Chapter 9
Jamz' Pov
"Lalalalala~" Hum ko habang naglalakad, ang saya ko ngayon.
/stopped/
Ahhh! Galit nga pala sa akin si Jenna!
Huhu paano naman kami mag kakabati ngayon? Bakit kasi ang kulit ng lahi mo Jamz?
"Ah!" Sigaw ko nang may humatak sa akin.
"Tanya?!" Gulat kong sigaw. Medyo nanginig ang tuhod ko nang makita siya dahil naalala ko nanaman ang ginawa niya sa akin.
"Yeah it's me, the queen." Nakataas niyang kilay na sabi.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Dahil sa na challenge ako sa taas ng kilay niya kaya itinaas ko rin ang isa kong kilay.
"Tsk! Ang lakas ng loob mo na taasan ako ng kilay. Weak ka kaya wala kang karapatan Jamz." Sigaw niya at dinuro pa ako.
Di manlang mabiro tong si ate!
"Walang pupuntahan tong usapan natin." Saad ko.
"Meron. I just want to remind you, stay away from Jake and Ace they're mine." Babala niya na ikinakunot naman ng noo ko.
"Sayo na wala naman akong pake." Sabi ko, ano yon dala dalawa lalaki niya?! Hindi ka mauubusan Tanya! Ang mundo ay parang Divisoria, marami kang makikita na bago. Lol.
"Siguraduhin mo lang kung ayaw mong matusta kapag kinuryente kita. Alam mo naman, malakas ako at weak ka. Haha!" Pang aasar niya pa sa akin.
Hindi nalang ako sumagot sa kanya. Yumuko nalang ako, oo na ako na ang weak. Ako na yung walang alam. Alam ko naman iyon pero bakit kailangan niya pang ipangalandakan sa akin iyon? Parehas sila ni Jake.
"Wag kang yuyuko, hindi mo makikita yung dyosang ako. Haha, bye weakling!" Sabi niya bago naglakad papalayo sa akin.
*boogsh!*
Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Basta ang alam ko lang ay may biglang humarang kay Tanya na malaking wall ng lupa. Konting lapit nalang ay tiyak na mapupuruhan na sana si Tanya kapag natamaan siya ng pag angat nito.
Mas mabilis pa sa pagkurap ng mata ay hawak na agad niya ang leeg ko.
"Ahck! Tanya I-I c-an't breath!" Reklamo ko habang pilit na tinatanggal ang pagkasakal niya sa akin.
"Tama lang sayo to. Ang lakas mo namang atakihin ang isang lvl. 63 na tulad ko." Nakita kong binalot ng dilaw ang mata nya at nakakasilaw yon.
"Wala akong alam ahhh!"
*blag!*
"Alex are you okay?!"
Napaupo ako habang hawak ang leeg ko at naghahabol ng hininga ko.
"Damn you Tanya!" Sigaw niya at biglang sinugod si Tanya.
"Hayaan mo na siya Ace, ano bang mapapala mo sa weak na tulad niya? Sa akin marami, fame, power and respect. Eh sakanya none."
"Shut up Tanya! I don't need your fame, power and respect! I.Don't.Need.You"
"Balang araw pagsisi sihan mo to Ace." Ako? Naghahabol parin ng hininga habang nagsasagutan sila.
"Let's go Alex. Malapit na tayong ma late." Sabi ni Ace at inalalayan akong tumayo.
"Thanks." Tipid kong sabi sa kanya. Kung hindi siya dumating ay malamang patay na ako ngayon.
"Welcome, ikaw pa malakas ka sa akin." Sabi niya at nag wink sa akin.
(A/N: Mun abnoy po doon si Ace, pagpasensyahan nyo na.😂)
BINABASA MO ANG
Mageía (School for Wizards and Witches): Legendaria
FantasiaMeet Jamz. Simpleng babae sa simpleng pamumuhay. Pero lahat nagiba simula nang lumipat siya ng kanyang paaralan. A school for Unordinary beings. A school for mages. Welcome to Mageía (School for Wizards and Witches) kung saan lahat ng imposible...