Epilogue

6.2K 96 10
                                    

Epilogue

Litong lito ako sa mga taong nasa paligid ko. Lahat sila ay umiiyak sa tuwa. Sino ba sila? Bakit ako nandito?

"Doc bakit ganon. Bakit hindi kami maalala ng anak ko?!" Anak? Kailan ko pa siya naging nanay?

Anak? Sino? Bakit iyak siya ng iyak? Pati narin yung lalaki sa tabi niya na halos kasing edad ko lang?

Tinitigan ko na siya ng napakatagal ngunit hindi ko talaga alam kung sino siya.

"Mrs. your daughter is suffering from a condition in which a person is unable to remember things because of brain injury. Dahil sa pag kakabagok ng anak niyo during the car accident ay nagkaroon siya ng amnesia. We should be thankful at nagising pa siya. Ilang buwan narin kasi siya dito at konting percent nalang ang chance niya noon na magising." Litanya ng doktor at pagkatapos noon ay nagpaalam na rin siya.

Anong car accident? Lalo tuloy sumasakit ang ulo ko. Pag alis ng doktor ay agad akong hinarap ng babaeng kanina pa umiiyak.

Pinunasan niya ang kanyang mga luha at hinawakan ang kamay ko.

Tinry kong bawiin yon pero parang nawalan ako ng lakas at pinabayaan ko nalang siya.

"Naaalala mo ba ako?" Umiling ako sa tanong niya.

"Ako ito, ang mama mo. Ikaw ang anak ko."

"Mama? Mama kita?" Takang tanong ko.

"O-oo" nauutal niyang sagot habang umiiyak parin.

"Siya ang kuya mo." Sabi niya at hinila ang lalaking kanina pa nanonood sa amin.

"Ghad! I really missed you akala namin mawawala ka na." Akmang yayakapin niya sana ako pero agad akong lumayo. Kahit sabihin nila na kuya ko siya ay hindi ko parin hahayaan na yakap yakapin lang ako no.

"Siya si Victor Suarez, ang kuya mo. Ako, si Elena Suarez ang mama mo at ikaw si Ezra Suarez ang anak ko." Bakit ganon? Bakit hindi ko sila maalala? Ano ba talagang nangyari?

*****

Papasok ako sa University na pinag aaralan ko dati bago ako mawalan ng ala-ala. Laging nakabuntot ang kuya kong si Victor sa akin.

"Kuya ok na ako." Medyo awkward pero kaya naman.

Ilang araw pagkatapos kong magising ay dinischarge na ako sa hospital at sinabing in a matter of time ay babalik rin ang mga memories na nawala sa utak ko.

"Lil sis, kailangan kitang bantaya-" I cut him off.

"Okay na ako. Bye!" Sigaw ko at tinakbuhan ko siya.

Dahil sa pagtakbo ko ay may nabunggo akong isang babae.

"Ouch!" Daing niya at dahil sa lakas ng impact ay natumba siya.

"Are you okay miss?" Tanong ko at inilahad ang aking mga kamay upang tulungan siyang tumayo.

Biglang nanlaki ang eyelids ng kanyang mga matang may makakapal na glasses. Ang buhok niyang nakatirintas sa dalawa, ang manang niyang pananamit. Sino siya? Bakit parang kinakabahan siya?

Hindi niya kinuha ang kamay ko at pinulot ang kanyang mga libro.

"Teka miss, anong pangalan mo?"

"Hindi mo ba ako naaalala?"  Tanong niya na may parang may pagka mangha.

Magtatanong ba ako kung kilala ko sya diba? Commonsense naman, tss.

"I'm Sanya, Sanya Aquino." Sabi niya at naglakad papalayo.

Familiar siya sa akin. Kaibigan ko kaya siya bago ako nag ka amnesia?
*****

DONE√

Soo I'm done editing! Sorry kung may errors parin kahit edited na. Pero aayusin ko iyan! Hikhok.

Sa mga magaantay ng book 2 nito ay baka matatagalan pa. I'm planing to create a book about kay Alexandria and Jenna kasi. Lol.

Haha. So yun lang.

Kung may questions feel free to comment those in the comment box. Thanks~

Btw, mag wa-one year nang completed an Wizard's Academy sa Feb, 26! Maraming salamat sa mga nagbasa nito! Lalab ko kayo.

Kailangan ko ng libre sa 26, joke. Haha.

Kei
iama_Goddess

Mageía (School for Wizards and Witches): LegendariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon