Chapter 17
Jamz' Pov
Pinilit kong bumangon pero naramdaman kong nakatali pala ang mga kamay at paa ko. Pilit kong inalala lahat lahat ng nangyari bago ako nawalan ng malay.
Bakit? Paano mo ito nagawa sa akin...sa amin? Bakit Jenna?
Tanong ko sa aking isipan habang hindi ko mapigilang umiyak. Si Jenna ang pinaka una kong nakilala sa loob ng Wizard's Academy at hindi ko kayang tanggapin ang ginawa niya? Bakit kailangan niya akong itali?
"Jamz!" Rinig kong sigaw ni Jake mula sa pintuan.
"Master Princess!" Rinig ko ring sigaw ni Tsuki habang kinakalagan naman ako ni Zero.
"Si Jenna, si Jenna ang traitor!" Sigaw ko, baka kung ano na ang ginagawa ni Jenna ngayon. Kailangan namin siyang mapagilan.
"We know at ngayon ay hawak na niya ang legendaria." Malamig na wika ni Jake habang na nanatiling nakasandal sa pintuan. Kung kanina ay pag aalala ang nakarehistro sa mukha niya, ngayon ay tila bumalik iyon sa normal at impatient niyang emosyon.
"What?!" Gulat ko na sigaw. No! Paano nalang ang academy at ang mundo ng mga wizards pag nagamit na nila ang kapangyarihan ni Tanya?! Hindi pwede! Napamahal na rin ang mundo nila sa akin, ang mundo kung saan naniwala akong lahat ng imposible ay posible pala.
"Kailangan nating bawiin si Tanya." Mairiin na sabi ni Jake.
"Tama, kailangan nating maghanda. Bukas tayo ng umaga aalis." Sabi ko at lumabas na si Jake sa kwarto ng walang paalam.
Napansin ko na iba ang aura ni Marky habang papaalis na sumunod kay Jake. Kung dati ay tahimik siya, ngayon ay mas tumahimik pa siya.
"What happened to Marky?" Tanong ko kila Zero at Tsuki.
"Alam mo naman na may gusto siya kay Jenna. Malamang hindi pa niya tanggap na isang traydor ang minahal niya." Kaswal na sagot ni Zero.
"Are you sure you're okay master?" Tanong sa akin ni Tsuki habang inaalalayan akong tumayo.
"Yeah, hindi naman ako napuruhan." Sabi ko at nginitian siya.
Jenna's Pov
Tunog ng kadena ang umalingawngaw sa loob ng chamber na kinalalagyan ni Tanya.
"Hallo there legendaria." Greet ni Shion sa kanya. Tss. Kailan pa ba niya babaguhin ang nakakarinding 'hallo' niya na yan?
"Pakawalan niyo ako! Argh!" Daing niya ng sinubukan niyang gamitin ang kapangyarihan habang naka-kadena.
"You can't use your magic. Pinipigilan ng kadena na yan ang pag rerelease mo ng magic kaya wag ka ng magsayang ng lakas mo." Buryong na sabi ko dahil masyado na akong naiirita sa mga ingay na ginagawa niya at ang kadenang nakalagay sa kanya.
"Traydor ka Jenna! Bitch! Anong kailangan niyo sa akin!?" Sigaw niya sa akin na labis na ikinarindi ng tainga ko.
*pak!*
"Don't you dare call me bitch again." Sabi ko pagkatapos ko siyang sampalin.
"Hey, wag mong lamugin Jenna." Biro ni Shion at hinatak ako palayo kay Tanya.
"Tss." Inis kong bulong.
"Give us your magic at matatapos na ang paghihirap mo." Wika ni Shion nang mailayo niya ako kay Tanya.
"Hindi ko ibibigay sa inyo ang kapangyarihan ko! Never!" Sigaw niya.
"Ibigay mo na." Sabi ko at inilabas ang weapon ko. I don't really like waiting. Masyadong maikli ang pasensya ko para maghintay na ibigay niya sa amin ang kapangyarihan niya.
BINABASA MO ANG
Mageía (School for Wizards and Witches): Legendaria
FantasyMeet Jamz. Simpleng babae sa simpleng pamumuhay. Pero lahat nagiba simula nang lumipat siya ng kanyang paaralan. A school for Unordinary beings. A school for mages. Welcome to Mageía (School for Wizards and Witches) kung saan lahat ng imposible...