Chapter 11: Kisses POV

735 59 11
                                    

A/N: Expect na maraming Typo Error at sabaw na update. Haggard pa si ambisyosang Author. ...

Kisses POV

Pagka akyat ko sa school bus na sumundo sa akin nandun na si Vivoree .

" Good morning!" bati ko sa kanya.
"Good morning din! " tipid niyang tugon.

Magkakaibigan kaming tatlo, pero mas close ako kay Maymay. Ang pagkakapareho lang namin ay ang pagkasuwail namin sa mga magulang dahil kay Maymay . Hindi naman dahil sa kanya kundi parang kapatid narin namin siya . Gusto kasi naming magkasabay papuntang LIS kaya kinausap namin ang mga magulang namin na magpasundo kami sa school bus kesa magpahatid sa driver. Pinanindigan namin ang aming pagkakaibigan. Oh diba? Ang bait namin!

Akalain mo ring mahigit isang buwan ang pakikiusap ko sa mga magulang ko para mapapayag sila? Ang sabi ni Mommy "Ang kulit mo kisses ano ba! Kung ano mangyayari sa iyo humanda ka sa akin! " Kahit galit yun napa Oo ko siya, ayeehhhh. ..Ganun lang talaga ang mommy ko pero mabait yun! Ayaw lang niyang mapahamak ako pati din si Daddy.

Ang swerte ko nga raw yun ang sabi nila! Bakit kaya palaging sinasabi ng mga tao na maswerte daw yong pagiging anak mayaman ko. Dahil lahat nabibili ko at nakakapag aral ako ng maayos. Kung ano ang gusto ko sinusuportahan nila ako. Para sa akin hindi lahat masaya dahil sa maraming pera. Ang tinatawag na masaya ay yung kompleto ang pamilya at nagkakaintindihan sa bawat isa.

"Kung saan na lupalop na pala pumupunta ang isip ko. "Wake up Kisses! Haler? " hinawakan ko ang ulo at ini iling iling. Napalingon ako kay Vivoree. Anong nangyari sa isang ito? Parang bangag din ah!

Bakit ang tahimik nito? Baka meron.
Hmm.... O kaya'y nahawaan ng aming katabi. Pwede rin! Ahaha nakakahawa pala ang pagiging tahimik? Akala ko ang pagiging madaldal lang

"Anong meron?"maya'y maya tanong ko sa kanya. Hindi ako sanay na hind ito nagsasalita.

"Ah ahhh? Wala naman." baling nito sa akin.

"Ang tahimik mo kasi! May problema ba?"

"Ah hehe may inisip lang ako. "aniya.

"Pag may gusto kang e share, andito lang ako, we're friends don't forget that."

"Oo naman !" aniya at saka tinapik ako ng mahina, ibig sabihin na h'wag akong mag alala.

Tumango lang ako at saka ngumiti sa kanya.

"Hala! Kuya hindi naman to ang daan kina Maymay ah!" Sabi ko kay mamang driver ng mapansin kong iba ang route na tinatahak namin. Eh, memorize ko na ang daanan namin. Sa araw - araw ba naman pumapasok diba?

"Meron kasing nag request na magpapasundo, tinawagan ako kanina "ani Mamang driver.

"Sino po yon kuya? " ani Vivoree.

"Dahil lumipat yong isa ninyong kasamahan at yong bago siya ang papalit sa pwesto nung nag transfer kaya ako ang napag utusan na sumundo" dugtong nito.

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon