Chapter 4
Jamz' Pov
Papunta na kami ngayon sa pinaka laboratory room namin. Kasi nga ngayon gagawin yung love potion. Argh! Pinagpuyatan ko yung inintindi kasi bawal mag dala ng book sa mismong paggawa non!
Pagpasok namin sa isang room ay bigla akong na amaze.
Woah! As in WOAH!
Ang daming mga gamit! May mga test tubes at iba pang mga aparatos na ginagamit ng mga normal na tao! Pero ang higit na nakaka amaze is yung ibang gamit ay lumulutang. Edi wow diba! Hahaha.
Itinigil ko na ang pagka amaze, humanap ako ng pwesto at saktong bakante pa sa tabi ni Jenna.
"Tabi tayo ha!" Sabi ko sakanya at tanging tango lang ang sinagot niya sa akin. Mashaket beshy.
Kumuha na kaagad ako ng mga kailangan, 12 na ngipin ng isda?! Watdapak oo ngipin ng isda yung unang kong kukunin. Tapos 3 strand ng buhok ng unicorn, check na rin. At ang last ay ang pinaka madali, 2 strawberry lang naman. Oo, yan ang pinagpuyatan ko kagabi.
Pagkatapos kong kunin lahat ng kailangan ko ay bumalik na kaagad ako sa place ko. Nakita kong nag sisimula na rin yung iba.
Una ilagay yung 12 na ngipin sa kumukulong tubig, after non pinabayaan ko muna. Piniga ko muna yung strawberry at kinuha yung katas. Pagakatapos ay itinabi ko muna iyon at hinalo ang pinapakulo ko. Cool! Crystal clear na ang kulay ng tubig ngayon!
Tumingin ako sa iba kong kaklase. May ibang nag over flow at naging itim ang kanila, may iba naman na sumabog na. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at inilagay ko ang 3 strand ng unicorn. At tinakpan ulit iyon.
Sabi doon sa book pag nilagay daw yung katas ng strawberry at naging pink ito ay perfect iyon.
Kaya kapit lang tayo mga beshy! Fighting!
Ibubuhos ko ang last na sangkap at...
"Booo!"
"Ay palakang frog!" Sigaw ko habang nakahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. But I nalang at hindi natapon yung hawak ko.
"Haha sorry. Nagulat ba kita?" Tanong niya.
"Sa tingin mo Ace?" Tanong ko sakanya habang inilapag muna ang juice ng strawberry.
"Sungit ni Alex." Nakita ko naman siyang nagpa pout.
"Alex?" Takang tanong ko. Ano nanamang trip netong taong to at tinatawag akong Alex.
"Yeah. Short for Alexandra, tamang tama short ka." Sabi niya sabay hagalpak sa tawa.
"Ansabe mo?!" Sigaw ko sakanya. Eh ano naman kung maliit ako? Dyosa naman! Hmmpf!
"De joke lang haha." Sabi niya pero tawa parin naman siya ng tawa.
"Tawa ka nagawa mo na yung sayo?" Tanong ko at ibinuhos ko na yung kailangan kong ibuhos.
"Naman! Ako pa!" Pagmamayabang niya. Edi wow.
[Time Skip]
Uwian na ng hapon, at ngayon nagpasama ako kay Jenna papuntang field.
"Pfft nakakatawa ka talaga kanina." Komento ni Jenna parang pinipigilan niya yung tawa niya pero wala namang ekspresyon ang mukha niya. Ayan nanaman siya inaasar nanaman ako, kanina pa kaya yan.
"Oo na." Sabi ko at nag pipigil rin ng tawa.
"Alex!" Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Ace yon sigurado.
"Bakit?" Tanong ko.
"Okay ka na ba? Masakit ba yung pagka-"
"Ayan nanaman kayo! Oo na! Ako na yung nasabugan ng potion kanina! Okay na ba?!" Sabi ko at oo TT^TT nag failed ako kanina. Ang itim ng mukha ko dahil dun sa pagsabog. Huhu. Tae, 1 lang pala dapat na strawberry yun. Tsk, ang tanga mo Jamz.
"Hahahaha!" Halakhak nilang dalawa well parang si Ace lang talaga ang tumatawa dahil parang nagsasalita lang ng normal si Jenna bang nag 'Hahaha' siya.
"Btw saan kayo pupunta?" Tanong ni Ace.
"Ah sa field i te train ako ni Jake." Sagot ko habang patuloy kami sa paglalakad.
"Ahh si Jake? Sama nga ako tignan ko kung magaling tong si Alex ko."
"Ano? Anong sabi mo?" Tanong ko dahil hindi ko na rinig yung sinabi niya sa last.
"Ang sabi ko, kung magaling ka. Yun lang." Sabi naman niya kaya pinabayaan ko nalang iyon.
"May narinig ako." Sabi naman ni Jenna at naunang naglakad sa amin.
"Tsk, kung ano anong naririnig non." Bulong pa ni Ace.
Habang papunta kami sa field ay may napansin ako.
"Oi! May forest pala banda rito." Sigaw ko kaya napahinto sila sa paglalakad.
"Yeah, pero forbidden yang forest na yan." Sagot ni Jenna.
"Alam mo kasi Alex(ko) maraming mga dark creatures diyan at yan ang pinaka mabilis na pinupundahan ng mga dark wizards. Mabuti nalang at may ginawa si Lady Ana na isang spell na nag po protect sa academy natin."
"Ahhh" yun lang yung nasagot ko sa mahabang litanya ni Ace.
"Yeah." Nang nakarating na kami sa field ay umupo muna yung dalawa sa bleachers.
"Go Alex!"
"Ang oa mo Ace." Rinig kong pag uusap nila. Nako sana maka tiis si Jenna sa kaingayan nyang si Ace.
"Buti naman at dumating ka pa." Sabi niya habang papalapit sa akin.
"Sorry naman Mr. S, hindi ba pwedeng may inasikaso muna?" Halos I long ko nalang ang makarinig sa sinabi ko.
"Mr. S?" Stems narinig niya!
"Yeah, Mr. Sungit! Diba pak na pak!" Sagot ko nalang.
"Tss." Bulong niya.
"Ngayon kailangan muna nating palabasin kung ano ang magic mo. So ang kailangan mo lang gawin ay pumikit."
Ginawa ko naman iyon.
"Tapos na po! Ano ng sunod Mr. S?!" Tanong ko.
"Aish! Dalawang mata ang ipikit mo!"
Bakit ang highblood neto? Syempre ididilat ko lang yung isa para alam ko kung iiwan niya ako o hindi. Baka mamaya pinagtatawanan nanaman ako ni Ace dahil mag mumukhang tanga ako.
"Just concentrate, kung ano ang nag pop na word diyan sa utak mo sabihin mo lang." Iritang wika ni Jake na sinunod ko naman.
Okay concentrate. Concentrate....concentrate....concentr-
"Earth pillar!" Hindi ko alam kung saan nanggaling yon pero bigla ko nalang nasabi. Paano nangyari yon?!
"Jiliah!" Napalingon ako kay Jake at bakit ganon siya makatingin sa akin?
Jake's Pov
"Earth pillar!" Sigaw ni Jiliah. Nagulat ako ng may pillar na lumitaw galing sa lupa. Paanong? Masyadong malaki ang pillar na to kumpara sa normal na pillar! Nakita ko na ito noon, ginawa to dati ni Sir Dennis.
"Jiliah!" Sigaw ko, pero huli na tuluyan na syang inatake ng kanyang earth pillar.
Shit!
Agad akong pumunta sa kanya para madala sya sa Healing Room. Pero nahirapan ako dahil sa wild na pillar na to!
Tsk!
"Lightning blades!" Sigaw ko at nagpakawala ng sunod sunod na ganito sa pillar. Bakit hindi manlang nasugatan ang isang ito?
"Strike!" Sigaw ko pa at bumalik na sa pagkalupa ang wild na pillar.
Yeah Lightning wizard ako just like Tanya, but mine is more powerful than her's.
Agad kong binuhat si Jiliah patungong HR(Healing Room). Tsk kasalanan ko nanaman to, tsk kung bakit kasi ang slow nya hindi nya na gets yung tingin ko sa kanya kanina? Aish!
Kei
iama_Goddess
BINABASA MO ANG
Mageía (School for Wizards and Witches): Legendaria
FantasyMeet Jamz. Simpleng babae sa simpleng pamumuhay. Pero lahat nagiba simula nang lumipat siya ng kanyang paaralan. A school for Unordinary beings. A school for mages. Welcome to Mageía (School for Wizards and Witches) kung saan lahat ng imposible...