Chapter 10

5.2K 122 2
                                    

Chapter 10

Ace's Pov

Ngayon na ang araw ng battle, parang kailan lang nung nag te train kami sabay ni Alex ko. Ang saya ko dahil lagi ko siyang nakakasama. Magkatabi kaming dalawa ngayon, sa right ko si Tanya at nasa left naman ni Alex ko si Jake.

"Kinakabahan ka ba Alex?" Tanong ko dahil medyo namumutla siya. Eto naman kasing si Jake ay lagi nalang pini-pressure ang Alex ko na huwag maging pabigat. Hindi naman ganoon ang Alex ko no!

"Halata ba?" Tanong niya habang nanginginig ang mga labi niyang pilit ngumingiti.

"Wag kang kabahan, tandaan mo lagi lang akong nandito para sayo."
Sabi ko sakanya at hinawakan ang malamig niyang mga kamay. Grabe siguro ang kaba niya.

"Salamat Ace." Sabi niya na labis kong ikinangiti.

"Tsk, stop that cheesy thingy. Tara na, kailangan tayo ang manalo ngayon." Tsk! Eto nanaman si Jake na laging sumisingit sa amin. Nabi bitter siguro to dahil wala siyang ka poreber. Hahaha!

(A/N: Poreber? Ew.)

Shut up otor, pareho kayong bitter ni Jake.

Nagulat naman ako nung biglang kinawit ni Tanya ang kamay niya sa braso ko at hinatak ako paharap nung naglalakad na kami sa stage.

"Oi, ano ba Tanya! Wag ako si Jake nalang." Sabi ko at pinilit na tinanggal yung kamay niya, nabitawan ko tuloy yung kamay ni Alex ko. Nakaka asar tong bruhilda na ito! Okay sana kung si Alex ko ang kumakapit sa braso ko e!

"Okay wizards! Ilang segundo nalang ay ipapadala na namin kayo sa maze na magiging elimination niyo at ang mga magtatagumpay ay mag aadvance sa next round. Ready, Set, Go!" Sigaw ni Lady Ana at biglang lumiwanag ang paligid.

Jamz' Pov

"Aray!" Sigaw ko nung bigla akong mapa upo sa lupa.

"Ace? Jake?! Tanya! Nasaan kayo?" Tanong ko dahil sobrang dilim sa paligid. No, don't tell me napahiwalay ako sa kanila? Paano na iyan?!

Pinagpag ko ang suot kong jogging pants at tumayo. Ang dilim, halos wala akong makita. Paano ko sila mahahanp e ang dilim dilim dito?

*roar!*

"Waaah! Palakang nag mutate naging kabayo!"

Oh my ghad! Huhu Tulong naman please! Kung minamalas ka nga naman! Bakit meron tong creature na to?! Sa sobrang laki ng creature na ito e parang kayang kaya niya akong tirisin kahit kailan niya gusto.

Halp meh!!!!

Jenna's Pov

Argh! Kanina pa ako naglalakad dito, nagkahiwa hiwalay kasi kaming magkakasama.

Agad akong gumawa ng double-bladed sword gamit ang magic ko.

Buti nalang at may night vision ako kaya't nakikita ko ang paligid kahit madilim. Bakit ang lame naman ng game nila ngayong taon? Nakaka tamad tuloy lumaban. Masyadong basic para sa akin.

*boogsh!*

"Easy Jenna!" May narinig akong sigaw ng lalaki.

"Marky."

Nakita ko syang napa smirk nung tinanggal ko ang nakatutok kong ispada sa leeg niya.

Sa lahat ba naman ng kasama ko siya pa ang una kong makikita? Siya pa na mala may dalawang personalidad dahil akala mo ay tahimik iyan pero puro kahanginan ang laman ng utak.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at napahinto kami ng biglang may lumabas na isang malaking tigre na gawa sa tubig.

"Leave it to me babe." Mayabang niyang sabi.

"Stop calling me babe if you still want to live." Banta ko sa kanya. Wala akong magagawa, water is my magic's weakness. Mag re repell lang lahat ng attack ko pag ganon at ayaw kong masayang ang enerhiya ko para lang doon. Sumandal ako sa isa sa mga pader at pinanood lang ang mahangin na si Marky. Tsk, minasan na nga lang kung magsalita ay dadagdagan niya pa ng kayabangan. Mas mabuti pang hindi nalang siya mag salita.

Tanya's Pov

"Ahh! This place is so madumi!!!!" Reklamo ko! Ano bang tingin nila sa amin?! Ewww!

(A/N: Naging conyo lol)

"Ano ba Tanya! Kanina ka pa nag rereklamo! Hanapin nalang muna natin si Alex!" Tss, Alex nanaman.

Blah blah, wala akong pake sa kanya. Dapat hindi nalang namin siya naging ka grupo! Edi sana na eliminate ko na siya kanina pa! Kaasar!

"Tsk! Ace pabigat lang siya sa atin!" Yeah, totoo naman. Ang arte niya! Nagpapa awa nalang palagi. Tsk, ano tingin nya sa sarili niya? Psh, mangaagaw pa siya. Dapat hindi nalang siya pumunta dito, bumalik na lang sana siya lugar ng pinanggalingan niya.

"Stop here." Seryosong sabi ni Jake.

"Wth! What kind of creature is that?! Like ew ew ew!" Reklamo ko kasi! Ew! Yung body nya is parang slime na may kung ano anong nakakadiri na parang mga worms! Yuck! If Jamz is here I would like to push her towards that super yucky creature. They are both disgusting shit!

"Look! May tag sya!" Sigaw ni Ace and yeah wtf! Tame me?! Argh! Hell no! I am not going to tame that shit!

"Wait! Look up! There's a projection message!" I shouted.

"To all the students in the maze, I believe that some of you are facing tagged creatures right? And it has a tag saying 'tame me'. Literally speaking, you should tame that creature and becomes its master. With the help of that creature's power, you can officially count the monsters that you'll slay. This is a great advantage for the wizards dealing with animals. So, good luck!"

Jenna's Pov

"What? So that means wala tayong points?!" Asar ko na sigaw.

"Yup!"

"At nagawa mo pang ngumisi dyan?!"

"Pfft! Sorry."

"Tss, lets go. Sa susunod wag kang nagmamagaling." Sabi ko sakanya at naglakad na, tsk! Kailangan ko pa palang hanapin yung dalawang pabebe kong kasama.

Jamz' Pov

Paano ko to i te tame? Paano?! Huhu tulungan niyo ako guys.

*thug thug!*

Napaatras ako dahil papalapit ng papalapit siya. Ano ng gagawin ko? Ayaw ko pang maeliminate ang grupo namin dahil lang sa akin? Ayaw kong maging bagigat sa kanila.

"W-wag kang lalapit! Pls!" Sabi ko sabay iniharap ang palad ko, damn! Paano na ako nito?! Huhu.

Wala akong ibang nagawa kundi umatras ng umatras hanggang sa dead end na ng part ng maze ang nasandalan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakatingin ako sa berdeng halimaw na may dalawang sungay!

"WAG!!!!!!" sigaw ko at may liwanag na nagmula sa aking mga palad.

Sa sobrang liwanag ay napapikit nalang ako dahil ang sakit sa mata non. Wait....what's happening?!

*BOOOOGSH!*

Kei
iama_Goddess

Mageía (School for Wizards and Witches): LegendariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon