Chapter 15: Marydale's POV

568 46 42
                                    

Marydale's POV




Ilang minuto akong nakatayo dun...

Wala man akong kasiguraduhan na totoo o hindi ang sinabi nila....

 parang may isip ang mga paa ko na baybayin ang hagdan papuntang rooftop.

Bago pa man ako naka akyat sa hagdan.

Merong mga lower year na naghahabulan pababa at natabig ako.

Hindi naman kalakasan ngunit para wala akong enerhiya upang labanan ang pagkakatumba ko. ...

Nanginginig ang mga tuhod ko. ..

Ramdam ko ang pagod ng isip at katawan ko ngayon. .....

"Ate....Okay ka lang? Sorry ha. ..." sabi nung isa sa apat sa kanila.

"Kayo kasi ang kukulit niyo!" sabi din  nung isa. Hindi ko nakikita yong mukha nila dahil nakayuko ako.

"Tingnan niyo si Ate natumba  tuloy!"

Hindi ako umimik..

Hindi ko ininda ang sakit ng pagkatumba. ...

Dahil mas masakit at mabigat sa dibdib ang aking nararamdaman sa ngayon ....

na halos hindi ako makahinga.

Gulong -gulo ang aking  isipan.

Hindi ko malaman kung ano ang paniniwalaan.

Patuloy paring umaagos ang mga luha ko sa mga mata. Nag uunahan sa pagbagsak.

Buti na lang mangilan ngilan  lamang ang mga  estudyanteng dumadaan dahil lunch time. Ang karamihan ay andun sa canteen at iba nama'y umuuwi.

Blessings in disguise narin siguro  ang nangyari sakin ngayon ...

upang hindi sila magtaka kung bakit umiiyak ako.

Pilit kong pinipigilan ang mga luha upang hindi bumagsak ngunit patuloy parin ito. ..

Lumapit ang dalawa pang estudyante sa akin.

"Sorry talaga. " paghinging tawad ng mga ito sakin.

Ngunit patuloy akong nakayuko.

Akma nila akong tutulungan patayo ngunit winaksi ko ang kamay nila. ...

"Walang makakatulong sayo kundi ang sarili mo!..."

Hindi ko pamilyar ang boses....

Umangat ako ng tingin upang tingnan kung kanino ang boses na yun. ..

Dun ko lamang na realize si Aizan pala, ang kapatid ni Heaven. Kasama din nina Marco sa basketball.

"Take this....

"Wipe your tears para di ka mag mukhang pulubi. "

Wala din itong pinagkaiba kay Heaven.

Isa rin tong arogante.

Natumba na nga ako, nakuha pang mang insulto.

Kaya pala ganun nalang ang ugali ng kapatid, di na ako magtataka pa sa  inaasta nila.

Sa sitwasyon ko wala akong oras para   isipin ang kaarogantihan ng isang ito.

Palagi ko naman siya nakikita sa tuwing manonood ako ng insayo nila ngunit di ko nakitaan na tumawa ito.

Tinanggap ko ang panyo na inabot niya sakin.

"Salamat. " sambit ko. Tiningnan niya lamang ako sa mukha.

Bigla niya akong hinawakan sa dalawang balikat upang tulungan akong  makatayo.

"Look at yourself." Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Kumakain kapa ba? " Saka ako binitawan.

At tuluyang tumalikod. ...

Tinulungan nga ako, saksakan naman ng kayabangan ang pagkatao!

Ng maisip ko ang aking pakay. Dali dali akong umakyat sa hagdan.

 Nasa 7th  floor ang rooftop ng school.

 Hindi ko ininda ang pagod sa pag akyat dahil ukopado ang aking isip sa mga nangyayari.

Maraming pumapasok sa isip ko hanggang marating ko ang 7th floor na sinasabi ni Heaven.

Bago pa man ako nakarating narinig kong may nag sisigawan sa taas.

Napahinto ako at pinakinggan ang nag uusap.

"Oo, mahal kita. Ngunit pinakita at pinaramdam mo sa akin na kaylan man hindi ako karapat -dapat sayo ! Dahil isa akong walang kwentang tao sa paningin mo!"

 boses ng lalaki. Dahil medyo malayo pa ako sa kanila medyo mahina man ang dating nun sakin ngunit rinig na rinig ko ang pinag usapan nila.

Parang binalot ng kaba ang buo kong pagkatao ng unti -unti kong mapagsino ang dalawang nag uusap.

Kahit nanginginig ang aking kalamnan pinipilit ko paring lumapit.

"Oo, nagsisi akong pinakawalan kita dahil sa takot kong magaya rin ako sa mga babaeng pinaglaruan mo! "

"Alam kong nasaktan kita nun. ... alam kong duwag ako. Ngayon ko lang na realize na mahal kita ng meron ka ng iba!

"Pwede bang ako nalang ulit? Please. ......." ani Vivoree na magmakaawa kay Marco.

Parang sasabog ang dibdib ko sa narinig!

Dretso parin ito pagsasalita habang mahinang  umiiyak. ..

Ang gulat ko ng biglang yumakap si Vivoree kay Marco at humagulgol ng iyak. ...

Para akong natameme ngayun. ..

Para akong kontrabida sa kanila.

 Gusto kong ibuka ang aking bibig.

Wala man lang salitang lumalabas.

Natuliro ako sa aking narinig.

Para akong nasemento sa kinatatayuan ko. Habang ninanamnam ang sakit napapikit ako. ..

At ibinuhos ang natitirang lakas sa pag sigaw.

"Hindi........!

"Hindi........!

"Hindi totoo yan.........! !!!!"

"Mga sinungaling kayo. ....!!!!!

"Manloloko. ...!!!!!!

Naghestirical na ako ....  napahawak ako sa buhok ko habang umiiyak.....

Napakalas si Vivoree sa pag kayakap kay Marco ng mapansin nila ako. Nagulat sila sa presenya ko.

Lumapit sila  sa akin at.....

"Sorry. "ani Vivoree.

"Pakkkk! !!!

isang tumaginting na sampal ang binigay ko kay Vivoree. Napahawak siya sa namumula niyang pisngi.

"Bayad yan sa pang Gagago niyo sa akin! " napahagulgol narin ako.

Akma ko siyang sampalin ulit ng pigilan ni Marco ang kamay ko.

"Mhine, tama na please......"

"Mhine? Hindi kaba nangingilabutan sa pagsambit mong yan, ha. " wika ko.

______________________
A/N: Di ko kinaya...
Dito lang muna ..

Follow
VOTE
COMMENT.

LHADDELSKIE

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon