Chapter 8: Marco's POV

764 65 26
                                    

"Sorry"
habang iniabot ko sa kanya ang Starbucks Coffee na binili ko upang mabawasan ang lamig na nararamdaman niya.

Parang hindi ko siya matingnan sa mga mata ng sabihin ko ang salitang sorry dahil alam ko sarili ko na ako naman talaga ang may kasalanan.

"Bakit"? tanong nito.

Inistart ko ang kotse, nakita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin siya sa akin na parang nagtatanong ang paningin.

"Alam kong nasaktan kita, kaya sorry."

"Yong pagbabaliwala ko sayo kanina." dugtong ko.

"Napipilitan ka lang ata mag sorry. " aniya.

"Sorry na nga diba." mahinahon kong sabi.

"Kaya pa kitang intindihin sa ngayon, mahal kita eh! Ngunit isipin mo rin dapat tayong dalawa ang gumagawa ng effort sa relasyong to. Kunsabagay marami pang magbabago dahil mga bata pa tayo. Ngunit gusto ko sana kung ikaw na, ikaw na talaga. " mahabang paliwanag nito habang ang mga mata'y nasa kalsada nakatingin. Subrang seryoso ang mukha niya.

"I can't promise but I'll try."

"Palagi mo naman sinasabi yan, may nangyari ba? Hindi naman kita pinipilit na magbago, ikaw mismo ang may sabi niyan" nakanguso niyang sabi. Ang cute niya Promise!

Bumuntong hininga na lamang ako ayokong mag away kami. Namuo ang katahimikan sa pagitan namin. Dahil narin masama ang pakiramdam niya, ayoko ng dagdagan pa.

"I miss you! " maya'y maya sabi ko sa kalagitnaan ng byahe namin.

Ngunit hindi man lang ito sumagot bagkus tiningnan niya lamang ako sa mukha kung seryoso ako pagkasabi nun. Parang tinitingnan niya ang ekspresyon ng mukha ko kung totoo ba ang sinasabi ko.

Pagkaraan ng ilang sandali
Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang aking kamay.

"Namiss din kita" sabi nito sabay ngiti. Para akong nasa alapaap ng sabihin niya ang mga katagang nagpapabilis ng pintig ng puso ko. Minsan lang din ito naglalambing.

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhnh. ..
Pwede himatayin? Lol!

"OK na tayo? "tanong ko pagkaraan ng ilang sandali.

"Oo naman! Okay naman tayo! Hmm bakit ayaw mo? " parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng ngumiti siya ng pagkatamis tamis.

Kinuha ko ang kamay niya. "I miss holding your hands." Itinaas ko ang magkahawak naming kamay. " Like this." sabay ngiti sa kanya.

"Oiyyyy. ..ayusin mo ang pagdadrive baka mamaya mabangga pa tayo niyan sa pagpapacute mo"

"Namiss lang kita bakit ba! "

Nanlalamig parin ang mga kamay niya.
Tiningnan niya ako at ngumiti. Halatang kinikilig din siya pero hindi niya pinapakita.

Nagtitigan na lamang kami at pasimpleng ngumiti.

Ang sarap sa pakiramdam.

Namuo ang katahimikan sa pagitan namin. Ng tingnan ko siya nakatulog na pala.

Tiningnan ko siya habang natutulog. Ang maliit niyang mukha, ang medyo matangos niyang ilong at mapupulang labi na parang kaysarap halikan, ang sarap niyang pagmasdan. Napailing ako sa naisip.

"Marco, stop it! "Bulong ko sa sarili.

Sana wag kang magbago pagdating ng panahon. Kung masasaktan man kita, sana ipagpatuloy mo ang pagiging positive sa buhay kahit anong mangyari.
Ginawaran ko siya ng maliit na halik sa noo. Eksaktong namang nagmulat siya ng mata at nagkatinginan kami. Halos langhap ko ang mabango niyang hininga. Malapit ang mukha namin sa isa't isa.

"Ah... gisingin sana kita." palusot.

"Nandito na tayo." bumaba agad ako upang pag buksan siya ng pintuan. Naiilang siya sa akin, napansin ko.

"Salamat." aniya.

"Kaya mo bang maglakad?"

" May paa naman ako nuh! Masama lang pakiramdam ko, hindi ako pilay."

"Jinojoke lang kita." sabi ko sa kanya. Kinuha ko yong dala niyang gamit at inalalayan siya at pinindot ko ang doorbell.

Agad naman kaming pinagbuksan ng katulong nila dahil okay narin ang mga magulang ni Maymay sa akin ngayon, dahil narin sa hirap na dinanas namin noon at malaking papasalamat ko na hindi bumitaw si Maymay sa akin kahit anong mangyari. Ipinaglaban niya ako at ang nararamdaman niya para sakin. Napapagod din sila sa kakulitan ko kaya hinayaan nalang kami ni Maymay sa aming relasyon.

Marami rin akong naging girlfriend bago si Maymay, ako yong tinaguriang sikat na playboy ng school.

Noong nanligaw pa lamang ako halos hindi ako papasukin dahil ang batang bata pa daw namin sa ganitong bagay. Ngunit pinatunayan namin na wala sa edad oh estado ng buhay kapag dalawang tao ay nagmamahalan.

Basta alam namin ang limitasyon.

Kahit anong sabihin nila sa akin tinatanggap ko dahil seryoso naman ako sa pakay ko at nangako naman kami sa kanila na mag aaral kami ng mabuti at gawing inspirasyon ang isa't isa.

Alam nila na marami akong kalokohan ngunit ng makilala ko si Maymay nag iba ang paningin ko sa buhay. Happy go lucky akong tao. Kahit kanino ako nakikipag relasyon kaya subrang na bahala ang mga magulang ko sa akin.

"Aling Memay meron po ba kayong medicine, pahinge naman po. Parang lagnatin po kasi si Marydale eh."

"Ganun ba, sige sandali kukunin ko lang. Iakyat mo muna siya sa kwarto niya upang makapagpahinga. Isusunod ko na lang ang gamot." ani Aling Memay.

"Oh sige po, salamat. "
Inalalayan ko naman siya papuntang kwarto niya. Ilang beses na ako pumupunta dito sa bahay nila ngayon lang ako nakapasok sa room niya.

Agad namang sumunod si Aling Memay sa amin na may dalang dala na palangga at bimbo.

Agad ko naman kinuha ang gamot at tubig para mapainom ko siya agad.

"Next time, H'wag kanang magpapaulan ha."

"Ewan ko ba sa batang yan, simula pagkabata laging nagkakasakit sa tuwing nauulanan. " ani Aling Memay.

"Ganun ho ba? " sabi ko habang nakatingin kay Maymay na napapikit na ang mga mata.

"Aling Memay mauna na po ako, inihatid ko lang po si Maymay. Pakisabi nalang po kina Tito at Tita na pumunta ako rito at saka kay Lola Meddy. Ikaw na po bahala sa kanya" baling ko dito.

"Oh sige, iho, ako na ang bahala dito. Ingat ka sa pagdadrive. "

"OK po, salamat. "

Lumapit ako kay Maymay upang mag paalam."Mag pagaling ka, tatawagan kita mamaya. "

Iminulat naman niya ang mga at saka tumango at pinilit na ngumiti sa akin.

"I love you. " bulong ko sa tenga niya.

A/N: Thank you sa patuloy na pagbabasa mga #Mayward. I try to update tomorrow kasi simula na ang pagiging busy ni akitch kasi may coming na engagement party ang mga boss . Back to back na party kaya walang tulugan. ... try ko lang. ...

Thank you so much. ..

FOLLOW
VOTE
COMMENT

Dedicated to the following
@niiniaaa
@RheaMolanoEstobo
SarahnelSaraji
@depoitiers

Thank you guys. ....

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon