Chapter 7
Jamz' Pov
Hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa akin ang panaginip ko. Bakit naman niya ako sinugod? Sino siya? Bakit parang kilala ko siya? Hays ang gulo.
"Hey!"
"Ah pusang tumatahol!" Sigaw ko kay Jenna na hindi ko alam kung anong kakaibang kinain at nanggugulat nalang bigla.
"Tsk! Tara na nga doon na tayo sa garden mag break at puno na dito!" Nag susungit nanaman po si lola Jenna. Kinuha ko na yung pagkain ko at sinundan siya. Tama naman siya dahil grave ang siksikan sa cafeteria.
Umupo kami sa bench sa ilalim ng puno. Tahimik lang dito at hindi masyadong maaraw.
"Tsk! Ang ingay nila sa cafeteria! Ano yon, nasa palengke lang?!" Bulalas agad ni Jenna pagka upo na pagka upo niya. Galit na galit talaga ang lola niyo.
"AISH IKAW ANG MAINGAY." Nangilabot ako sa boses na iyon. Sakto namang may lalaking tumalon galing puno. Nagulat ako nang si Marky pala iyon, yung tahimik na lalaki. Nakakatakot ang aura niya mga bes!
"What are you doing here?" Iritang tanong ni Jenna sa kanya. Pero ngayon ay wala nanamang ekspresyon ang mukha niya. Sa tono lang talaga malalaman na naiirita siya.
"Anong masama sa pagtulog habang free time. Tsk, ang ingay kasi tss." Sabi niya at naglakad papalayo sa amin.
Pumulot si Jenna ng bato at inihagis yun kay Marky.
Pero nagulat ako ng 1mm lang nalang ang layo noon sa kanya ay huminto iyon at nahulog sa lupa.
"You can't hurt me babe." Sabi niya at tuluyang umalis. Nakakakilabot ang boses niya na ngayon ko lang narinig galing sa kanya.
"ARGH! DAMN YOU MARQUEZ!" Sigaw ni Jenna.
Wait, wut? Anong meron sa kanilang dalawa?
Eto nanaman si ako na clueless. T^TBwisit na bwisit si Jenna na kumain at ako naman nakatitig lang sa kanya.
"Kumain ka na dyan." Pagsusungit niya sa akin.
Bigla naman akong natakot sa aura ni Jenna.
"Sabi ko nga kakain na ako eh." Sabi ko at nag apurang kumain.
Bakit sobrang nakakatakot tong si Jenna?
Pagkatapos ng break namin ay nag umpisa na ulit ang class. Habang nagka klase ay napatingin ako sa labas. Parang na te tempt ako na pumunta sa gubat! Argh! Ang kulit din ng lahi mo Jamz!
"Class, sa ating papalapit na foundation day ay mag kakaroon tayo ng battle. Doon may chance kayong pataasin ang lvl nyo. And btw i gugroup ko kayo sa tig a-apat." Sabi ni Prof. Miguel.
Jenna's Pov
Eto nanaman, group nanaman para sa foundation. Hindi na ba sila nag sasawa na pahirapan ang mga students nila?! Hindi na ba sila na dala sa nangyari mag iisang taon na ang naka raan?! Nakakaasar pinipilit ko ng kalimutan ang araw na iyon ngunit pilot paring bumabalik sa isipan ko.
Kahit anong gawin ko ay sinisisi ko parin ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya.
"Ace
Jiliah
Tanya
and
Jake"Bakit parang ang unfair, nasa kanila ang dalawang lightning wizard!
"Jenna
Marky
Nice
and
Juliah.""Sir, pwedeng sa iba nalang ako?" Walang gana kong tanong. Kung sinuswerte ka nga naman. Dalawang babaeng maarte at isang lalaking ewan ko nalang, anong mangyayari sa group namin. Hindi ko gustong magkaroon ng mga kagrupong pipigil lang sa pag angst ko.
"I'm sorry Ms. Dela Cruz pero final na ito."
Padabog ako bumalik sa pag kakaupo ko at umubob. Tsk! I hate this academy! Bakit ang unfair! Tsk!
Kung pwede lang na mag transfer ako gagawin ko. Pero may kailangan pa akong gawin dito.Argh!
Jamz' Pov
"Yey! Alex magka team tayo yehet!" Sigaw ni Ace sa kanyang upuan.
"Mr. Corales!" Saway ni Prof sa kanya kaya bigla siyang napaupo na parang bata.
"Sorry po Prof!"
Yan ka oahan kasi, bumalik nalang ulit ako sa pagtingin ko sa labas. Di ko feel makinig ngayon sa mga prof namin.
"Tsk! You should listen Jamz, para hindi tayo mahirapan sa foundation day. Ayaw ko sa mga pabigat."
Aw, akala ko pa naman kay Tanya ko lang yan maririnig ang mga salitang iyon pero mali, pati pala kay Jake. Ewan ko ba kung bakit kumirot yung puso ko. Ganon lang ba ang tingin nila sa akin? Pabigat? Weak? Alam ko namang ayaw niya sa akin at napipilitan lang siyang turuan ako.
Tinatry ko namang mag improve pero hindi ganon ka dali! Lumaki ako na hindi naniniwala sa ganito, sila? Sanay na sila. Mahirap mag adapt.
Hindi ko alam na may tumulo na palang luha ko. Yeah minsan ganito ako, balat sibuyas kung tawagin.
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa labas. At na amaze ako nung nakita ko ulit ang gintong mata na iyon. Una ay inaamin kong natakot ako pero ngayon ay hindi na. Mas lalo ko tuloy gustong pumunta sa gubat.
Uwian na at hindi ako pupunta kay Jake. Dumertso ako sa gubat. Oo alam kong bawal pero hindi ko mapigilan eh. Kahit na may kasabihang, Curiosity kills the cat. Ay wala akong pakeelam.
At sa pangalawang pagkakataon ay nakalabas nanaman ako sa barrier na ginawa daw ni Lady Ana.
Hapon na non kaya medyo madilim ang gubat. Saan kaya yun. Palinga linga lang ako habang naglalakad sa madilim na forbidden forest.
Bigla akong napatingin sa likuran ko dahil sa mabilis na hangin ang dumaan doon. May kumakaluskos na din sa kalapit na bushes.
*Rawr!*
Dahil sa takot ay bigla akong tumakbo papuntang loob loob pa ng forest.
Nakaka takot! Isang creature na halos butot balat na at nakatakip ang buong katawan ng itim na tela.
Pabilis ng pabilis ang akin takbo, hindi dapat ako nito maabutan. Gusto ko pang ipamukha sa iba na hindi ako weak!
"Ahck!" Daing ko ng mapatid ako sa isang rotten log.
Inaantay ko na tuluyan na akong tumama sa lupa. Pero bakit ang tagal?
At nang binuksan ko ang mga mata ko.
Ang mga gintong mata ang tumambad sa akin. Hindi ko alam kung anong meron dito ngunit nagustuhan ko ang pagtitig ng masinsin sa pares ng matang iyon.
Parang nakita ko na ito dati. Hindi ko alam kung sana pero pamilyar ang pakiramdam ko habang nakatitig sa mga matang iyon.
"Don't be afraid my princess." He whispered then everything went black.
Kei
iama_Goddess
BINABASA MO ANG
Mageía (School for Wizards and Witches): Legendaria
FantasyMeet Jamz. Simpleng babae sa simpleng pamumuhay. Pero lahat nagiba simula nang lumipat siya ng kanyang paaralan. A school for Unordinary beings. A school for mages. Welcome to Mageía (School for Wizards and Witches) kung saan lahat ng imposible...