Day Twelve(Continuation): Nabunutan ng Tinik

114 3 0
                                    

John: Ann, Rose, mauna na ko ah, may ipapakita raw sakin si Kuya Lolo e.

Ann: O sige, mag ingat ka ah.

Rose: Sigurado ka bang okay ka na?

John: Oo, yakang yaka ko to, salamat. Sige.

~~~~~~~~~~~~~~

nagsimula na kong maglakad papunta kela Kuya Lolo.

Parang natatakot ako ah, hindi ko kasi alam kung kailan maaaring magtrigger ang dugong Time Eater ko, tsk, bakit pa kasi kailangan ako magkaganito?

Natatakot tuloy ako baka may mga tao akong masaktan kapag nangyari yun, kailangan ko na talagang alisin to sa katawan ko, kung hindi, baka matuluyan na ko.

......

Kuya Lolo!, sigaw ko sa harap ng gate nila.

KL: Oh John, nandyan ka na pala, ang aga mo ata.

John: Wala lang po talaga ako sa mood kumain e, kaya pumunta na ko dito.

KL: Osya, tumuloy ka muna.

John: Salamat po.

~~~~

John! Ikaw ba yan?, may tumawag sakin.

John: Ay opo, kayo po yung magulang ni Kuya Lolo diba?

Oo kami nga at malaki utang na loob namin sayo dahil natagpuan mo kami sa Void at inilabas kami dun., sagot nila.

John: Hindi ko naman po magagawa yun kung wala rin sila Kuya Lolo para tumulong e.

KL: 'nay, 'tay, hihiramin ko muna si John, may pag-uusapan lang kami, salamat.

O sige sige, sagot nila.

~~~~~~~~~~~~

John: Ano nga po pala yung ipapakita nyo sakin?

KL: Ito(cylindrical object na maraming design ^_^)

John: Ano po yan Kuya Lolo?

KL: Makakatulong 'to upang gumaan ang loob mo sa pagpaslang sa lolo mo?

John: Ha? Maaari ba yun? Papatayin ko lolo ko tapos gagaan pa loob ko?

KL: Ipapaliwanag ko. Dito namin ikinukulong ang mga Time Eater upang ipadala sila sa kabaligtaran ng Void Rift, ang Abundance Rift.

John: Ahhh. Ano naman pong kinalaman nyan sa pagpatay ko sa lolo ko?

KL: Maaari mong maligtas ang lolo mo gamit 'to, sa isang maingat na paraan sa pakikipaglaban sa kanya, ikukulong mo dito ang dugong Time Eater nya upang ang mismong sya ay mailigtas mo.

Sa madaling salita, ang kukunin mo lang ay dugo.

John: Ahh! Naiintindihan ko na po! Pero bakit hindi nyo na lang sakin gawin yan?

KL: John, ang lolo mo ang natatanging nabubuhay na Time Eater sa linya nyo, pero may iba kang pinsan o tito na Time Eater, ang ibig ko lang sabihin, wala nang buhay na ascendant ang lolo mo. Ikaw meron pa, at yun ay ang lolo mo, kapag sayo ko 'to ginawa. Masasayang lang dahil dadaloy lang muli mula sa lolo mo ang dugo papunta sayo, hindi namin alam ang phenomena na ito tungkol sa mga Time Eater pero kailangan talagang putulin ang linya, at ang may hawak nun ay ang lolo mo. Siguro magtataka kumbakit hindi kasama ang nanay mo na anak ng lolo mo. Ito ay dahil sampung porsyento lang ang tsansa na maipasa sa isang babae ang dugong Time Eater o Time Traveler. Ngunit pag natsempuhang naisalin sa kanila ito, sobrang lakas ng magiging kapangyarihan nila.

John: Naiintindihan ko na po Kuya Lolo, Salamat po, bukas na bukas kakalabanin ko na ang lolo ko! Upang matapos na ang kaguluhang ito. Ngunit, san ko nga ba mahahanap ang lolo ko?

KL: Tinatanong pa ba yan John?

John: Wala po talaga akong ideya kung saan sya mahahanap.

KL: Hindi mo sya hahanapin John, tatawagin mo sya.

John: Effective po ba yun?

KL: Oo. Naalala mo ba yung huli nyang sinabi sayo? Papatayin ka nya. Kung kaya't pag tinawag mo sya, kaagad syang darating upang gawin ang kagustuhan nya.

John: Ah oo nga pala, sige po, uuwi na po ako at maghahanda na ko para bukas.

KL: Sige, suportado ka namin, tawagin mo lng kami kung kailangan mo ng tulong..

John: Sige po, salamat.

~~~~~~~~

Naglakad na ko pauwi.

Teka, andilim ng langit, andaming ulap. Ay oo nga pala, hindi ako nakapanood ng balita kagabi at kaninang umaga, kailangan ko nang bilisan at baka maabutan pa ko ng ulan.

~~~~~~~~

Sky's POV

Takbo John, Takbo. *evil laugh*

....

Itutuloy.

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon