Chapter 31: Vivoree's POV

490 40 6
                                    

VIVOREE'S POV
 

"Will you be my girlfriend? "

Napakonot noo ako na naka tingin sa kay Marco.
 

Ano daw? 

Akma na sana akong sasagot ngunit nilampasan na ako.

Tsk. ...tsk. ..tsk. ..

napailing na lamang ako habang  nakasunod ang paningin sa kanya.

Ano yun nag memorize ng pelikula?

Oh di kaya nagpropose para maging girlfriend niya?

Kita mo lang! !!! Iniwan akong nakanganga dito! Sarap din iuntog eh!

Ang ganda din ng joke ! Ano kaya nakain ng isang ito?

Ano kaya tingin nito sa'kin girlfriend for hire?!

Sheeeshh! !!!!

Oo,aaminin kung mahal ko siya, pero nagkamali na ako ayoko ng dagdagan pa...

At saka napag isip isip ko na mali ang ginawa ko kaya mag mo move on na ako !!

Hmmpp! !!!

Baka tulog pa! Kailangan ng isang pokpok sa ulo upang magising.

Tuloy na ako sa pagpasok ng hospital . Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kong pano  haharapin ang Bestfriend ko. Baka magalit si Maymay kapag nakita ako, patay na Bai! !!!.

Parang hindi pa ako ready na harapin siya.

"Kaya mo to Vivoree! " nag Inhale -exhale muna ako bago nagpatuloy sa paglakad.

"Oh. ...kilala kong nakatalikod na yan ha! "

Si Kisses andito rin pala. Hinabol ko siya.

" Kisses Sandali! !!! Antayin mo ako"  tawag ko sa kanya, napalingon naman ito.

Napalakas yata boses ko kaya napatingin sa'kin ang mga andito .

Napatakip ako ng baba. Nakalimutan kong nasa hospital pala ako!

"Hala Vivoree . ...andito karin pala! "

"Oo, nabalitaan ko kasi ang nangyari kaya maaga akong pumunta. " nahihiya kong tugon.

"Ako nga eh. ...ngayun ko lang din nalaman nung pumunta ako sa kanila. Hindi ko kasi natingnan ang phone ko kagabi kaya di ko alam. "

Napatango nalang ako.

"Tara na sa loob? " aya nito sa akin. Nagpatianod naman ako kahit naramdaman kong may nagtatakbuhan sa aking dibdib na kung ano.

Sabay kaming pumasok sa room ni Maymay at naabutan namin si Neil at Edward sa loob.

Agad naman tumayo ang dalawa pagkapasok namin.

Lumapit kami sa hinihigaan ni Maymay.

"May. .... anong nangyari bakit ka nagkasakit? Sorry ha kung ngayon lang ako nakapunta." ani kisses habang nakahawak sa kamay ni Maymay.

"May. ... PATAWAD. ...alam kong isa ako sa dahilan kung bakit ka nagkakaganito. ...Pangako ko sayo kakalimutan ko siya dahil mahal kita bilang kaibigan.  Tao lang din naman ako eh na nagkakamali. ..sana mapatawad mo ako. Salamat sa lahat lahat na ginawa mo sa akin." sa isip ko. Hindi ko namalayan napaluha pala ako. Mabilis ko itong pinunasan.

Tinapik ako sa balikat ni Kisses. Siguro napansin niya akong umiyak.

"OK ka lang? " tanong nito.

Tumango ako sa kanya. "OK lang ako. Naawa lang ako sa kalagayan niya.  "

"Everything will be alright. Okay? Ipagdasal natin ang mabilis niyang pagaling.  Diba nga sabi ni Maymay, dapat positive lang palagi"

Masakit parin isipan na dahil sa akin nasaktan siya....

"Sorry kisses. ... hindi mo parin alam kung anong katangahan ang nagawa ko, batid kong iiba ang pagtingin mo sa akin pag nalaman mo ang ginawa ko." Habang nakatingin sa kanya.

Malaking pasalamat ko na lamang na hindi ikinalat ni Heaven ang tungkol sa nangyaring gulo.

Sabi nina Edward  nakatulog ulit si Maymay dahil narin sa gamot na ininom nito. Hindi na ako nagkaroon ng tsansa na tanongin ito kung anong nangyari dahil dumating na ang doctor at ang pamilya niya.

Hindi ko alam kung bakit ang lamig ang pakikitungo ni Edward sa akin. Halos hindi niya ako magawang tingnan. 

Magkaibigan naman kami. 

May nagawa na naman ba akong kasalanan?

Hindi ko na lamang pinansin baka guni-guni ko lang.

"Nakita ko si Marco ha! Bakit siya umalis agad? "

Nang sinabi ni Kisses na nakita niya si Marco, napatingin si Edward sa dereksyon ko na parang may kahulugan.

May naramdaman akong mali ,pero hindi ko alam kung ano yun.

"Ah....Hah? Andito si Marco? " parang nagugulat niyang tanong na parang hindi makapaniwala.

"Oo, hindi ko na tinawag kasi malayo na siya, nagmamadali yata!" ani kisses.

Tumahimik nalang ako. Hindi ko na sinabi pa na nagkasalubong kami.

Dahil nga sabi ko sa magulang ko na saglit lang ako sa hospital upang dalawin si Maymay umuwi na agad ako.

Hindi ko na hinintay pang magising siya dahil sa sarili ko hindi pa ako handa.

Masaya narin akong nakita siya.

**** Monday ****

"Good morning! " pagbukas ko ng pintuan ang nakangiting Marco ang bumungad sakin.

"Ah...... good morning din. Bakit ka naparito ? "

"Oh.... baby sino yan? "si Mommy  lumabas narin upang tingnan kung sino ang kumatok sa pintuan.

"Ikaw pala Marco! Halika pasok ka! " aya nito ni mama.

"Tamang -tama nag-aalmusal kami ,sabay kana sa amin." Si Daddy.

Ang bait niyo kay Marco ngayun ah! Samantalang dati hindi kayo boto sa kanya! Umiba ata ang hangin!

" Ano po kasi. ........ tapos na po akong kumain sa bahay. Gusto ko lang po sana sunduin si Vivoree dahil meron kaming gawin na presentation mamaya." ani Marco na nakatingin sa akin.

Oo nga pala, may presentation kami mamaya sa office! Paktay na Bai! Kinabahan na tuloy ako.

 Dahil sinundo ako ni Marco sa bahay kaya tinawagan ko nalang si Manong driver upang huwag na akong sunduin.

Hindi na ako nakatanggi pa dahil kinausap niya sina Mommy at Daddy. Kaya sabay kaming pumunta ng school.

Habang nasa byahe. Gusto ko sana tanungin ang tungkol sa sinabi niya kahapon. Nahihiya akong mag open kaya pinili ko nalang tumahimik.

Bakit bigla na lamang ito  nagbago? Hindi ko siya makausap ng maayos dahil matahimik na ito. Hindi gaya dati na panay ang ngiti.

Oo nga naman!

Sino ba naman matutuwa sa ginawa ko.

A/N: Sorry sa matagal na update.

PLEASE

FOLLOW
VOTE
COMMENT

    is

Highly appreciated

Lhaddelskie

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon