Part 16

606 28 2
                                    

Stranger's love affair 2.

Sa panulat ni DalagangVisaya

--------------------------------------

"WAaahhhhh" napasigaw ako mula sa pagkakahiga ko.

Napabangon ako mula sa pagkakatulog ko.Its just a dream. Anong klaseng panaginip ba yun. Bakit ganun ang napanaginipan ko.

Tumingin ako sa orasan sa beside table ko two o'clock a.m palang. Hinawi ko ang kurtina nang bintana sa labas nang terrace.

Nakita ko sa may beranda naka-upo siya at umiinom. Bakit hindi pa siya natutulog. Ang weird ang taong yun.

Nag-isip ako sandali.

Maybe ito na yung tamang oras para magtanong sa kanya.

Wala akong pakialam kung magalit man siya. Basta gusto kong malaman ang lahat. Marami akong gustong malaman mula sa kanya. Alam ko na siya lang ang makapag bibigay sa akin nang sagot sa lahat nang tanong ko.

Lumabas ako nang bahay. Sabi nga pala niya bahay ko daw 'to. Kung bahay ko ito sana alam ko lahat dito. Mukhang nagsisinungaling talaga siya.

Hindi pa nga ako nakalapit sa  kanya nang magsalita siya.

"Bakit gising ka pa?"ang tanong niya habang nakatanaw sa dagat.

Malamig kaya napayakap ako sa aking sarili habang papalapit sa kanya. Umupo ako paharap sa kanya.
Nagtama ang aming mga tingin.

Bigla akong nangilabotan. Para kasing may naramdaman ako sa kanya. Para bang hindi maganda ang intensiyon niya sa akin.

"Hindi kase ako makatulog."

"Gusto mo ba nang alak para makatulog ka?"

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Alak talaga para makatulog."

"Alak kase ang ini-inom ko ngayon dahil hindi ako makatulog."

Weird... bumalik ang katahimikan sa amin. Nalatingin ako sa kanya saglit nang dumako ang tingin siya ulit sa dagat.

"Wag mo nga akong titigan nang ganya."

Nabigla ako dahil alam niyang tinitigan ko siya.

"Masama bang tingnan ka.?"

"May gusto kang itanong ano?"

Alam niya siguro na may itatanong nga ako sa kanya. Maybe this is it.

"Nanaginip ako."ang pagsisimula ko.

He turn his head to my direction.

"Na aksidente daw ako sa daan. Nabangga ang sinasakyan naming kotse sa poste dahil inilagan nang kasama ko ang nakaharang sa daan. Diko alam kung ano yun dahil nag-uusap kame nang mga sandaling yun habang bumibiyahe......."and i pause. At tumingin sa kanya nang may pagdududa.

"And i saw you...."hindi ko alam pero yun ang panaginip ko. I saw him in that accident happen.

"Humingi ako nang tulong pero walang tao then somewhere at nakita kita na papalapit sa amin. Kinuha mo ako mula sa ilalim nang sasakyan.."ang pagpapatuloy ko. "At naalala ko may kasama pa ako sa loob. Gusto ko sana siyang iligtas mo pero huli na ang lahat. Sumabog ang sasakyan."i said to him then i feel a tears.

Tiningnan ko siya. Seryuso niya akong pinagmasdan.

Napaka seryuso nang sandaling iyon...isang minuto kaming walang imikan. Nakatingin lang kame sa isa't'isa.

"Sino ka nga ba talaga?"ako na ang unang bumasag sa aming pagtitigan.

Kita ko sa mukha niya na medyo nagulat siya sa boses ko. Hindi niya siguro akalain na magiging ganun ako ka seryuso ngayon.

Isang malalim na buntong hininga ang una niyang ginawa bago nagsalita..

"Maybe this is the right time na para sabihin ko sayo ang lahat nang nga tanong mo kanina."ang seryuso din niyang sabi sa akin.

He first drink the last liquid in his mug.

Tumayo siya sa pagkatapos niyang tungain ang alak. Ramdam ko na lalapit siya sa akin.

Lumapit siya sa harap ko then he turn around. Pumunta siya sa likod ko. Naka-upo lang ako kaya hindi ko siya makita sa likod.

"But before that..."medyo nagulat ako nang lumapit siya sa tenga ko. "I want you to know me first." Then bumalik siya sa upoan niya.

Kasabay nun kinabahan ako. I don't know pero malakas ang kutob ko na hindi maganda ang pakikitungo nang lalaki sa akin. Meron siyang tinatagong sekrito.

"Im Nico...yung nerd na mataba...yung palaging pinag titripan nang mga grupo nang Riot."hindi ko talaga maalala yung sinasabi niya.

"Wala talaga akong naalala since high school."ang sabi ko.

"What about this...yung sa Prom night. Muntik na akong mabiktima nang pag papahiya sa buong taong naroon at hindi natuloy dahil you save me from those scumbags who try to pour me a paint." Pinoproseso ko yung mga sinabi niya habang nakikinig ako sa kanya.

"Muntik na nga kayong magsuntokan ni Clyde nang dahil sa akin because you save me. After that prom night hinanap kita sa school para magpasalamat at mag paalam narin sayo. Im leaving dahil sa hindi ko na kaya ang ginagawa nila sa akin."pagkatapos niyang ikwento yun ay dun lang ako naka alala nang kunti.

I remember that prom night. Muntik nang masira ang gabi dahil sa isang studyante na muntik nang ipahiya sa mga grupo nila Clyde but that didn't happen dahil sa muntik na kaming mag suntokan ni Clyde sa harap nang mga studyante.

Sinabihan ko siya na wag initigil na nila ang pang-aapi sa mga mahihinang studyante lalo na siya dahil walang maidudulot sa kanya ang mga gawain na yun.

Hindi ko alam kung ano pa ang nangyari sa mga sumunod na gabing iyon basta ang alam ko lang after the prom may lumapit sa aking lalaki. Nabigla pa nga ako sa ginawa niya. He gave me a flower a chocolate.

Hindi nalang ako nagtanong dahil alam ko nag effort siya para lang mag pasalamat sa ginawa ko sa kanya. Natuwa pa nga ako sa kanya dahil ang bait niya at nahihiya pa siyang mag pasalamat. Kaya para hindi na siya mahiya. Kinuha ko nalang yung binigay niya sa akin at aalis na sana nang sinabi niya sa akin ulit "Im leaving....again thank you for saving me." At yun ang huli kong naalala sa kanya.

Sunod-sunod na update ko. I need to finish this story cause i have others to finish also.

Anayway nagustohan niyo ba ang part na ito.
If may katanongan just comment.

The Stranger's love affair 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon