Day Two: Ang Simula ng Misteryo

442 12 1
                                    

Kinabukasan... June 7

Ganun pa rin ang siklo ng araw ko at mapasya mismo ay ganun din. Walang pagbabago. Tahimik at walang kibo.

Pagdating ng break, dali dali syang pumunta sakin at sinabing..

Ann: "Ui John, wag mong kalilimutan ah, samahan mo ko mamaya"

Ako: "Oo, sige, hindi ko kalilimutan."

Ann: "Sge, salamat!"

Hindi ko alam pero magiging close ata kami dahil sa computer games. Hahahaha! Pero ganun parin ang tono ng pagsasalita nya, mahina, parang may sakit. Nakapagtataka talaga. Pero hayaan mo na. Bakit nga ba mangingialam pa ko?

---DISMISSAL---

Ayan, uwian na.

Dali dali kong hinanap si Ann ngunit hindi na pala kelangan dahil nasa likod ko na sya at naghihintay.

At lumabas na kami ng paaralan. Nagkakwentuhan kami.

Ako: "Adik ka rin ba sa paglalaro at gagastusan mo pa talaga?"

Ann: "Hindi ah, may kukunin lang kasi akong rare item."

Ako: "Ah ganun ba, adik kasi ako dyan e, halos libo libo na nagastos ko. Hehe"

Ann: "Libo libo? Adik ka nga."

Natunton na namin ang computer shop kunsan ako bumibili ng load na ang may ari ay mag-asawang may edad na. Kung kaya't nakasanayan ko na silang tawaging "Kuya Lolo" at "Ate Lola". Di ko rin alam kunsan ko napulot yang mga nickname na yan e. 

Nang makita ako ni Kuya Lolo.

"Ui, Suki!!!!", sabi niya.

Ako: "Ah ako nga ho, heto't may kasama ako, magpapaload daw. May bago ka na atang magiging suki! Oh sige Ann, magpaload ka na."

Ann: "Magandang hapon po, magpapaload lang ho sana sa....", Biglang...

(Tunog ng eroplanong nasiraan ng makina at mabilis ang pagbagsak)

Ako: "Teka lang ho't titignan ko ang nangyayari."

Palabas na ko ng pinto ng biglang..

Ate Lola: "Ako na!"

Napahinto ako at nang sasagot na ko ng "Sige po.", mas napahinto ako...

Bigla syang(Ate Lola) nawala...

Itutuloy...

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon