Chapter 25 : Mary Dale's POV

541 46 20
                                    

Sabado. ..

Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Kisses nasungkit nila ang overall championship sa district meet. 

"Wahaha"

"Ang saya saya ko.."

Kahit na nakahiga ako sa bed ko, nagawa ko pang tumayo at kunin ang cellphone ko.

Hilong hilo ako dahil masama ang pakiramdam ko.

Tinext ko sila ng group message para e congratulate.

Typing Message

"Congrats guys...... I'm so proud of you!!"

Sent...

Masayang masaya ako para sa tagumpay ng mga kaibigan ko at na achieve ng school namin.

Pagkatanghali

1 message received

From Marco

Parang lumukso ang puso ko ng makita ko ang pangalan niya. Ang tagal ko ring nag antay na kausapin niya ako. Siya pa nga  ang may kasalanan, siya pa ang may mukhang hindi mag paramdam sa akin?

"Hi, kumusta kana? " tanong nito. Woow ha nakalimutan na ata ang tawagan namin. Sige lang May....., ok lang yan!

Pagbigyan muna......

"Ok naman. Ikaw? " reply ko.

"Pwede ba tayo magkita? " sabi nito.

"Bakit? "Hindi man lang sinagot ang tanong ko. Hmmmp.....

Napaisip ako.  Siguro gusto niya lang pag usapan ang nangyari. At saka ready narin akong makinig sa paliwanag niya about sa nangyari.

"Okay. Saan? " tanong ko sa kanya.

Tinext niya sakin ang restaurant kung saan kami magkita. Kahit masama ang pakiramdam ko nagpaalam ako kay Lola. Wala sina Mama at Papa nasa probinsya.

"Oh pangit,  bat bihis na bihis ka? Diba nilalagnat kapa!" salubong sa akin ni kuya. As if naman concern!

Sakto din paglabas ko ng room nag bukas din ang pintuan niya. Magkatabi ang kwarto namin. Parang masira ang Eardrums ko dahil sa subrang lakas ng music niya.

"Kuya pakihinaan nga yan music mo. Nakadagdag sakit sa ulo eh! Hindi kaba nabibingi!" nakasimangot Kong turan.

Yan si Niel  Edzel Entrata .Subrang adic sa music. Medyo may similarity kami ng kuya ko pagdating sa music. Mahilig siya sa banda at ako naman ay sa pag cocompose ng songs.

Magkapatid nga kami!

" Kuya, aalis ako saglit ha! Hindi ako dito kakain." sabi ko.

" May lakas kapang lumabas sa lagay na yan ha! Baka mamaya liliparin ka ng hanging niyan, Pangs."

Pangit- Pangs para di daw halata.

Saan kayang dictionary niya nakuha ang salitang yan?

Pagbaba ko nakita ko si Lola na nagsusulsi ng damit. Agad niya naman akong napansin.

"Masama pakiramdam mo ha! aalis ka?" ani Lola.

" saglit lang po ako, babalik agad ako. Nakainom naman po ako ng gamot La." Sabi ko.

"Oh. ...sige mag ingat ka. Magdala ka ng payong baka mamaya uulan."

"Malinaw naman po ang langit La ,"

"Abay mas mabuti na yung nag iingat apo."
 

" OK  po. Alis  na po ako." at tuloy tuloy na akong lumabas ng bahay. Sa katamaran Kong magbitbit hindi ko sinunod si Lola.

"Manong ,lugar lang po ". sabi ko sa driver at bumaba na .Napasapo ako sa noo ko ng muntikan akong matumba.

Pagdating sa Restaurant andun na si Marco nag aantay sa akin.  Pagkakita ko sa kanya napangiti ako. Na kalimutan ko yung sama ng pakiramdam.

Namiss ko siya promise!

Oopssss ...... Baka nakalimutan mo may atraso pa ang mokong nato!

"Kanina kapa? " tanong ko at saka umupo paharap sa kanya.

"Kararating ko lang din. " sabi nito at inabot sakin  ang hawak hawak na bulaklak.

"Para sayo.." aniya.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng mahawakan ang bulaklak.

"Salamat." saad ko, tumango naman siya at pilit ngumiti. May nasisilayan akong lungkot sa mga mata nito.

Pagod ata, mukhang kakagaling lang ito sa byahe.

This is the SECOND TIME na binigyan ako WAHAHAHA!!

Tumayo ito. "Oorder lang ako ng makakain. " 

Nag order siya ng pagkain namin. Ang tahimik niya halos ayaw  niya akong kausapin. Parang nakaka awkward ang sitwasyun namin ngayon.

Gusto raw akong kausapin, wala naman yata 'tong balak magsalita!

Nakakainis kana ha!

Dahil sa inis .... Hindi ko alam tinusok tusok ko na pala ang manok na kinakain ko. Double murder....

Pag angat ko ng tingin, yung katabi namin nakatingin sa akin na tumatawa.

"Patay na kasi...... Pinatay mo pa." ani Marco. Inirapan ko siya.

Hindi nalang din ako umimik at itinuon ang atensyon sa pagkain

Pagkatapos namin kumain nag aya siyang mag lakad lakad.

Rinig na rinig ko ang pagbuntong hininga niya ng ilang beses.

Ano kaya problema nito?

"Ahm. ...may sasabihin sana ako." napahinto siya ,at napahinto narin ako. Sana maintindhan mo ako."  Subrang seryoso ang mukha niya. Bigla akong kinabahan.

Tugdug.....tugdug....tugdug....

Hanep na puso to! Inunahan ako!

Hindi ko alam kung bakit, ngunit parang bigla akong nabahala sa tingin palang niya.

Napatingin ako sa kanya nagtatanong ang paningin. "Ano yun? "

"BREAK NA TAYO.... "

Hindi ako halos makapagsalita dahil sa sinabi niya.

Biglang pumasok sa isip ko ang nabasa ko na maihantulad ko sa sitwasyon ko ngayon.

"Ang Pagibig ay parang ulan, minsan biglang bubuhos na di mo alam at bigla din mawala sa oras na gusto mo ng maligo."

A/N : Ineedit ko ang ipilog

🌼🌼🌼 Solomot ng marami🌼🌼🌼

FOLLOW
VOTE
COMMENT

Lhaddelskie

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon