Kung na nagustuhan niyo ang kwento, super malaking bagay na para sa akin ang votes niyo! Thanks in advance.hehe...
#WhereDoBrokernHeartsGo
"SAAN ba 'ko nagkamali? Saan ba 'ko nagkulang? Bakit ba kailangan niya 'kong saktan nang ganito?" halos magpang-abot na ang luha at sipon ni Eunice sa kakaiyak. Bigla na lang kasing nakipaghiwalay sa kanya ang kasintahan. Ito ang kauna-unahan niyang boyfriend na sineryoso niya tapos siya pang makikipaghiwalay sa kanya. "Ano bang-."
Hindi na niya naituloy ang dramatic monologue niya nang bigla na lang may humablot sa kanyang braso. May kalakasan iyon kaya medyo masakit.
"Aray ko naman!"
"Kung ano mang problema mo, killing yourself is not the solution!"
Sino bang nagsabing magpapakamatay siya?
Napatingin siya sa lalaking nakahawak sa braso. Nasisinagan ng araw ang mukha nito lalo pa't nasa kalagitnaan sila ng tulay nang oras na iyon at tanghaling tapat. Ganoon pa man, hindi iyon balakid para matanaw niyang maigi ang napakagwapo nitong mukha. Nakalimutan na nga ata niyang nagdadrama nga pala siya sa pakikipaghiwalay sa kanya ng boyfriend. Nakatulala na lang kasi siya dito.
Naka-formal attire ito. May suot pa ngang necktie na tinanggal nito. Hindi siya nagtaka kung bakit pero nang itali nito iyon sa kamay niya, doon na siya nataranta.
"Anong ginagawa mo!?"
Itinali nito iyon sa bakal. "Para makasigurado akong hindi ka makakatalon."
"Tatalon? Sino ba kasing nagsabing tatalon ako? Pakawalan mo nga ako dito!"
Nakatingin na sa kanila ang mga taong nakasakay sa mga sasakyan. Nagtataka siguro ang mga ito kung anong nangyayari sa kanila. Ganoon pa man, wala man lang nag-abalang lumapit. Akala siguro magkasintahan silang may L.Q. kaya ayaw silang pakialaman.
Nakatali na ang mga kamay nang mapansin niyang tumutunog ang cellphone na nasa loob ng bulsa. Wala man lang paalam iyong dinukot ng lalaking kaharap. "Hoy! Aanhin mo 'yan? Ibalik mo sa akin ang phone ko! Magnanakaw!" Napakapormal naman yata nitong magnanakaw.NAGMAMANEHO si Lei ng sasakyan at nasa may gitna na ng tulay nang may mapansin siyang babae doon. Sa kilos nito na para bang kaonti na lang ay tatalon na, napahinto siya't mabilis na bumaba para awatin ito. Hinila niya ito.
Sa pagharap ng babae, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya ito. Hindi man maganda ang alaalang meron siya sa babae, hindi niya ito hahayaang magpakamatay. Tinanggal niya ang suot na kurbata at itunali dito at sa bakal para hindi ito biglang tumalon at hindi na rin siya magawang pigilan na kunin ang cellphone sa bulsa nito. May tumatawag dito at kailangan niya iyong makausap para masundo ito.
Ate Amanda ang nakatatak na pangalan ng caller. Sinagot niya iyon.
"Hello Eunice! Huwag kang magkakamaling tumalon! Malapit na 'ko diyan! Kapag nagpakamatay ka bubuhayin kita at ako mismo ang papatay sa 'yo! Eunice! Nakikinig ka ba!"
Sa pangalan na nabanggit ng caller, sigurado na talaga siyang ito nga ang babaeng dati na niyang nakilala. Akala nga niya namukhaan siya nito nang mapatitig sa kanya pero mukhang nagkamali siya. Kaya naman hindi na rin siguro mahalagang malaman nito kung sino siya. Kapag nakarating na ang susundo dito, aalis na rin siya agad.
Kaya naman nang may puting sasakyan na huminto, naisip niyang iyon na ang sundo nito. Pumasok na siya sa sasakyan at pinaandar na ang kotse."BAKIT nakatali ka diyan!" Alalang-alala ang kuya Amado niya. Tinanggal nito ang necktie na nakatali sa kamay niya. "Sinong may gawa nito sa 'yo?"
"H-hindi ko alam." Hindi naman talaga kasi niya alam kung ano ang pangalan ng lalaking may weird na pamamaraan ng pagtulong sa kanya.
"Hindi bale, ang mahalaga'y ligtas ka," niyakap siya ng kapatid.
Sino nga kaya ang lalaking 'yon?

BINABASA MO ANG
Just for Love
RomanceNagmahal. Nasaktan. Nagwala Kung kailan nagseryoso si Eunice sa pag-ibig, saka siya naloko. Kaya naman naging bitter siya. Pati love life ng kaibigan, pinakialaman niya. Pero ang nangyari, may forever pala talaga ang lovelife nito samantalang sa kan...