Chapter 13
Jamz' Pov
"Jenna!" Sigaw ko nang makita siyang akay akay ni Marky.
"Buti nalang at naka habol pa kami." Sabi ni Marky habang iniuupo si Jenna. Halatang pagod na pagod silang dalawa dahil sa lalim ng kanilang paghinga.
"Tuluyan na nilang nakuha ang academy. Nasaan si Ace?" Tanong ni Jenna at palingon lingon sa paligid. Dahil sa tanong ni Jenna ay muli akong nalungkot.
"He's gone. Naabutan kami kanina ng isang kalaban." Singit ni Tanya habang ginagamot ang tita niya na si Lady Ana na hanggang ngayon ay wala paring malay.
"Mag pahinga muna tayo. Hindi nila tayo mahahanap dito." Anunsyo ni Jake at humiga. Nandito kasi kami sa isang tagong kweba malayo sa academy. Kunt titignan mo kasi sa labas ay parang magkakatabing puni at damo lang ang harapan nito.
*kaluskos*
"Shhh." Bulong ni Tsuki habang inihaharang ang sarili sa kung sino mang kalaban. Kasasabi palang na hindi kami mahahanap pero mukhang may kalaban nanaman.
*boogsh!*
"Who are you?!/Zero!" Sabay naming sigaw ni Jake at tinignan niya ako ng masama. Anong ginagawa ni Zero dito?
"My princess!" Sigaw niya sa akin habang tumatakbo para sana yakapin ako.
"Stop there." Pigil ni Tsuki sa kaniya. At nagtitigan sila ng matalim.
"Sino ka naman." Tanong sa kanya ni Zero.
"I'm Tsuki." Pormal naman na sagot ni Tsuki.
"Aish! Anong ginagawa nyan dito?! Umalis ka kung ayaw mong mamatay!" Inis na sigaw ni Jake habang nakahanda ang kanyang espada.
"Jake kaibigan ko si Zero!" Sigaw ko dahil baka kung ano ang gawin niya kay Zero.
"Kaibigan?! May kaibigan kang bampira?! That's ridiculous!" Bulalas niya na parang hindi makapaniwala.
Ano?! Ano daw si Zero?! Bampira? Vampire? Blood sucker?!
"B-bampira ka Zero?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Yeah, sorry kung hindi ko sinabi agad sa iyo." Sagot niya habang nakayuko.
"Oh my ghad! Baka naman nakipag alliance ka sa mga vampires! Baka ikaw ang nagpapasok sa kanila! Ano bang alam namin kung saan ka nanggaling hindi ba!" Galit akong sinugod ni Tanya na may puting mata. Kaya naman bigla akong kinabahan.
"N-no hindi ko magagawa yon!" Protesta ko sa kanya.
"Ikaw ang traitor! Akala mo ba hindi ko alam?! Naka tawid ka sa barrier na ginawa ni tita! I saw you! Kasalanan mo ito! Kasalanan mo lahat! Dahil sa iyo nagkagulo at dahil din sa iyo namatay si Ac-" Pero kaagad ko siyang pinutol.
"Stop! Hindi ko ginusto to! Ewan ko kung saan mo nakukuha yang pinagsasabi mo pero...hindi ko kayang ipahamak ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Ace!" Sigaw ko. Dahil ayaw na ayaw kong pinagbibintangan ako sa mga bagay na hindi ko naman ginawa.
"She's telling the truth. Wala syang connection sa mga vampires. Ako? Hindi ako katulad nila. Mabait akong bampira. Kaya nga ako nandito para sana i warn kayo, pero huli na ako." Sagot ni Zero.
"Tss! Sa tingin mo maniniwala kami sa isang kalaban na tulad mo?!" Inis na sigaw ni Tanya.
"Hindi nga ako kalaban ano ba-Ahck!" Napatingin ako kay Zero habang saposapo ang braso niyang dumudugo.
"Zero may tama ka!" Sigaw ko at kaagad ko siyang nilapitan.
"Halika Tsuki, gamutin natin si Zero!" Sigaw ko na kaagad namang sinunod ni Tsuki.
BINABASA MO ANG
Mageía (School for Wizards and Witches): Legendaria
FantasiMeet Jamz. Simpleng babae sa simpleng pamumuhay. Pero lahat nagiba simula nang lumipat siya ng kanyang paaralan. A school for Unordinary beings. A school for mages. Welcome to Mageía (School for Wizards and Witches) kung saan lahat ng imposible...