Chapter 9: Marco's POV

666 68 5
                                    

Marco POV'S

After kong ihatid si Maymay sa bahay nila  bumalik agad ako sa Gym upang ipagpatuloy ang practice namin. Buti naging okay naman ang resulta ng laro namin  kaya wala na akong marinig na salita mula  sa kanila dahil naintindihan naman nila ako.

They just teasing me how passionate I am towards Maymay. Passionate? Talaga? Nang aasar lang sila.

Pagkatapos namin mag insayo naisipan kong dumaan sa flower shop at bumili narin ako ng mga prutas para dalhin kay Maymay  upang  mabilis itong gumaling.

Bago pa ako nakarating sa parking lot may narinig akong tumawag sa akin. Napalingon naman ako.

"How's Maymay? Ok na ba siya? Edward told me what happened earlier. "Nag alalang ani kisses.

"Yeah, she will be fine after taking medicine and have a sleep. " sagot ko.

"Sana pala hindi ko na siya iniwan kanina, its my fault. Ako ang nagdala dito sa kanya " aniya.

"Don't blame yourself, it's my fault kaya nagkaganun." sabi ko sa kanya.

Bumuntong -hininga na lamang ito, at nagpaalam na umalis. Ngunit huminto ito bago tuluyan mapalayo at lumingon sa akin.

"Ahmmm bago ko pala  makalimutan. ... nais kong humingi ng sorry sa nasabi ko kanina. I'm just concerned for both of you. "

"No big deal! Naintindihan naman kita." seryoso kong sabi.

"Thanks" sabi nito at ngumiti.

"Can I ask a favor? " maya'y maya tanong ko sa kanya.

"Did you know, what color of flowers or what kind of flowers she wants?"

"I don't know, we never talk about that."

"Any suggestions?" Tanong ko.
Nangunot ang noo niya.

" Ahmm. .... napaisip naman ito.
"White roses will be suit for  her personality. White means purity."

"Yeah! It sounds good. Thank you!"

"Your welcome. "  Tuluyan na itong tumalikod. Nasundan ko na lamang ito ng tingin. Oo nga pala, bakit niya nasabi na baka maagaw si Maymay sa akin? Hindi ko maintindhan yon kanina. May ibig ba siyang ipakahulugan nun? Nakalimutan ko siyang tanungin about don dahil hindi na siya nag atubiling lingunin ako kanina. Ngayon ko lang din naisip. Parang may laman yong sinabi niya kanina at bigla lang nawala sa isip ko.

"For your mom, Sir? " sabi nong tindera  ng bulaklak na tinanungan ko. Pag bumili pala nito kailangan pa sabihin para kanino?

Sheeeshh. ..

"No, for my girlfriend! "Tipid kong tugon. Halata sa mukha nong tindira na nabigla,naisip niya siguro sa bata kong edad may girlfriend na ako. What's a big deal ba? Oo I'm just 16 years old subalit hindi naman halata sa pangangatawan ko ang edad ah! Dahil mature akong tingnan. 

"Ah okay." aniya at nagbaba ng tingin. Pagkatapos niyang iabot yong bulaklak sakin at ibinigay ko ang bayad ko rito tumalikod na ako.

"Tsk. ...tsk ....tsk ... ang babata pa kung ano na ang inaatupag. Bakit hindi nalang pag aaral muna ang aatupagin?  "rinig kong sabi nong tindera. Tiningnan ko siya at napatakip siya ng bibig ng makita niya akong nakatingin sa kanya, ngunit hindi na ako umimik pa dahil matanda na ito at kailangan galangin. Ngunit sa inaasta nito siya mismo ang nagturo sa akin na h'wag siyang respestuhin. Nagkibit balikat na lamang ako at tumuloy na sa sasakyan.

"Pakialamera!" bulong ko sa sarili pagkasakay ko.  Hinayaan ko na kung ano ang isipin niya, kunsabagay hindi naman kami  magkikita eh! Bakit ba siya mangingialam sa buhay ng iba!

When driving to her home hindi ko maiwasan mapangiti kahit medyo nabadtrip ako sa Ali. Ni minsan hindi ko inaasahan na maramdaman ang ganitong pakiramdam. Yong feeling na siya palagi tumatakbo sa isip mo? Kahit galit ka di mo parin maiwasan na mag alala dahil mahal mo siya? Aabot sa punto na magagalit ka kapag nasa iba ang atensyon niya?  Napasulyap ako sa bulaklak. "Sana magustuhan mo ito." first time kong gagawin to na magbibigay ako sa isang babae.

Pinarada ko muna ang sasakyan ko sa labas ng bahay nila Maymay  at kinuha ko ang dala- dalang prutas at bulaklak.

"Good evening po Tita ." bati ko sa Mama ni Maymay na siyang nagbukas ng pintuan sa akin at inabot ko sa kanya ang bitbit ko na prutas ngunit hawak - hawak ko parin ang bulaklak.

"Oh, magandang gabi din. Pasok ka. Ginabi ka ata. " aniya. " Bakit nag abala kapang bumili nito pero  salamat dito ."nakangiting ani tita sabay  turo sa pinamili ko.

"Hindi ko alam kung magustuhan niya po yan tita." nag alinlangan kong sabi.

"May practice po kasi kami sa basketball tita, kaya naisipan ko munang dumaan dito bago umuwi. " pagpatuloy ko. 
 
"Maupo ka muna iho."sabi nito.

Naupo naman ako sa sofa Habang si Tita pumunta sa kusina upang ilagay dun ang dala- dalang prutas. Nakita ko si Tito bumaba ng hagdan.
"Oh, Marco andito ka pala! Salamat sa paghatid mo kay Marydale kanina ha!"pagsisimula nito.

"OK lang po yon tito."

"Good evening po pala ," bati ko.

"Good evening din! tugon din nito.

"Si Marydale po, ok na po ba siya?" tanong ko dito.

"Ayun tulog parin! Ginising ko nga para maghapunan ngunit hindi niya pa kaya bumangon eh. Dala narin siguro sa gamot na ininom."

"Ah ganun po vah? " nahihiya kong tugon.

"Kung gusto mo siyang makita, samahan kita sa kwarto niya."

"H'wag na po. Baka po magising eh! Hayaan nalang po natin siyang makatulog para gumaling agad. "

"Marco dito kana maghapunan."si tita kagagaling na  ng kitchen.

"Ho? h'wag na po napadaan lang naman po ako tita . Hinintay na po ako sa bahay eh."

"Oh siya, siya. .. next time bawal ng tumanggi ha! "ani Tito.

Inabot ko kay tita ang bulaklak. "Para po kay Marydale, pakibigay nalang po. " agad naman nitong tinanggap.

Habang nasa byahe hindi ko maiwasan ang paghihinayang  na hindi ko man lang naibigay ng personal sa kanya ang mga bulaklak. Ngunit napangiti parin ako kapag naiisip ko siya. 

A/N :
FOLLOW , COMMENT and VOTE
po kayo. ....

Thank you for reading guys. ...
Highly appreciated po yong pagbibigay niyo ng time para mabasa ito.

1k reads na po ito. Hindi niyo po alam kung gaano niyo ako napasaya. Kasi worth it yong paghihirap ko sa paggawa nito. Sana po patuloy niyo akong subaybayan. God bless you all. ..

Next chapter. ... will be publish soon. ...

LHADDELSKIE
♡♡♡♡

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon