Chapter 5

6.5K 143 8
                                    

Chapter 5

Jamz' Pov

Unti unti kong idinilat ang aking dalawang mata.

Argh! Ang sakit ng ulo ko. Napabaling ako sa lalaking nakayuko sa gilid.

"Alex..."

"Ace, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Binabantayan ka. Alam mo bang 1 month ka ng walang malay?" Kwento niya.

Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya. Ganon katagal na akong walang malay.

"Eh?!" Sigaw ko kasi hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Char! One hour ka lang walang malay. Buti nalang at nadala ka kaagad dito. Magiingat kasi palagi Alex." Sabi niya at ginulo yung buhok ko.

"Ano to? Tuta ganon?!" Sabi ko at nag pout naman siya. Bakit ang isip bata nito?

"Pout pa nagmumukha ka ng pato." Sabi ko at tumawa ng di kalakasan.

"Masyado kang harsh Alex(ko) Mashaket beh!" Sigaw niya sabay hawak sa kanyang dibdib at umacting na sumasakit ito.

"Ew. Asan si Jenna?" Pagiiba ko ng usapan.

"Nasa class niya ako lang yung pinayagan dito eh. Lam mo na gwapo kaya ni Ace." Pagmamayabang niya.

"Wooh! Ang hangin grabe!"

"Dyan ka na nga muna. Tatanungin ko muna kung pwede ka ng lumabas." Sabi niya saka tumayo sa kinauupuan niya sa tabi ng kamang hinihigaan ko. Nasa Healing Room pala ako.

Napahawak ako sa ulo kong medyo masakit parin dahil sa nangyari. Bakit ganon? Bakit inatake ako ng malaking nilalang na iyon? Tsaka sinong nagdala sa akin dito?

Ace's Pov

Phew, thanks God at nagising narin si Alex KO.

(A/N: Bakit sayo? Sayo? Feelingerong Ace to!)

Aba epal ni Author ah, baka nagseselos ka lang eh. Iba talaga pag magandang lalaki ka, pinag aagawan.

(A/N: Baka!)

Hindi ko nalang pinansin yung epal na otor at kinausap ko na yung nurse. Ang gwapo ko talaga eh, nag papa cute nanaman kasi tong nurse na to.

Pero loyal lang ako kay Alex ko. Hihi.

"Miss, pwede na bang lumabas si Alex ko este Jamz?" Tanong ko sakanya.

.
.
.
.
.
.
.
"Miss?" Tanong kong muli ng hindi niya ako sinagot dahil nakatulala lang ito sa harapan ko at kulang nalang ay tumulo ang laway niya.

"Ah hehe sorry. Yes pwede na siyang lumabas. Basta ang kailangan lang ay huwag siyang masyadong magpapagod hanggat hindi gumagaling ang mga sugat niya." Sabi nya at nag pa cute muli. Bumalik ako ngayon kay Alex ko na kasalukuyang nilalaro ang mga daliri niya.

Hays, bakit ganon ang lakas ng epekto mo sa akin Alex?

Jamz' Pov

"Ace?" Taka kong tanong sa lalaking nasa harapan ko na kanina pa nakatulala.

"Oi!" Sigaw ko sakanya at tumayo dahil nag aalala na ako na baka kung and na ang nangyari sa kanya.

"Ay bakit Alex ko?!" Sigaw niya dahil sa pagkagulat.

Naningkit yung mata ko sa reaksyon nya. 'Alex ko'?

"Anong sabi mo?" Tanong ko habang nakapamewang.

Mageía (School for Wizards and Witches): LegendariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon