Day Four: Ang Kasagutan

304 8 1
                                    

Nagising ako bigla! Pero naaalala kong may pinasukan akong pinto. Yun lang talaga!

Sumilip ako sa baba at idinasal na panaginip lang pala ang lahat ng nangyayari sakin.

Pagbaba ko ay nakita ko ang sarili ko(bata version), may hinihipan ng kandila. Tila may birthday yata.

Hindi muna ako bumaba. Alam kong may kawirduhan nanamang nangyari. Dali daling kong tinignan ang kalendaryo sa isang celphone na nakita ko sa kabilang kwarto.

September 28, 2005

Birthday ko pala ngayon! Pero teka! Ibig sabihin, lumipat na naman ako ng oras. Ano na naman bang nangyari at nalipat ako? Pero mas maayos na to, palapit na ko ng palapit sa tunay na oras.

June 9, 2012 na sa kasalukuyan. Hindi na malayo. Ngunit kelangan ko pa rin hanapin ang sagot. Kelangan ko bumalik dun. Hindi ko naman alam kung paano.

Nang makita kong umalis sila, magpupunta ata sa mall, bumaba na ko, nag-isip ako. At naalala ko si Kuya Lolo, bakit ko nga ba sya nakalimutan!

Dali-dali akong nagbihis upang makapunta na dun sa shop. Palabas na ko ng gate ng...

"Ding Dong, Ding Dong"

May tao sa gate. Sino kaya yun? Nako wag naman sana sila papa't mama to, kundi, yari na naman ako. Papakilala na naman at mag eeksplika.

Binuksan ko ang pinto at natuwa ako ng makita ko si Kuya Lolo.

Ako: "Ui Kuya Lolo! Buti nandito kayo! Alam nyo ba ang nangyari sakin?"

KL: "Oo, lumipat ka na naman ng oras. Teka't may pinasasabi ngapala si Ann, pumunta ka sa computer shop. Yung may katabing karinderya. Hindi kasi kayo pwede mag-usap sa shop ko kasi sa kasalukuyang panahon ay may party party na nagaganap. Umupo ka sa Computer#4, nakareserba na sayo yun. Tandaan mo ah. Mamaya 4pm, pumunta ka. Sige mauna na ko."

Ako: "Sige po Kuya Lolo, Salamat ng marami!"

Sa mga oras na ito, naniniwala na ko, I'll deal with it na lang. Tama na ang pagtataka. Kelangan kong mahanap ang sagot.

Dumating na nga ang takdang oras upang kami'y mag-usap. 3:55 pa lang, pumunta na ko sa shop. Ngunit nung hinanap ko na yung PC4, meron ng nakaupo. Nakapagtataka't kala ko ba nakareserba na sakin ito.

Hindi ko na alam ang gagawin. 3 segundo na lang bago mag-4 at biglang tumayo yung nakaupo sa PC4 at umalis. Saktong sakto! Walang labis, walang kulang! Tama nga si Kuya Lolo.

Naupo na ko sa PC4 at pinindot ang power button. Ngunit nakapagtataka at black screen lang. Walang start up. As in wala kahit anong tuldok.

At nagulat ako, biglang may nagtype sa screen.

Nako, eto na ata si Ann. Eto na nga ba?

Ann: "Ui si Ann to, salamat naman at nakarating ka sa tamang oras John"

Ako: "Saktong sakto nga ako sa pag-upo e."

Ann: "Pasensya ka na kahapon, hindi ko nasabi kagad. Balita ko, lumipat ka na naman ng oras."

Ako: "Oo nga e. Ituloy mo na yung sinasabi mo kahapon, Gustong gusto ko ng malaman ang dahilan."

Ann: "Sabi ko nga, Ikaw ang nagdala ng sarili mo dyan. At tatanungin kita ulit, wala ka bang naaalala?"

Ako: "Naaalalang ano ba kasi?"

Ann: "Naaalalang  medyo weird"

Ako: "Teka..."

Ann: "Sige."

Inalala ko lahat, lahat ng wirdong nangyari ngayong araw, wirdo nga ang biglang pagkatok ni Kuya Lolo sa bahay namin pero sa ngayon hindi na wirdo sakin yun. Ano pa bang wirdo ang nangyari?

Ay teka, Yung panaginip ko. Wirdo yun ah. Teka, masabi ko nga sa kanya.

Ako: "Ann! Naalala ko yung panaginip ko. Wirdo talaga!"

Ann: "Oh anong meron sa panaginip mo?"

Ako: "Bigla na lang ako nahulog sa isang madilim na lugar, tapos biglang bumukas yung mga ilaw. Andaming pinto! Sobrang dami. At sinubukan kong pumasok sa isa at ayun, bigla na lang akong nagising."

Ann: "John, yan na ang kasagutan sa tanong mo."

Ako: "Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Ann: "Nagkaron ka ng kapangyarihan, Ang magTime Travel habang natutulog ka."

Ako: "Ha? Teka, teka, pano naman ako nagkaron ng ganung kapangyarihan?"

Ann: "Naalala mo yung kwento ko sayo? Kumpano ako nagkaron ng kapangyarihan?"

Ako: "Oo, naaalala ko, nahulog ka sa bldg, at yun na nga."

Ann: "Naalala mo ba nung tumalon ka sa eroplano?"

Ako: "Oo,Teka, Yun ba ang dahilan ng lahat ng ito?"

Ann: "Oo John, nung tumalon ka sa bldg, sumama sa katawan mo ang Time Residues. Kung kaya't nagkaron ka ng kapangyarihan."

Ako: "Ganun ba yun? Hayyy. Teka, nung pagtalon ko sa eroplano, Bakit naging bata ka?"

Ann: "Nadistort ang Time sa mga oras na yun. Sila Ate Lola at Kuya Lolo ay hindi tinatablan ng Time Distortion kaya ganun parin ang hitsura nila, mapasan ka man naroroon, mapaanong oras ka man mapunta. Hindi ka rin tinablan kasi inaabsorb pa ng katawan mo yung Time Residues."

Ako: "Ah sige sige, Pero pano ko ba kokontrolin ang kapangyarihan ko upang makabalik dyan?"

Ann: "Sa ngayon, kailangan mo munang manghula, Intelligent Guess, Dahil hindi mo pa gamay ang kapangyarihan mo. Darating ang araw at magagamay mo rin yan."

Ako: "Ano namang huhulaan ko?"

Ann: "Yung mga pintong nakita mo, Kung mapapansin mo, may mga nakasulat sa taas nito. Ito ang Clues kung san ka dadalhin ng pintong yun."

Ako: "Hindi ko kasi nakita yung nakasulat. Basta na lang akong pumasok."

Ann: "Mamaya sa pagtulog mo, subukan mong bumalik dito. Wag ka mag-alala, pagnakokontrol mo na talaga ang kapangyarihan mo, makakagawa ka na ng pinto pabalik sa kasalukuyan na hindi kinekelangang maghanap pa o manghula. Pero sa ngayon, pag-isipan mo muna lahat ng papasukan mong pinto. Mag-ingat ka."

Ako: "Sige Ann, Salamat. Uuwi na rin ako."

Ann: "Sige."

Dun natapos ang usapan. Naiintindihan ko na lahat. Nagkaron ako ng kapangyarihan dahil sa pagtalon ko. Tatanggapin ko na lang ito at pag-aaralan.

Dali dali na kong umuwi, pumasok sa bahay ng patago at natulog. Umaasang makakabalik na ko sa kasalukuyang panahon.

Itutuloy..

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon