Dream: Crossroads

260 4 0
                                    

---DREAM---

Whoah. Parang nagbago ata ang scenario. Hindi na ko bumagsak ah. Kaso madilim pa rin.

Hindi rin bumubukas ang ilaw. Bakit ganun? Pano ko mahahanap ang pintong kelangan kong pasukin?

Gumapang ako ng gumapang ng gumapang hanggang sa mauntog ako. Hindi sya pader kasi medyo malambot sya.

Paghinto ko sa aking paggapang, biglang nagkaron ng ilaw, ngunit kakarampot lang ang mukhang nanggaling ito sa flash light. Nanggagaling ang ilaw sa likod ko, kung san nandun ang malambot na bagay na pinagkauntugan ko. Lumingon kagad ako at ang tanging nakita ko lang ay may asul na kamay na pang teddy bear na iniaabot sakin yung flashlight. Pagkakuha ko nito, bigla na lang syang tumakbo, gusto ko syang makita at tinutukan ko sya ng flashlight pero hindi ko na sya inabutan.

Tumayo na ko at naglakad. Upang hanapin ang pintong magdadala sakin sa kasalukuyan.

Tila nag-iba ang hitsura ng mga pinto, yung iba may doorknobs, yung iba handle lang. Yung iba pakurba ang itaas, yung iba paparisukat. Nakakapanibago. Pero mas nagulat ako nung tumingin ako sa baba. Naglalakad ako sa isang transparent glass. Magulo ang nakikita ko, iba iba, may mga nakikita akong taong mga nag-aaway, tapos biglang naging street naman na puro kotse, at ang pinakahuli ko ng nakita ay ang nagliliparan na mga kalendaryo. Pagkatapos nun ay tumingin na ulit ako kung san ba dapat ako nakatingin.

Sinimulan ko na ang paghahanap. Pero teka, bakit ganun, wala yung mga sulat sa taas ng pinto. Nako, problema na naman. Ano na namang nangyayari? Pano ko naman mahahanap yung kasalukuyan nito? Argh. Ang gulo na.

Nag-isip ako nang nag-isip hanggang sa makapagdecide ako.

Sisilipin ko muna ang bawat pinto bago ako pumasok. Kahit alam kong noong mga unang panaginip ko ay pagsilip ko e kadiliman lang naman ang bumubungad sakin, susubukan ko pa rin, tutal andaming pagbabago ngayon. Magbabakasakali na ko dahil kelangan ko na talaga makabalik.

Sinilip ko ang unang pinto. Pakurba ang taas.

Pagbukas ko.

Maraming tangke, Maraming eroplano, Maraming sundalo.

Nako, Sa panahon ng gera ata papunta tong pintong 'to

Nung isasara ko na yung pinto, Biglang may mga ligaw na balang bumutas sa pinto. Dali dali kong sinira ito at napatakbo na rin.

Takbo ako nang takbo hanggang sa madapa ako at aksidente kong nabuksan yung pintong nasa harap ko. Andaming halamang lumabas sa pinto at hindi lang yun. Panahon pala ng dinosaurs ang nabuksan ko at may isang nakalabas at masama ang tingin sakin.

Syempre ano pang gagawin ko, Edi tumakbo.

Takbo na naman ako ng takbo. Naisip ko, bukas yung flashlight, Kaya siguro nasusundan at nasusundan nya ako.

Pinatay ko ang flashlight at dumapa.

At hindi na nga ako nahanap nung dinosaur. Naghintay muna ako ng ilang sandali at saka ko binuksan ulit ang ilaw.

Tumambad sakin ang dalawang pinto at hindi lang yan, dalawang gintong pinto!

At hindi lang yun! May nakasulat na rin sa itaas nila!

Yung isa nakalagay: This is Two Thousand Twelve

Yung isa naman nakalagay: T.T.T.

Wala akong ideya kung ano ang T.T.T., kaya nag-isip ako ng kung anuanong pwedeng maging ibigsabihin ng T.T.T..

Tunay na Tunay na 'To? Sa tingin ko hindi, Korni e.

Hindi na ko talaga makapag-isip, kaya tinignan ko na lang yung unang pinto.

This is Two Thousand Twelve, nakasulat. Ngunit yun pala ang kasagutan! Hindi kaya T.T.T. stands for Two Thousand Twelve?

Baka nga yun na yun! Teka teka, Pano kaya kung Two Thousand Thirteen? Malabong ito yun. Pwede ring maging Two Thousand Twenty e. And so on! Nako baka hindi ito yun.

Lumingon ulit ako sa unang pinto at nag-isip ng mabuti.

Napakaimposibleng obvious naman kasi yung kasagutan, tulad nung isang araw, 2012 ang nakalagay at hindi ako sigurado kung may B.C. nga sa dulo. Pero hindi naman ako sa 2012 dinala. Sa 2012 B.C. e. Anhirap magtiwala sa dito sa lugar na to. Napakaimposible talagang obvious yung sagot.

At saka isa pa, mas may kutob ako sa T.T.T. na 'to.

Bahala na. Dito na ko papasok sa T.T.T. na 'to.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nung papasok na sana ako, biglang may tumulak sakin at ako'y nahulog. Para bang walang katapusan ang aking kinahuhulugan. Hanggang sa bumagsak ako sa mga bola.(Oo, yung bola na maliliit na madalas nasa playground ng mga bata). Hindi ako masyadong nasaktan dahil dahan dahan ang pagbagsak ko. Ang weird diba.

Biglang bumukas ang mga ilaw at nakita ko na nasa isang kwarto ako. Pabilog na kwarto. Doseng pinto ang naabutan ko. May nakasulat sa taas na mga buwan ng taon. Jan, Feb, Mar, and so on. Wala man akong ideya kung nasang taon ako pero itutuloy ko na to, wala ng balikan.

Pumasok ako sa June dahil June 10 na sa kasalukuyan paggising ko.

Pagpasok ko sa June ay serye naman ng mga pinto ang nakita ko.

Mga numero naman at sa tingin ko, ito ay ang mga araw sa buwan ng June.

Ano pa bang hinintay ko at hinanap ko agad ang 10.

Napakaweird nga dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito, yung mga nakaraan kong travel ay walang ganitong pagpipiliin. Ito na nga kaya yun?

At dahan dahan akong pumasok.

Itutuloy...

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon