Epilogue 1.1 Edward Revelation(Mayward )

1.2K 89 9
                                    




Maymay POV'S



Unti- unti kong iminulat ang aking mata at puro puti ang nakikita ko. Nilibot ko ang aking paningin.
Sa gilid ng kama nakikita ko si Edward na nakatulog.

''Bakit kasama ko siya dito?''

Hinahanap ko ang pamilya ko. Wala akong nakita ni isa. Baka siguro nasa labas.

Napamulat siya ng namalayan niyang bumangon ako. Pumupungay pa ang kanyang mata at halatang inaantok pa.

"OK na ba pakiramdam mo?"ani Edward halatang nag alala.

"Bakit ako andito?"

"Subrang taas ng lagnat mo kahapon kaya nahimatay ka at dala narin sa stress sabi ng doctor "aniya.

Naalala ko na ang nangyari kahapon. Unti unting nandilim ang aking paningin. Umaga palang masama na ang pakiramdam ko ngunit pinilit ko pa ring umalis dahil gusto raw akong kausapin ni Marco. May gusto daw siyang sasabihin sa akin kaya hindi ko inalintana ang  nararamdaman ko sa katawan dahil nais ko ring malaman kung ano ang sasabihin nito.

"Buti nasalo kita bago ka natumba kahapon kaya itinakbo agad kita dito sa hospital. Andito rin si Lola mo lumabas lang saglit."dugtong niya.

Parang walang boses na na lalabas sa aking lalamunan at nag flashback ang lahat na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang lumuha.

Agad naman akong niyakap ni Edward upang pakalmahin.

"Sssshhhhh. .... it's ok. Andito ako. "
sa simpleng salita at yakap ni Edward nabawasan ang sakit sa puso ko. Ilang minuto kaming nanatiling magkayakap hanggang kumalma ako. Ang paraan ng pagyakap niya ay parang nagsasabi ng totoo niyang naramdaman.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Salamat. " Ang siyang lumabas sa bibig ko.
Tiningnan niya ang mukha ko.
"Tandaan mo,andito lang ako para sayo. Tutulungan kita makalimutan siya. "aniya.

Tiningnan ko siya at hindi na ako umimik. Tango lang ang siyang sagot ko sa sinabi niya at siguro naintindihan niya naman ang sitwasyon ko.

Nakalabas naman agad ako sa Hospital ng humupa na ang aking lagnat. Nagkataon din na walang pasok sa school kaya makapagpahinga ako dahil yun ang sabi ng Doctor.

Laking tulong ni Edward para sakin. Magdamag siyang nasa tabi ko. Kahit naiilang ako sa kanya sa nalaman kong may pagtingin din siya sa akin ngunit ayoko ko muna isipin ang mga bagay na yun . Kailangan ko munang bumangon galing sapag kakadapa ko sa pag ibig.

Nasa school ako ngayon dahil wala na akong lagnat kaya pinayagan na ako ni Lola pumasok. Hindi ko alam kong paano ko harapin si Marco dahil magkaklase kami.

Papasok na ako ng gate ng makita ko sina Vivoree at Marco na mag kasama.

" May. ......... !!!!" biglang tawag ni Kisses na tumatakbo papunta sa akin kaya nawala ang atensyon ko sa kanila.

"OK ka na ba? I miss you. .. "sabay yakap animoy miss na miss niya ako.

Ngumiti ako sa kanya.
"Okay na ako" tugon ko.

Ng makita niya sina Marco at Vivoree na magkasama napatakip siya ng bibig na parang nagtatanong ang mga paningin. Halos di siya makapaniwala ng ekenwento ko sa kanya. Napaiyak siyang yakap yakap ako. Naramdaman kong awang awa siya sa akin ngunit ngumiti ako sa kanya upang ipakita sa kanya na okay na ako.

"OK na ako. ..wag kanang umiyak " sabi ko, wala akong pakialam kong ano man ang iisipin ng mga estudyanteng dumadaan.

Sakto naman pagpasok namin nandun na si Edward sa classroom.

Kinausap ni Edward si kisses na lumipat ng upuan dun sa tabi nina Vivoree at Marco at ako na muna uupo sa upuan niya katabi ni Edward.

Nagtatanong ang tingin ng mga kaklase ko pero hindi na ako nag salita pa bagkus ngumiti na lamang ako para ipakita na hindi ako apektado sa nangyari. Positive lang dapat sa isip ko.

Please like and comment
Kung may reaksyon kayo

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon