Chapter 28: Mix POV'S

593 47 24
                                    

EDWARD

Pag talikod ni Aizan ay siya ring Paglabas ng Doctor na tumingin kay Maymay.

Agad naman akong tumayo upang salubungin ito.

" Doc kamusta na ho siya? "

"Relative kaba ng pasyente? " tanong nito.

"Hindi ho Doc. Magkaklase lang po kami" sagot ko.

"Kailangan kong makausap ang pamilya niya. Kinuntak mo naba iho?"

"Wala pa nga po eh. Pero naghahanap na po ako ng paraan para ipaalam sa pamilya niya. " sabi ko.

"Subrang taas ng lagnat niya, uubserbahan muna natin ang kalagayan niya dahil hindi pa bumaba ang lagnat nito. "

Inabot sakin ang reseta.

"Ito pala ang mga gamot na kailangan niya. ..make sure na mabibili yan pagdating ng pamilya ng pasyente at papuntahin mo sa office ko, sa Room 208. " turo ang pasilyo papuntang office nito.

Tumango na lamang ako sa sinabi ng doctor at umalis na ito.

After 30 minutes. ....

Bumalik na si Aizan. ... kasama si FENECH. ..

"Bakit kapa sumama? " tanong ko agad kay FENECH ng makita ko siyang kasunod ni Aizan.

"Eh kuya mag isa lang ako sa bahay kaya natatakot ako, wala pa naman si Manang day off niya ngayon. " sabi nito, ang tinutukoy ay ang kasambahay namin.

Alam ko naman na nagdadahilan lamang ito.

"Ito pala damit mo.... "abot niya sakin ang paper bag na bitbit niya . .."Baka magkasakit ka " aniya. Maalalahanin talaga ang kapatid kong 'to.

"Nagpupumilit eh! Ayoko sanang isama. " ani Aizan halatang nabadtrip sa kapatid ko at nakita kong inirapan siya ni FENECH. ..

Ano kaya problema ng dalawang ito?

Saka nakasimangot na ang mukha ni Fenech parang di maipinta.

"OK lang," sabi ko kay Aizan. " tatawagan ko nalang sina Mommy at Daddy upang masundo ka dito mamaya. " baling ko kay FENECH. Tumango naman ito.

"Ito pala ang cellphone mo." abot sakin ni Aizan. Kinuha ko naman agad ito at naghahanap ng pweding mapagtanungan.

Nasa labas kami ngayon ng room ni Maymay. Kinuhaan ko nalang siya ng room kesa mag antay pa ako kung kailan ko makuntak ang mga magulang nito.

"Mauna kana sa loob, baka mamaya magising na yun walang tao dun sa loob. "utos ko kay FENECH. Nag aatubiling sumunod naman ito.

Una kong kinuntak si Kisses dahil siya ang pinaka malapit kay Maymay. Ngunit out of coverage ang phone niya. Ilang subok din ngunit wala talaga.

Si Vivoree, busy din ang phone.

"Please..... Pick up your phone...." Bulong ko.

Hindi ko na talaga alam kong ano ang gagawin dahil mukhang walang cellphone na dala si Maymay.

Nakapunta na ako sa kanila nung sinundo siya ng school bus ngunit hindi ko masyado gamay ang daan papunta sa kanila baka mahihirapan lang din ako. Hindi ko rin siya pweding iwan dito kahit na may mga nurse na magbabantay dahil nga sabi ng Doctor hindi pa bumaba ang lagnat nito.

"Hindi mo makuntak?" tanong ni Aizan na mukhang nag alala rin.

Papagabi na,tiyak nag alala na ang mga magulang ni Maymay.

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon