Chapter 2

8.6K 178 4
                                    

Chapter 2

*krinnnnng!*

Ugh! Napatakip ako ng tainga pagkarinig ng napaka ingay Kong alarm clock. Wala sa sarili Kong kinuha ang alarm clock habang nakahinga upang patayin iyon.

Asdfghjkl!!! 6:30 na pala!

Agad akong napabangon dahil alam kong malapit na akong malate. Pero ang naka caught ng atensyon ko ay isang box na puti na nakapatong sa may couch. Nilapitan ko iyon at binasa ang naka sulat sa card.

To Jilliah

Jilliah this is your uniform. I hope you'll like it.

Love,
Mama

"Si Mom talaga may pasulat sulat pang nalalaman." Bulong KO sa sarili KO habang ibinababa ang sulat galing Kay mom.

"Gising ka na pala." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Yeah. Sige ligo muna ako." Paalam ko sa kanya.
Dinala ko na ang hanger na may uniform ko kasama sa banyo.

Ang ganda, checkerd na blue and black, white namay blue rin ang blouse namin na may logo ng academy namin.

Nilinis ko na ang buong katawan ko at lahat lahat. Paglabas ko ng cr ay nakita ko si Jenna na parang nakakita ng multo dahil sa laki ng mata.

"Anyare Jenna? May dumi ba yung mukha ko? Bakit?" Taka kong tanong pero umiling lang sya dahilan ng pagkunot ng noo ko.

Pagkatapos kong ayusin yung buhok ko ay agad kaming pumunta sa cafeteria, duon namin napag usapan na kumain ngayong umaga.

"Anong oorderin mo?" Tanong sa akin ni Jenna habang papunta kami ng cafeteria.

"Uh, pancakes nalang with maple syrup and orange juice. Ikaw?"

"Ganon nalang din." Malamig na sagot niya.

"Tara na, gutom na rin ako." Sabi ko at hinila sya papalapit pa lalo. Medyo nahirapan kami kasi ang dami palang mga students ang kumakain dito. Buti nalang at nakabili kami kaagad.

Pabalik na sana kami ni Jenna nang biglang...

"What the! What did you do to my uniform?!" Bulalas nung babae na natapunan ko ng juice ko.

Argh, ang clumsy mo kasi Jamz.

Sermon ko sa asking sarili.

"Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi ko at agad nag labas ng panyo para punasan ang natapunan nyang uniform.

"Sorry?! Matutuyo ba nyang sorry mo tong uniform ko? Ha?! Matatanggal ba ng sorry no ang mantsa sa uniform ko?!" Ang taray naman nya. Nag sorry na nga ako sya pa masungit? Hays may attitude si ate.

"Alam kong hindi ka matutuyo ng sorry ko. At alam ko na kasalanan ko naman kaya lang ako nag sorry." Sabi ko.

"Kilala mo ba kung sino ako?" Naka taas na kilay na tanong nya sa akin. Tss, hanggat maaari ayaw ko ng ganito, unang araw may kaaway kaagad? Ayaw ko ng ganon.

"No." Tipid ko lang na sagot sakanya.

"I am Tanya Rodrigez, ako lang naman ang pamangkin ni Lady Ana." Taas noong sambit nya sa akin habang naka pa meywang. Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

"So porket pamangkin ka niya magiging ganyan na ang ugali mo towards sa mga nakakababa sayo?" Pagsasalita ko dahil sa nainis na ako sa ugali niya.

"Aba, masyado kang pa bida ah!" Akmang sasampalin na ako ng babaeng ang ang pangalan ay Tanya nang may pumigil sa kanya.

Tumingin ako sa lalaking papalapit sa direksyon namin ngayon. Naka backpack siya na para namang walang laman, tsk students nowadays.
Napansin ko rin ang pagiging baduy ng lalaking iyon pero bagay naman sa kanya.

"Ace." Mahinhin na sambit ni Tanya sa lalaking nakaharap sa akin ngayon.

"Anong ginagawa mo sa kanya?" Tanong ng lalaki.

"Wala naman." Maang maangan ni Tanya.

"Uhm guys...sige una na kami usap lang kayo. Byiee!" Sabi ko at hinila yung dulo ng blouse ni Jenna.

"Oi! Anong pangalan mo?" Parang ewan na tanong bigla ng lalaki.

"Hey!" Tawag ulit nung lalaki na tinawag ni Tanya na Ace at pumunta sa harapan namin ni Jenna.

"What?!" Bulyaw ko sakanya dahil gutom na talaga ako. Huhu gusto ko ng kumain!

"Chill. I just want to know your name. Btw, I'm Ace Corales." Nakita ko ang malapad na ngiting lumabas sa kanyang labi at inilahad ang kanyang kamay para makipag-shake hands

"Sorry pero I dont want to-" Pagiwas ko sana sa kanya.

"Please." Sabi niya at nag pabebe sa akin na lalo Kong ikinainis.

"I'm Jamz! Okay tumigil ka na gutom na kami! Tsupi!" Sabi ko at naglakad na, gosh gutom na gutom na ako!

[Time Skip]

"I am Dennis Cruz your class adviser this year. Magic: Earth magic." Sabi ni Sir at O to the M to the G to the OMG! Ang gwapo ng adviser namin! Sa school kasi dati babae halos nagiging adviser namin kaya naman bago sa akin ito.

Napatingin naman ako kay Jenna na seryosong naka titig lang sa harapan.

"So students please introduce yourselves." Sabi ni sir at itinuro so Jenna.

"Jenna Dela Cruz, fire wizard." Walang emosyon nyang sabi sa harapan at bumalik sa kanyang upuan.

"Ace Corales, ice wizard." Sabi niya at napalingon ako sa mga babae kong kaklase. Ewan ko ba kung nag o OA lang sila dahil sa mga reaksyon nila ay halos himatayin na sila. Eh?

"Tanya Rodriguez, lightning wizard." Sumunod naman so Tanya at halata sa tono ng boses niya na mataray siya.

"Nice Flores, sky wizard." Sabi naman ng is any babae na kasama no Tanya kanina.

"Juliah Mendez, water wizard." Sumunod pa ang isa nanamang babae na kasama ni Tanya.

"Marky Marquez, soul control wizard." Sabi ng isang lalaki na halos hindi no makita ang mukha dahil sa kulay abo at mahaba nitong buhok na nakatakip sa kanyang mukha.

Ang dami pang sumunod pero hindi ko na sila pinakinggan. Naka pangalumbaba nalang ako at halos maka tulog na ako sa sobrang boredom.

Bumalik lang ako sa realidad ng sabihin ni Sir na may nag transfer at alam Kong ako iyon.

"Miss, please introduce yourself."

Tumayo ako at pumunta sa harapan na medyo nahihiya pa dahil lahat sila nakatingin sa akin.

"Uhm, Ma. Jilliah Alexandra Malarez." Tipid kong sagot at uupo na sana.

"Btw, what is your magic?" Tanong sa akin ni Sir.

"Uh..."

"Okay I guess andito ka para malaman iyon. So you may now take your seat." Nakangiting wika ni sir.

Nang pabalik na ako sa upuan ko ay nakita ko na nginisian ako ni Tanya kasama ang mga alipores nya.

"Ang yabang kanina weak naman pala!" Sambit ni Juliah at mahinang tumawa.

Edi sila na ang strong!

"Kaya nga, kung siya ako? Hindi nalang ako sasagot sa mga malalakas kagaya natin." Dagdag ni Nice.

Eh sa hindi ikaw ako bakit ba?
Pfft! Natawa nalang ako sa sarili ko dahil mukha akong tanga. Hanggang dito lang naman ako, sa utak lang ako sumasagot sa kanila. Ayaw ko kasi ng gulo. Ang bait ko kasi. Haha.

"Tumigil na kayo Nice and Juliah. Baka umiyak siya mahal ang gatas girls!" Sabi Tanya nanakatitig lang sa akin habang sinasabi niya ang mga salitang yon.

Umiwas nalang ako ng tingin at hindi na sila pinansin. Phew! 1st day palang may kontrabida na kaagad ako? Ang galing lang, sana maging maayos ang pag-aaral ko rito.

End of Chapter 2

Kei

Mageía (School for Wizards and Witches): LegendariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon