chapter 35 : Maymay's POV (Mayward)

700 46 19
                                    


*****Maymay*****

Ilang buwan narin mula nung umalis sa school sina Marco at Vivoree. Nang araw na yun marami ang nangyari. Kinausap ako ni Vivoree ngunit hindi ko siya binigyan ng pagkakataon para ipaliwanag ang side niya. Aaminin kong naawa din ako sa kanya ngunit nangingibabaw ang ginawa nila sa akin kaya nasampal ko siya. Oo, nagsisi rin ako sa ginawa ko ngunit maintindihan niya naman ako sa diba?

Nalaman namin kina Yong at Christian ang nangyari kay Marco, Na isinugod ito sa hospital dahil nawalan ito ng malay . Hindi rin nila alam kung bakit. Walang makapagsasabing kung ano ang dahilan. Maraming mga tanong na hindi namin masasagot. Simula nun hindi na sila pumasok sa school.

Lahat kami walang may alam kung nasaan sila. Naisip namin na baka nga Plano nilang lumipat dahil sa nangyari. Nagkakailangan na kasi kami.

Masakit, kasi pinipilit ko paring kalimutan si Marco kahit ilang buwan na ang nakalipas. Ikaw ba naman ang broken hearted sasaya ka ba? Tapos bigla pa silang nawala.

Mapalad parin ako dahil meron akong mga kaibigan na palaging nariyan para pasayahin ako.

Haissssttt. ......

OK na yun, Kesa makita ko sila palagi nasasaktan ako.

Simula noon, wala na kaming balita sa kanila.

Hindi ko alam huling pag uusap at paghaharap na pala namin yun.

Merong paghihinayang sa puso ko na hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

May nararamdaman akong pagsisi kung bakit nagpadala ako sa aking emosyon at binaliwala ang pagkakaibigan namin.
Masakit naman talaga eh! Lalo nat siya ang pinili ni Marco kesa sa akin.

Dahil sa kanya tuluyan kaming naghi walay ni Marco. Yun palagi ang pumapasok sa utak ko.

Alam kong nasaktan ko rin si Vivoree sa pagbabaliwala namin sa kanya.

Wala na kaming balita sa kanila. Dahil hindi na sila pareho active sa Facebook.

Paano ko nalaman?

Syempre, naging stalker ako! Araw araw ko tinitingnan ang profile nila, walang bagong update kung saan sila, kung magkasama ba sila, kung anong nangyari sa kanila. Ang tapang ko diba? Alam mo yung feeling na gusto mong malaman ang tungkol sa kanila? Tapos hindi mo rin maiwasang masaktan kung sakali may malalaman ka? Ang saklap diba? ! Parang lalo mong pinapahirapan ang sarili mo sa ginagawa mo? Ako yun eh!

Pero nag promise ako sa sarili ko tigilan ko na dahil sakit lang sa damdamin ang makukuha ko everytime makikita ko ang pictures nila. Nagsasariwa ang sakit.

Aaminin ko meron pang natitirang sakit sa puso ko. Ngunit unti unti lang itong mawawala Promise ko yan!

Umiyak man ako ngunit di yun dahilan upang ako'y malugmuk at sumuko.

Hindi naman mabilis makalimutan diba? Lalo't na first love ko si Marco. Di ba nga sabi nila. ...

First Love Never die....

Bumabalik parin sa ala ala ko ang masasayang araw nung kami magkasama pa.

Ngunit naniniwala akong makakalimutan ko rin siya. ......

Pagdating ng panahon. .

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhnh. .......

Tama na nga yan! Nag emote na naman ako! Intindihin niyo na! Nasa process of moving pa eh!

Kahit sabihin pa natin na gusto natin mag move on ngunit ang hirap dahil mahal ko siya. Pipilitin kong kalimutan ka. .

"May.... stop browsing their profiles! You need to move on! " sermon ni Kisses nang nakita niya akong nag browse ng Facebook nila. Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na siya.

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon