9

1.1K 46 0
                                    

{Hi sa mga nag comment sa akin. Masaya ako dahil may mga taong nagustohan ang storya ko. Thanks sa inyo. At pasensya na kung natagalan sa pag update. Sana magustohan niyo. And don't forget to like at comment.}

Stranger's love affair 2

Sa panulat ni DalagangVisaya

-----------------------------------------

"Its sorry to say this but....please you need to accept this..."tela parang nahiwalay ang kaluluwa sa aking katawan ng banggitin ng doctor ang ang katagang magpapa tigil sa aking mundo.

"......you're mom is no longer stay in this world.." Ano??? Tama ba ang narinig ko sa bibig niya.. ang aking ina..hindi na tatagal sa mundo...putcha...diko ata kayang tanggapin yun. Ano ba ang karapatan niya para sabihin sa akin ngayon yan. Bakit diyos ba siya....diyod ba siya para alam niya kung kelan magtatagal ang buhay nang isang tao huh????

Amputa.....wala na bang mas bubuti pang mga tao dito sa mundo. Bakit halos lahat nalang ng tao nakilala ko nakaka-usap lahat sila puro sakit nalang ang binibigay sa akin. Puta diko na ata kaya to. Diyos ko please....sana kinuha niyo nalang ako sana hindi niyo nalang ako binuhay pa ng ganito kung iiwanan din lang pala ako ng mga taong mahal ko.

"Please boy...wag kang umiiyak.. i know napakasakit na marinig mo ang balita pero yun ang totoo wala na tayong magagawa.  Kung alam mo lang kung gaano namin ginawa ang lahat ng lunas para mapagaling lang ang mama mo ay ginawa na namin. Sadyang malala na talaga ang kalagayan niya."pagkasabi ng doctor sa akin ng pahayag ay tuloyan nang bumuhos ang aking mga luha.. hindi ko parin kasi talaga matanggap na ganun nalang ang kalagayan ng mama ko. Bakit siya pa. Bakit may ganun sa mundo. Sana wala nalang!!

Nag lakad ako papunta sa kwartong inuupahan namin dito sa hospital. Mabigat ang mga paa kong naglalakad parang ayuko makita ang mama sa ngayon. Parang sinasabing mas lalo lang ako masasaktan kong makikita ko siyang ganun. Ayuko pa. Tama na.

"Nak? Andyan ka na pala. Sabi nang doctor pwede naraw ako umuwi. Iwan ko nga kay doc tinanong ko kung ano ang sinabi niya sayo sabi niya ikaw nalang daw ang magsasabi sa akin. Ano nga ba ang sinabi ni doc sayo nak?" Lumapit ako sa kanya habang siya naman ay nag iimpake ng nga gamit niya.

"Magiging maayos daw ang lahat ma, wag na kayong mag-alala magiging okey din ang lahat...kahit hindi naman."sa huling linyang sinabi ko bulong nalang ang kaya kong banggitin.

Naghihimutok ako at hindi ko alam kung ilang oras na ba ako nag mumukmok dito sa ilalim ng puno. Masarap ang simoy ng hangin at nakakarelax kasi walang maingay at walang masyadong dumaraan.

Muli na naman sumagi sa akin isip ang mga sinabi ng doctor. Napasabunot ako sa damo dahil sa galit at inis narin.

"Bakit kailangan pang may mawala..!!"ang biglang naisigaw ko sabay yapos sa mukha.

"Anong mawala?" Napaigta ako sa isang taong nagsalita. At shit. Alam ko ang boses na ito. Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran para kumpirmahin kung sino ang nagsalita.

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ko ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon. Nakatuwid siya ng maayos nakapasok sa bulsa ang dalawang kamay at may suot na cap. Tinaas niya ito na lalo kung makita ang nakaka gwapo niyang mukha.

Lumapit siya sa aking kinaroroonan habang ako naman ay hindi alam ang gagawin. Naku! Ano ang gagawin ko. Bakit siya nandito. Aawayin ba niya ako. O baka naman may gagawin siya gaya ng mga banta niya aa akin.

Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos habang siya ay papalapit sa akin. Kahit hindi pa siya makalapit ng husto sa akin amoy na amoy ko na ang kanyang mabangong pabango na kailan man ay hindi ko makakalimutan.

"Ba't nandito ka? Diba dapat hindi ka lumalapit sa akin"ang sita ko sa kanya, hindi ko kase inaasahan na lalapitan niya ako sa kabila nang lagat na nagdaang araw.

Naging busy ako dahil sa pag-aalaga ng aking ina nariyan narin ang araw-araw na pag-iinsayo sa rely at ang pag-aaral na hindi ko dapat pabayaan.

Nawala narin talaga sa isip ko ang alagaan ang sarili ko at gawin ang mga bagay na dapat ay nagawa ko. At ito pa nga ang sa amin ni clyde ang gulo sa pagitan namin paano ko nga ba siya kakausapin at sabihin na sana kalimutan na nalang namin nakaraan at mag patuloy sa buhay namin ngayon kung ano man kame ngayon.

Nakikita ko rin naman sa kanya na maayos siya. Ganun parin walang problema sa katayuan niya. Yun nga lang nagkaroon na siya ng galit sa akin. Alam ko kung bakit ganun nalang ang galit niya. Hindi ba niya alam kung ano rin ang aking pakiramdam na sa tuwing magkita kame kung titigan niya ako na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi rin ba niya alam na nahihirapan din ako.

Oo aaminin ko na, mahal ko parin siya.

Mahal na mahal ko parin siya. Kahit na galit na siya sa akin. Still i love him. Clyde my best buddy and the one who now make me feel this way is still the reason why i still stand this way.

At ngayon ito na, ito na naman ang araw na pinaka hihintay ko. Na sana kahit na galit parin siya, sana naman makapag-usap kame ng maayos at pag-usapan namin ang ano man ang naging problema namin noon at ngayon.

"Clyde?"ngayon ay nakaharap na ako sa kanya. Isang katahimikan ang nanaig sa amin. Hindi ako kumportable ngayon araw ng aming pagkikita. Para kasing hindi tama na magkita kame ngayon.

May problema ako na dapat ay ako lang. At ngayon narito siya, para ano? Para ba ipamukha sa akin na hindi ko kaya ang problema ko ngayon. Na kahit ano pa ang gagawin ko ay mananatili parin na mag-isa ako at talonan.

Naku naman.

Hugot hangin ang aking ginawa, kailangan ko ito para makakuha ako ng lakas na makaharap siya ngayon kung ano man ang nais niyang sabihin. Sige tatanggapin ko kung ano man ang kanyang sasabihin. Hahayaan ko siya sa ngayon, alam ko naman na wala rin ako magagawa. Hindi ko siya kayang labanan. Hindi naman tinatanggap ko na mali ako. Ako ang may mali sa amin dalawa. Ang sa akin lang ibibigay ko sa kanya ang araw na ito na sabihin ang lahat ng hinanaing niya sa akin.

Humugot mona ako bago mag salita ulit. "May kailanga ka ba?" Ewan ko kung bakit ganito ang lumabas sa bibig ko.

"Bakit ayaw mo ba na makita ako?"parang may kung ano sa mukha niya na nalulungkot nang tanongin niya ako."Hindi naman sa ganun. Kaya lang para kasing."hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sa kanya ng deristo ang dapat kong sabihin sa kanya. Masyado na nga ba talaga ako nagiging weak pagdating sa kanya.

Nakayuko ako at hindi makatingin sa kanya. Subra na talaga bakit nga ba ako nagkaka ganito. Dapat nga ipakita ko sa kanya na masaya ako.

Masaya nga ba talaga ako?

"Let's talk jhe."and then hinawakan niya nalang basta ang kamay ko and all of a sudden naramdaman ko nalang ang labi niya sa gilid ng labi ko.

Shit.

Hinalikan niya ba ako?

Wait. Halik ba yun eh hindi naman sa labi niya ako hinalikan. Wag kang a.o jhe.

"I miss you jhe.."

The Stranger's love affair 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon