Chapter 26

578 46 39
                                    

A/N: Epilogue po ito enedit ko lang

#Mayward

Habang naglalakad ako sa kalsada hindi ko namalayan na umuulan na pala dahil mas ramdam ko ang sakit ng  paghihiwalay namin ni Marco.

Parang  Kahapon lang ay ang saya saya pa namin at ngayon biglang naglaho ang sayang iyon. Inisip ko na sana maging okay kami ulit, na sana ako parin ang mamahalin niya sa kabila ng nalaman niya na mahal  siya ni Vivoree. Na sana walang nagbago.

Ngayon napatunayan kong wala siyang isang salita at paninindigan.

Masama bang pangarapin na sana ako parin ang laman ng puso niya?

Ngayon siya na mismo ang pumutol sa kung anong meron kami.

"I'm sorry May, hindi na kita mahal. Palayain mo na ako " ani Marco habang nakayuko at halos hindi makatingin sa akin.

" Ano sabi mo?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Parang hindi agad pumasok sa sestima ko ang sinabi niya.

"Ilang araw ka hindi  nagparamdam tapos heto pala ang isasalubong mo?! Nagjojoke kaba? Pwes! Hindi ka nakakatuwa!" Tinapon ko ang bulaklak sa harapan niya.

"May pa bulaklak kapang nalalaman! Iba karin ano!" Galit kong sabi. Nagbabadya ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

"May....... Please intindihin mo naman ako..."ani Marco.

"Intindihin? Naririnig mo ba ang sarili mo ha, Marco! "

"Bakit mo ako pina asa sa pagmamahal na hindi totoo?! Ang sakit. ...sakit eh!. Bakit mo nagawa 'to sa akin, ha?! "napahikbi kong turan. Hindi ko malaman ang gagawin habang siya ay nakatingin sa akin.

" Sorry. " aniya.

"Marco, please naman oh,... Wag mong gawin 'to sa akin. Naiintindihan ko naman eh!" naiiyak Kong sabi.

Nawala ako sa katinuan. ...

Bigla akong lumuhod sa kanyang harapan upang magmakaawa na hindi niya ako tuluyang iwan.

Upang maisalba ko rin ang relasyon namin. Nasanay na akong palagi siyang andyan. Paano na ako kung wala siya?

Ganito pala ang pakiramdam ng taong nasasaktan.

"Di....ba sa.... bi mo forever na tayo? Bakit bigla kang nagbago !? "

"Please. .... tumayo ka May..... Kahit lumuhod kapa mas mahal ko si Vivoree at hindi na magbabago ang isip ko. Makahanap ka rin ng taong magmamahal sayo. " aniya.

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon