Part 11

1.1K 47 0
                                    


#The Stranger's love affair 2

Sa panulat ni DalagangVisaya

--------------------------------------------------

"Ma gumising kayo...Ma ano ba please naman po wag niyo naman gawin sa akin ito."

Huhuhu....hindi ko na lubos mapigilan pa ang mga luhang dumaloy sa mga mata ko. Ito na ata ang pinaka kinatatakutang araw na dumating sa buhay ko..ang mangyari ito sa aking ina.

Kanina lang nang umuwi ako galing sa praktis, ang akala ko natutulog lang si mama dahil sa aming tahimik ng bahay, wala akong nakitang panang-halian sa mesa at malinis ang bahay mukhang hindi lumabas si mama para mag-asikaso ngayong araw.

Nakasanayan ko kasing uuwi ako na may pagkain na sa mesa, na nakikita ko nalang siya nasa sala nag gagansilyo.

Pero kanina talagang subrang tahimik nang bahay parang sa subrang tahimik medyo kakabahan ka na parang may nangyari na hindi mo alam.

Dagli akong nagtungo sa kwarto ni mama para sabihin na nandito na ako sa bahay. Nang makapasok na ako sa kanyang silid. Nakita ko siyang ganun parin nakahiga sa kanyang maputing kama at nakatalukbo sa kanyang puting kumot. Kung ano ang nakita kong pusisyon pagka-alis ko ganun parin ngayon pagkakita ko sa kanya. Para bang hindi siya gumagalaw manlang.

Paulit-ulit ko siyang ginigising. Ako na ang humawi ng kanyang kurtina at nagbukas ng bintana dahil kase subrang dilim na baka hindi napansin na umaga na pala.

"Ma...gising na po." Lumapit ako sa kanya upang alisin ang kumot at nang mahawakan ko ang kanyang kamay..parang wala na itong pulso.

"Sir hanggang dito nalang po kayo."ang sabi nang nurse.  Dinala nila ang aking ina sa kung saan hindi ko siya makikita kundi ang mga doctor lang at nurse sa loob.

Hindi parin tumitigil ang aking pag-iyak.

"Diyos ko..sana po tulongan niyo ang aking ina..wag niyo po siyang kunin sa akin ngayon. Siya na nga lang ang natitira sa akin kukunin niyo pa." Nasa may munting simbahan ako dito sa loob ng hospital habang hinihintay ang resulta sa akin ina.

"Hindi ko po kaya na mawawala pa ang aking ina.." ang mga salitang sinasabi ko.

Paano na ngayon. Sino na ang taong makakapitan ko sa oras ng aking kalungkotan?.

Paano nalang kung mag-isa ako sa buhay. Sino nalang ang makakasama ko.

"Jhe." Napagulata ako sa boses na tumawag mula sa likod.

Si abby? Bakit siya nandito? Paano niya alam na nandito ako?

"Abby...paano mo?"

"Nagpunta ako sa bahay niyo para sana yayain ka lumabas ang kaso walang tao..at may nakapagsabi sa akin na kapit-bahay niyo na may dinala daw sa hospital..kaya nagpunta ako dito."ang pahayag niya.

"Salamat at nagpunta ka pa dito."ang mahina kong sabi.

Bakit kung ang gusto mong tao ang gusto mong makasama sa ganitong oras nang kalungkotan ay yun pa ang wala dito sa tabi ko.

Nasaan ka na ba clyde?

"Si clyde nga pala tinawagan ko siya." Biglang nabuhay ang sarili ko nang banggitin ni abby ang pangalan niya.

"Talaga?"

"Oo, tinawagan ko siya at pupunta raw siya dito."

"Pupunta siya."ang nasabi ko sa subra kong galak.

"Oo nga."

Nagkamali pala ako nang iniisip. Pupunta nga talaga dito sa hospital si clyde na maykasama pang mga pagkain at prutas para sa mama ko.

"Kamusta na si Ms. Amy?"pumasok si clyde dala-dala ang mga binili niya dito sa loob ng kwarto ni mama.

"Ako na ang mag lalagay nang nga iyan clyde."ang pag prisenta naman ni abby.

Ngayon kame nalang dalawa ni clyde sa loob ng kwarto.

"Sabi nang doctor humina daw ang katawan ni niya kaya biglang bumigay ang kanyang katawan."ang sabi ko.

Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil-pisil ito.

"Salamat nga pala at nagpunta ka dito."sabi ko sa kanya.

"Pamilya ko na kayo ni Ms. Amy kaya may rason ako na pumunta dito jhero. At syempre para sayo..i know how you feel right now..nandito lang ako para sayo..kung ano man ang kailangan mo sabihin mo lang at tutulong ako." Niyakap niya ako. Sinandal ko ang aking ulo sa balikat niya. Kay sarap nang pakiramdam na ang taong mahal mo ay nandito para sayo at handang tulongan ka kahit ano man ang mangayari. Tunay ngang nagbalik na si clyde sa piling ko. Labis kong hinintay ang pagkakataon na magkasama kame.

Hinawi niya ang aking buhok at hinawakan niya ang aking mukha paharap sa kanya.

Ang mga mata niyang kumikinang na ngayon ko lang nasilayan sa tinagal-tagal na pagsasama namin. Ang kurba nang kanyang ilong na bumigay sa kanyang mukha at ang kanyang mamumula't manipis na labi na para bang pagtinitigan mo inaanyaya kang halikan mo siya.

Bigla ako namula sa aking naisip kaya naman napayuko ako.

"Jhe...."ang sambit sa akin ni clyde.. Napatingin ulit ako sa kanya.

"You don't have to hide whats inside you.  Ilabas mo yan kung ano man ang nasa isip mo. Wag mong itago alam ko na magiging masaya ka. At ako handa ako tulongan ka at ibigay sayo kung ano ang nanaisin mo."ang sabi niya.

"Clyde natatakot parin ako sa mangyayari sa atin."ang natatakot kong sabi sa kanya.

"Ano ba ang kinakatakutan mo?"

"Ang lahat lahat..natatakot sa mangyayari sa atin dalawa."

"Gaya ba ito nangdati?"

"Clyde nangyari ang dati dahil yun ang tama sa atin dalawa."

"Oo alam ko. Ikaw ang bumitaw sa atin."

"Clyde patawarin mo ako."

Hinawakan niya ako sa mukha at binigyan ang madaliang pagdampi sa labi.

"Matagal na kitang pinatawad."

Niyakap ko siya sa galak nang aking dibdib.

"Jhe magtiwala ka lang lahat gagawin ko basta mag tiwala ka lang."

"Oo clyde naniniwala ako sayo."

Tumayo siya at may dinukot sa bulsa niya. Nagtaka naman ako kung ano ang gagawin niya.

"Ano yang hawak mo?"ang tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay lumuhod siya sa harap ko at pinakita aa akin ang hawak niyang maliit na kahon na kulay blue.

Wait...ano to bakit may ganito?

Tumingin ako kay clyde na naghihintay nang susunod kong sasabihin.







The Stranger's love affair 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon