Stranger's love affair
Sa panulat ni DalagangVisaya
----------------------------------------
A/N:This is Nico's point of view
"Sir ayaw niya po talagang kumain."nandito ngayon ang alalay kong si Felix para sabihin sa akin ang balitang dalawang araw nang hindi kumakain si jhero o tawag ko sa pangalang Hero.
Ganyan ang tawag ko sa kanya mula nang mga panahon na kame ay nag-aaral pa back in high school.
Mataba at nerd na nakasuot nang makapal na lense at abot mata ang bangs para matakpan ang mga mata kong natatakot sa mga nakapaligid sa akin.
May marangyang pamumuhay ako na masasabi ko. Nakukuha ko ang kung ano man ang gugustohin ko pagdating sa mga bagay. Yun nga lang ay may mga magulang naman akong hindi ko kailan man nakaka-piling. Simula nang magka-isip ako ang yayang nag-alaga na sa akin ang kasa-kasama ko.
Masaya nga ako dahil lahat nasa akin na maliban nalang sa pagmamahal na hindi ko pa nadama kanino man.
I was bully back in high school. Hindi ko alam kung bakit ganito sila sa akin. Mayaman naman ako at mabait. Pilit kong makipag kaibigan sa mga kaklase ko o sa ibang kaedad ko pero pinagtatabuyan lang nila ako.
Masakit isipin na kahit ano man ang mayroon ka kahit mayaman ka pa ay baliwala lang pala ito lahat. Isang materyal na bagay ay madali lang mawala pero ang pagmamahal na madadama mo ay ito ay mananatili sa iyong puso.
Doon ko nakilala ang isang tao kung saan ko nadama ang unang pagmamahal na matagal ko nang gustong madama sa mga magulang.
Nakilala ko ang grupo nang "Riot" nung mabunggo ko ang leader nilang pangalan ay Clyde. Hindi ko naman talaga yun sinasadya na mabagga ko siya dahil sila naman ito ang hindi tumitingin sa daan. Noong una pinalampas lang nila ang nangyari dahil hindi naman daw iyon grabe sa leader nila. Wala rin naman paki-alam yung leader nila dahil sa expression nang mukha niya parang walang pakialam pero itong mga kagrupo niya yun sila ang binantaan ako na kapag nag krus nang landas daw ang mga buhay namin ay hindi na daw nila ito palalampasin.
Ako naman na walang kalaban-laban ay natakot sa banta nila. Kaya naman magmula nang pangyayari medyo may natatakot na akong makita sila kahit nga sa malayo ay nagtatago ako para lang hindi nila ako makita.
Dahil sa nangyari nun, nalaman nang mga kaklase nakin na medyo g*g* din ang nangyari sa akin at sa grupo nang Riot doon nila ako pinagtripan.
Ginagawa nila ang paraan na magkrus ang landas namin nang Riot at para daw ako ang mapagtripan nang mga ito. Kaya ang nangyari noon
Habang pumipila ako sa loob nang food court para kumain. Bigla nalang may pumatid sa akin para yung dala kong food nang tray ay tumilapon at mapunta dun sa grupo nang mga kumakain. At ang masama pa ay dun pa sa grupo nang mga ini iwasan ko ang grupo nang mga Riot.
Nagsigawan silang lahat dahil sa pangyayari at ang pinaka malaking gulo pa ay yung isang member nila dun nadapo sa likod nang tao ang plato nang spaghetti na bili ko. And it was their leader Clyde.
Subra akong natakot at nanginig nang makita ko ang nangyari sa kanila. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari yun.
Bigla akong hinablot nang isa nilang grupo sa may kwelyo ko dahil sa katabaan ko binitawan nalang niya ako at binatukan.
Sinigawan ako nang isa pa nilang member dahil daw sa katangahan ko at dinuro duro pa nila sa noo.
Grabe ang iyak ko noon at nang matapos nang pagpapahiya nang mga grupo sa akin. Tumayo yung leader nila at hinarap ako. Grabe ang mga titig niya sa akin. Noon parang walang pakialam ang expression nang mukha niya,ngayon mas nakaka sindak na. Ang mga mata niyang parang tinutusok ka sa kailaliman mo.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pag-angat nang isa niyang kamao na parang susuntukin ako sa mukha napapikit nalang ako dahil alam ko wala naman akong laban sa kanila.Pero hindi natuloy ang sanang pagsapak sa akin dahil sa boses nang isang lalaking narinig ko.
Minulat ko ang aking mga mata at nang makita ko siya sa harap namin na hawak-hawak ang kamay na susuntok sana sa akin.
Akala ko isa lang siyang ordinaryong studyante na may mabuting puso na tumulong sa akin, yun pala'y siya ang matalik na kaibigan ni Clyde ang pinaka mamahal ni Clyde.
Makikita ko sa kanyang mukha kung paano niya kausapin si Clyde na tigilan na niya ang ginagawa nila para sa akin. Nagtatalo pa nga sila sa harap ko at kinalaunan ay umalis nalang bigla si Clyde at hinabol naman siya nang lalaking hindi ko pa noon kilala.
Doon ko lang nakilala ang pangalan niya na siya pala ay si Jhero Roño ang magaling sa Class 3-A at ang best buddy ni Clyde. Dahil sa nalaman ko palagi na akong naka subaybay sa kanya. Palagi ko siyang inistalk saan man siya magpunta.
Gusto ko sana siyang lapitan para magpasalamat ngunit diko magawa-gawa dahil nga sa palagi niyang kasama si Clyde. Nakikita ko sa kanila na talagang subrang masaya sila kapag sila lang dalawa ang magkasama.
At ngayon nga ay nandito na siya sa akin. Hindi ko na'to dspat pang palampasin. Ipapadama ko sa kanya ang lahat nang matagal ko nang gustong ipadama sa kanya.
Hindi ako magsisisi sa gagawin kong ito. Ito ang tanging paraan para masabi ko sa kanya na mas karapatdapat ako sa lalaking pinakasalan niya.
At kung noon ko pa sana ginawa itong plano ko. Ang plano kung ipapatay ang mahal niya. Eh sana walang nag mamay-ari sa puso ni Jhero. Pero ayos lang yun. Kung nahuli man ako. Ngayon ay sisiguraduhin kong ako na ang mamahalin niya.
"Magiging akin karin sa bandang huli my hero."
A/N: Ano ba yan. Mukhang may bagong aagaw sa puso nang mahal nating si Jhero. Ano kaya ang pinaplano ni Nico kay jhero?
Guys comment or like. 😙☺
BINABASA MO ANG
The Stranger's love affair 2
RomanceThis is the THE STRANGER'S LOVE AFFAIR 2. the continousion of part 1. Please do read!. Jhero and clyde is a best buddy they love each other more than a friend they wish for but one day everything has change. Each one said they let go the past but wh...