Epilogue 1.0 (Mayward)

2.7K 103 11
                                    

Ang Pagibig ay parang ulan, minsan biglang bubuhos na di mo inaasahan at bigla din mawala sa oras na basang- basa  kana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang Pagibig ay parang ulan, minsan biglang bubuhos na di mo inaasahan at bigla din mawala sa oras na basang- basa  kana.

Gaya rin  sa pag ibig, minsan dahil sa subrang tiwala mo sa taong mahal mahal mo 'di mo namamalayan na nagbabago na pala ang nararamdaman niya para sayo.

Habang naglalakad ako sa kalsada hindi ko namalayan na umuulan na pala dahil mas ramdam ko ang sakit ng paghihiwalay namin ni Marco.

Parang Kahapon lang ay ang saya saya pa namin. Ngayon biglang naglaho ang sayang iyon. Inisip ko na sana maging okay kami ulit. Na sana ako parin ang mamahalin niya. Sa kabila ng nalaman niya na mahal siya ni Vivoree. Na sana walang nagbago. Maraming akong sana sa isip ko.

Ngayon napatunayan kong wala siyang isang salita at paninindigan. Kaybilis magbago ng nararamdaman ni Marco.

Masama bang pangarapin na sana ako parin ang laman ng puso niya? Oo nga , ang babata pa namin. Pero alam ko kung ano siya para sa'kin.

Ngayon siya na mismo ang pumutol sa kung anong meron kami.

"I'm sorry May, hindi na kita mahal. Palayain mo na ako. " ani Marco habang nakayuko at halos hindi makatingin sa akin.

" Ano sabi mo?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Parang hindi agad pumasok sa sestima ko ang sinabi niya.

"Ilang araw ka hindi nagparamdam tapos heto pala ang isasalubong mo?! Nagjojoke kaba? Pwes! Hindi ka nakakatuwa!" Tinapon ko ang bulaklak sa harapan niya

"May pa bulaklak kapang nalalaman! Iba karin ano!" Galit kong sabi. Nagbabadya ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

"May....... Please intindihin mo naman ako. Hindi ko naman ginusto nasaktan ka, May..."ani Marco.

"Intindihin? Naririnig mo ba ang sarili mo ha, Marco! "

"Bakit mo ako pina asa sa pagmamahal na hindi totoo?! Ang sakit. ...sakit eh!. Bakit mo nagawa 'to sa akin, ha?! "napahikbi kong turan. Hindi ko malaman ang gagawin habang siya ay nakatingin sa akin.

" Sorry. " aniya.

"Marco, please naman oh,... Wag mong gawin 'to sa akin. Naiintindihan ko naman eh!" naiiyak Kong sabi.

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon