noong na aksidente kame.

Gusto kong paimbistigahan kung ano ang nasa likod nito. Like i feel theres something na may kinalaman sa pangyayari.

At ang isa pang rason din is para masiguro ko na wala na ba talaga ang asawa ko. That's why kailangan may gawin talaga ako.

"Kailangan ko pa bang ulitin sayo na patay na ang asawa mo. Wala na siya. Sumabog ang sasakyan hindi siya nakaligtas.!"galit niyang inulit sa akin ang sinabi niya. But for me wala akong tiwala sa kanya. Mukha siyang nagsasabi nang hindi totoo.

Paano niya nasabi na patay na ang asawa ko. At paano niya masasabi na hindi nakaligtas ang asawa ko. Hindi ako kumbinsedo dun sa pagkakaligtas niya sa akin. I know may something siyang hindi pa sa akin sinasabi. At kailangan ko yun malaman.

"Hindi ako naniniwala na patay na si clyde. Nararamdaman ko hindi pa siya patay."paninigurado ko sa kanya.

"Ayaw mo talagang maniwala."ang sabi niya at bigla siyang lumapit sa akin at may pinakita. "Tingnan mo'to."nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.Pinakita niya sa akin ang relo ni Clyde na palagi niyang sinusuot pag may lakad kame.

Bigla akong napahawak sa aking dibdib. Sa nakita ko parang may mabigat sa pakiramdam ko na hindi ko kayang maramdaman. Parang ang hirap huminga. Pakiramdam ko para akong binugbog nang mga maton sa labas at hindi na makalakad sa subrang sakit na aking nadama.

Ganun kasakit sa pakiramdam. Parang hindi ako makapaniwala na wala na si Clyde...wala na ang taong mahal ko...ang taong iniyakan ko, ang taong nagpadama sa akin nang pagmamahal, ang tao kung saan ko na tutunan sa kanya ang mga bagay na hindi ko natutunan sa aking sarili.

Hindi ko mataggap...ayukong isipin na wala na talaga siya.

Clyde....bakit?

Bakit mo'ko iniwan...bakit hindi ka lumaban.

Bakit hanggang dito nalang ang pagmamahal mo sa'kin.

Gusto ko pang madama ang pagmamahal mo na matagal ko nang gustong maramdaman.

Hawak ko parin ang aking dibdib habang patuloy sa pag-agos nang mga luha sa akin mata.

Naramdaman ko ang paghagod nang kamay sa likod ko para pakalmahin ako pero hindi sapat yan.

Hindi sapat ang hagod lang...sa nagdurogo kong puso ngayon.




A/N:So whats the problem guys. Totoo kayang wala na ang mahal nang bida natin?

Anyway Nico Manzano image.

Don't forget to comment or like.


The Stranger's love affair 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon