Chapter 20
Jamz' Pov
Hanggang ngayon ay inaalog ko parin ang katawan ni Jake. No hindi siya pwedeng mamatay.
"Ahh, ang oa mo Jamz." Parang biglang nabuhay ang dugo ko nang marinig ko ang malalim niyang boses.
"Jake! Akala ko mamatay ka na!" Sigaw ko at tila nabunutan ako ng malaking tinik sa aking lalamunan.
"I'm not weak to die with this wound." Sabi niya itinuro pa ang sugat sa tiyan.
"Tss." Sabi ko at tumayo.
"Tara na. Kailangan tayo nila Marky." Sabi niya at hinawakan ang aking kamay saka ako hinila at tumakbo.
Habang nakatingin ako sa kikuran nya ay parang wala syang iniindang sakit sa katawan. Parang hindi manlang napagod ang katawan niya sa labanan nila ni Ace.
Sana maayos lang si Ace, sana may tumulong sa kanya roon.
Pagpasok namin sa isang bulwagan ay agad kami sinalubong ng malaking fire ball pero buti nalang at nakagawa agad ako ng malaking wall.
Jenna....
Nakita ko siyang kinakalaban ngayon si Tsuki at Zero samantalang kinakalaban naman ni Marky si Shion. Sisila nalang pala ang natitirang mga dark wizard?
Maraming mga duguang bangkay ng dark wizards ang nagkalat sa paligid. Nakakamangha lang dahil nagawang talunin nila Tsuki ang mga ito.
"Sumuko na kayo Shion!" Sigaw ni Zero habang pinunasan ang dugo sa kanyang bibig.
"At bakit naman kami susuko kung nakuha nanamin ang kapangyarihan ng legendaria?" Nakangisi niyang tanong.
Ano? Hindi pwede iyon! Paano nalang ang academy at ang mundong ito?!
Halos pagapang na pumunta sa amin si Tanya. Puno ng galos ang kanyang katawan, halatang dumanas siya sa matinding pagpapahirap na galing kila Jenna.
"S-sorry guys." Sabi niya at may tumulong luha sa kanyang mga mata at tuluyan ng bumagsak ang kanyang ulo sa sahig.
"Tanya!" Sigaw ko. Lalapitan ko sana siya ngunit pinigilan ako ni Jake.
"Don't. May mga kalaban." Paalala niya sa akin.
"Haha, kawawa naman kayo. Bakit kasi nagpapakabayani pa kayo eh mabibigo rin lang naman ang plano niyo?" Nagaasar niyang tanong sa amin
"Tsk, ang daldal mo Shion. Tapusin na natin to." Walang ganang singit ni Jenna ngunit nagiba ang ekspresyon niya nang makita ako.
"Damn! Who did that to you Jamz?! Tell me!" Galit na sigaw ni Jenna nang makita ang kalagayan ko ngunit hindi ko siya sinagot.
"Okay, okay. Stop caring about her Jenna. By the way pwede ko naman na sigurong subukan ang bago kong kapangyarihan sa inyo hindi ba?" Don't tell me gagamitin niya ang kinuha nyang magic kay Tanya?
"Ayan ka nanaman Shion. Go, use it to them but spare Jamz. Kapag nasaktan mo si Jamz ay malaaagot ka sa akin."
"Okay, you better stop caring about her I'm starting to get jealous."
Naghanda na kami ng aming mga weapon para sa nagbabadyang pag atake ni Shion.
Una ay nagpakawala siya ng nga ice crystals papunta sa amin na agad naman naming naiwasan nginit sinundan niya kaagad ito ng isang malakas na pagyanig ng lupa.
Pinatamaan niya si Zero ng malaking fire ball. Hindi kaagad nag sink in iyon kay Zero at natamaan siya neto.
"Zero!" Sigaw ko at nilapitan siya.
"Nag alala ka naman sa akin." At nagawa niya pa talagang ngumisi?
"Strong kaya to." Sabi niya at tumayo.
"Itigil mo na ito Shion!" Nagulat kami sa sumigaw na babae mula sa aming likuran.
Violet, violet and violet.
"Lady Ana..." I whispered.
"Look who's here. Hallo old hag!" Sigaw ni Shion at kumaway pa kay Lady Ana na mistulang nagagalak itong makita ang babae.
"Hindi na kayo ang maghahari dito. Oras na para bawiin ang dapat na sa amin." Seryosong turan ni Lady Ana.
"Yung? Eto?! Etong Academy? Paano tanda, eh nasa amin na ang tangi niyong pag asa." Ngumisi siya habang binabanggit niya ang mga katagang yon.
"Talaga? Pwes, kadali naman palang malinlang ang isang dark wizard na tulad mo." Anong ibig sabihin ni Lady Ana?
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Jenna habang naglakakad papalapit kay Shion.
Hindi na nagsalita si Lady Ana at agad silang sinugod.
"Hindi mo kami matatalo tanda, nasa amin ang kapangyarihan ng legendaria."
Umatras si Lady Ana at ngayon ay kaharap nami ang isang malaking bola ng mga pinagsama samang elements.
Eto na ba iyon? Mamatay na ba kami? Huli na ba ang lahat?
Handa na akong tanggapin ang lahat ng unti unting naglalaho ang bilog na iyon.
"Anong nangyayari?! Bakit nawawala?!" Takang sigaw ni Shion.
"Dahil hindi si Tanya ang totoong legendaria mga hangal." Nakangising turan ni Lady Ana.
"Ano? Hindi kami pwedeng magkamali!" Inis na sigaw ni Shion.
"Yeah, hindi si Tanya ang hinahanap niyo." Nagulat ako nung sumingit si Tsuki at nagtagalog pa!
Ano ba talagang nangyayari?
"Nakakaawa kayo dahil nandito lang naman siya." Sambit ni Lady Ana at agad silang napatingin sa akin dahil ako ang nagiisang babaeng maaring tinutukiy ni Lady Ana.
"Jamz..." Bulong ni Jenna.
"Sinasabi ko na nga ba! Tsk. Kailangan natin yang babaeng yan!" Sigaw ni Shion.
"Protektahan si Jamz!" Sigaw naman ni Jake.
Pinalibutan ako nila Marky, Zero, Tsuki, Jake at Lady Ana. Lahat sila ay handang protektahan ako kahit anong mangyari. Kahit na lahat sila ay sugatan at pagod.
Naisip ko naman paano ako naging legendaria? Diba si Tanya yon?
"Argh!" Sigaw ko ng biglang sumakit ang ulo ko. Ahhh, hindi ko na napigilan at napaupo ako sa sakit.
"Jamz!" Rinig kong sigaw ni Jake bago ako mawalan ng malay.
Flashback
Madaling araw na ng naalimpungatan si Jamz dahil sa mga mumunting kaluskos na narinig nya.
"Lady Ana?!" Halos pabulong nyang tanong dahil ayaw nya na magising sila.
"Sorry Jamz but I have to do this."
Nawalan ng malay si Jamz at doon isinagawa ni Lady Ana ang kanyang plano.
Panaandalian nyang inoff ang kapangyarihan ni Jamz bilang legendaria upang maprotektahan siya at illusion naman ang ginawa nya sa tulog na si Tanya na magkaroon ng kapangyarihan ng para kay Jamz.
Masakit man na maaring mapahamak ang pamangkin niya ay itinuloy niya parin ito para sa ikaliligtas ng mundo.
Pagkatapos noon ay agad umalis ang babaeng naka ube at naglaho sa dilim.End of Flashback
Unti unti kong idinilat ang aking mga mata ngunit napapikit ulit ako dahil sa liwanag na tumama sa mata ko.
Argh! Ang sakit ng ulo ko.
"God! Finally Ezra anak, gising ka na!"
"Huh? Who are you?!"
Nasaan ba ako? Bakit ako nandito? Sino sila? Anong ginagawa ko rito?!
The End
Kei
iama_Goddess
BINABASA MO ANG
Mageía (School for Wizards and Witches): Legendaria
FantasyMeet Jamz. Simpleng babae sa simpleng pamumuhay. Pero lahat nagiba simula nang lumipat siya ng kanyang paaralan. A school for Unordinary beings. A school for mages. Welcome to Mageía (School for Wizards and Witches) kung saan lahat ng imposible...