Part 20

856 28 14
                                    

Stranger's love affair

Sa panulat ni DalagangVisaya

A/N: hey guys im back!!!!
  Almost  A year na din akong hindi nakapag update sa wattpad. And i miss may works...kaya naman ito bumalik ako para mag update. Love you!!❤❤

-----------------------------------------------

"Kuya jhero..kuya jhero ito po saluhin niyo."

It was a beautiful sunny day. Nandito ako sa may dalampasigan kasama ko ang mga batang taga rito. Wala akong magawa kaya nakipaglaro muna ako sa mga bata nang kanilang palaging nilalaro dito sa kanilang lugar.

Naging masaya ako sa mga araw na nandito ako sa isla. Kasama nang mga bagong tao sa paligid ko at si Nico na palaging nandiyan para tulongan ako sa bagong buhay at kalimutan ang malungkot kong nakaraan.

Iniisip ko kase kung aalis man ako sa lugar na ito at babalik sa amin. Alam ko na wala na akong babalikan doon. Lahat nang alaala ko na kasama si clyde ay mananatili nalang na isang alaala. Maging malungkot lang ako at baka dadamdamin ang kanyang pagkawala.

Kaya naman napag-isipan ko na dumito mona. Habang pag-iisipan ko pa ang bumalik sa amin kung kaya ko nang harapin ang lahat at pag natanggap ko na nawala na talaga siya.

Alam ko naman rin na hindi maging madali para sa akin ang kalimutan siya lalo na nang hindi ko lubos maunawaan ang pagkawala niya.

"Mga bata wag niyo masyadong pagurin sa paglalaro ang kuya jhero niyo."out of nowhere biglang sumulpot si Nico na kanina pa pala kame pinapanuod. Napa ngiti nalang ako dahil sa nga naging reaction nang mga bata sa sinabi niya sa kanila.

"Kuya mahal mo talaga si kuya Jhero no?"pabulong na sabi nang batang si Nena.

"Syempre naman mahal ko talaga yan ang kaso lang diko pa nasasabing mahal ko siya. Nakakalungkot nga eh."ang malungkot na sabi naman niya sa bata na nakikinig sa kanya.

"Eh bakit di niyo po sabihin sa kanya?"ang sabi naman ni Nena.

"Nahihiya kase ako. Tsaka dirin ako sigurado kung gusto niya rin ako."may lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa lalaking minamahal niya nang palihim.

"Wala namang mawawala kung sasabihin niyo sa kanya ang nararamdaman niyo. Kaya subukan niyo na po nang malaman niyo kung mahal niya rin po kayo."ang pagbibigay nang kumpiyansa sa kanya.

Hinimas niya nalang sa ulo ang batang si Nena. At lumapit sa lalaking kanina pa niya pinagmamasdan.

"Kanina kapa ba nandiyan?"ang tanong sa kanya ni jhero nang mapansin ang presinsya niya.

Hindi siya sinagot bagkus ay hinawakan siya sa kamay nito at tiningnan sa mga mata niya.

Sa nasa isip ni Nico ay gusto niya na sana sabihin dito sa lalaking patago niyang minamahal ang matagal na niyang gustong sabihin sa lalaki. Ang problema ay ang kanyang mga palaisipan na kanyang kinakatakotan. Ang mga palaisipan na baka hindi siya nito kayang mahalin at iiwan lang siya nito.

"Siguro kumain na tayo dahil kanina pa nakahanda yung pagkain natin sa bahay."ang sabi niya kay jhero.

Napatango narin si jhero sa pag sang-ayon nito sa sinabi niya.

Hinawakan niya ang kamay nito. Matagal na gustong gawin ito ni Nico sa lalaki ngunit ngayon lang niya ito nagagawa nang makasama na niya ang mahal niya.

Hindi naman tumangi si jhero at napangiti pa ito habang naglalakad silang dalawa nang magkahawak kamay.

"Mmm...sarap nito a..kaw ba talaga nag luto nito?"ang tanong ni jhero na ngayon ay sarap na sarap sa pagkain nang mga hinandang pagkain ni Nico.

"Maniniwala ka bang ako talaga lahat ang nagluto nang mga yan?" Pilya ngunit alam niyang tatawanan siya ito dahil alam nito na hindi talaga siya marunong magluto.

"Sige na kumain nalang tayo." Sabay na nagtawanan ang dalawa habang kumain nang hapunan.

"Pagkatapos nito may gusto ka bang gawin o puntahan?" Napaisip si jhero sa mga tanong sa kanya ni Nico.

Alam ba nito ang kanyang nasa isip. Alam niyang gusto niya na talagang umalis dito at bumalik. Pero hindi pa niya alam kung handa na ba siyang harapin ang lahat kung babalik paman siya.

Sa isip naman ni Nico alam niya rin ang pakiramdam nang mag-isa at walang kasama sa buhay. Hindi naman niya gustong ikulong si jhero sa puder niya habang buhay. Kung may paraan lang na madali para sa kanya na mapalit ang loob nito sa kanya at mapaligaya upang mahalin din siya nito ay ginawa na niya.

Walang oras na nagdaan ang hindi niya kayang ibalik para lang masabi niya na nagsisisi siya sa ginawa niya. Kung darating man ang araw na iiwan ma talaga siya ni jhero at babalik ito sa taong tunay nitong mahal ay tatanggapin niya....Kaya nga ba niya?

"Tapos na ako...?"balik sa wisyon si Nico nang magsalita si jhero sa harap niya.

"Ah sige magpahinga ka na? Ako nalang mag liligpit nito." Ang sabi niya. Tumango si jhero at naiwan mag-isa si Nico na waring may lungkot sa mga mata.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Stranger's love affair 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon