Chapter 36

722 40 9
                                    


Edward POV

"Walk out? Anyari dun?" Si Kisses.

Nakakonot- noo habang nakasunod ang tingin sa nakatalikod na si Maymay. May hawak -hawak siyang ice cream.

Nagkibit balikat lang ako. Alam ko naman ang dahilan bakit ko naman sasabihin? Eh di hindi na thrilling yun! Moment namin yun eh!^_^

Napatawa ako sa naisip.

Gusto ko lang naman sana siya inisin kasi malayo pa lang ako nakita ko sila ni Kisses na naghahabulan kaya nakisali rin ako. Syempre papansin din.

Ang ganda niya tingnan na tumatakbo habang nakasimangot. Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganun. Hihinto na sana ako at ibigay sa kanya ang phone niya kaso kumaripos siya ng takbo papunta sa akin kaya. .........
.

Tinapik ako ni Kisses.

"Bakit mukhang kinikilig ka? Kumikimbot pa yang labi mo oh!" sabi nito sakin. Tiyak kong dinadakip lang ako nito.

Napakurapkurap ako ng mata sa tanong niya.

"Wala ah! " sagot ko. Pag sabihin ko sa kanya baka mapatay ako ni Maymay.

Sinisipat-sipat ako. "Teka lang. ....
"Bakit ang defensive ng tono mo Edward? May nangyari ba? Sa paraan ng pagkasabi mo meron eh!" Pangungulit nito.

"Wala. .....
"Hanapin mo nalang si Yong, nasaan na naman kaya yun nagsusuot." Pag iiba ko ng usapan at tumalikod na.

"Ayyy.... ang daya niyo bakit iiwan niyo ako mag isa dito! " Sigaw nito pag talikod ko.

Tuloy-tuloy na ako sa paglakad. Gusto kong makausap siya tungkol sa nangyari. Hindi ko naman sinasadya yun eh. Ayokong magkailangan kaming dalawa.

Dahil sa maraming tao na namamasyal dahil pagabi narin nahirapan akong hanapin siya.

Alam kong hindi pa niya tuluyang nakalimutan si Marco kaya naisipan kong tawagan si Kisses na ayain si Maymay na pumunta sa Plaza. Dahil narin papalapit na ang Fiesta kaya marami naring palaro at mga rides. Tiyak kong mag eenjoy siya.

Saan naman kaya sumuot yun?

Naisipan kong tawagan.

Pagkapa ko sa bulsa ng aking pantalon may nakapa ako. Isang bracelet.

"Naalala ko na. Binili ko ito nung magkasama kami ni Maymay.

Totoo kaya yung sinabi ng bata? Sana nga........

KISSES POV

"Aiiiisssstttt! !!!"

Iniwan ako ng mga yun?

Natutunaw na yung Ice Cream na hawak ko oh! Binili ko pa naman to para sa aming tatlo. First time ko naman sana kumain nito kasi sabi nila masarap daw itong dirty ice cream na tinatawag. Sayang wala si Yong.

Nakaramdam ako ng paghihinayang.

Nakakita ako ng mga bata sa gilid ng kalsada lumapit ako sa kanila at ibinigay ang hawak -hawak ko. Sayang naman kung itapon ko lang sa basurahan.

Susunod nalang ako sa dereksyon nina Edward at Maymay baka maabotan ko pa sila.

Hindi man lang inisip ng mga yun na magkasama kami dito.

Hindi ko na alam kung saan sila hanapin kaya nag ikot- ikot nalang ako nag bakasakali na makikita ko sila hanggang humantong ako sa isang announcement na nakapaskel sa isang poste. Agad naman akong nakaisip ng ediya kong sino ang isasali sa contest. Dahil nga sumasali rin ako sa ganitong contest gusto ko isama si Maymay dahil gusto ko siyang makasama sa stage.

Ikaw Pala Ang Hanap Ng Puso   (Short Story ) Mayward Fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon