Day Eleven: Peripeteia

147 3 0
                                    

Ha!!!!!

Biglaan ang pagkagising ko. Mulat na mulat ang mata ko sa napanaginipan ko.

Hindi! Panaginip lang yun! Walang katotohanan ang mga narinig at nakita ko!

Ayaw ko maging Time Eater! Hindi maaari! Bakit walang ginagawa ang kapangyarihan ko tungkol dito?! Bakit hindi nya rin alam ang tungkol dito?! 

Hindi hindi, hindi nga totoo yun! Kalma John, panaginip lang ang lahat!

Pupunta ako kela Ann, kelangan nilang malaman ang panaginip ko!

~~~~

Sobrang gulo ng isip ko ngayong araw, tumuloy na ko at naglakad papunta sa kanila. Malalim ang isip ko habang naglalakad. Hindi mawala sa isip ko ang panaginip ko. Hindi totoo yun, paulit ulit kong sinasabi sa sarili.

Napapatingin ako sa mga bagay sa paligid habang naglalakad, umaasang kakalma ang isip ko. May nakita akong kotse, ang ganda, luxury car ata, napatitig ako ng matagal, ngunit nagulat na lang ako.

Bigla na lang nawala. Parang bula. Hindi ko alam ang nangyari. Hindi ko na lang pinansin at baka guni guni ko lang yun.

Napatitig naman ako sa isang asong nawawala ata, ang cute nung aso, ngunit ganun din. Bigla na lang ding nawala. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nalipat na naman ba ko ng oras? O nasa trap world ako?(Isang lugar na ginagawa ng mga time eaters na nagsisilbing patibong sa time travelers)

Hindi ko na alam ang nangyayari.

Hinayaan ko na lang at binilisan ko na lang ang paglalakad para makapunta na ko kagad kela Ann.

~~~~

Ann! Ann!

Ann: John!

John: Ann!

Ann: May masamang balita.

John: Ano yun?

Ann: May malaking tuldok sa gadget na binigay ni Kuya Lolo, sobrang laki, parang hindi lang condition 3 Time Eater ang naasasagap nitong signal. Kanina'y palapit na sya ng palapit sa kinaroroonan ko. Buti't dumating ka! Hindi mo rin ba nararamdaman ang Time Distortion?

John: Napansin ko! Andaming bagay na bigla na lang nawawala!

Rose: Ann! Layo!

Ann: Ha? Rose? Okay ka lang?

Rose: Sabing lumayo ka!

John: Rose?

~~~

Ginamit ni Rose ang kapangyarihan nya sakin, at dahil may Time Distortion nga, ginawa nya yung ginawa nya sakin nung isang araw.

John: Rose! Wala tayo sa ensayo! Okay ka lang ba?! Anong nangyayari sayo?!

Ngunit patuloy pa rin ang ginagawa nya. Wala na kong magawa kundi tumakbo. Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa hindi na nila ako makita.

Ano bang problema? Ako ang nangengailangan ng tulong ngunit ako pa ang sinaktan.

~~~~

Ann: Rose! Ano bang ginagawa mo?! Wala tayo sa ensayo!

Rose: Hindi mo ba napapansin?!

Ann: Ha?!

Rose: Si John yung malaking tuldok dyan sa gadget!

Ann: Ha?! Imposible! Nagkakamali ka lang!

Rose: Maniwala ka Ann, Sya yun.

Ann: Si John? Isang Time Eater?! Hindi maaaring mangyari yun.

Rose: Maaari.

~~~~~~~~~~~

Hindi kaya, isa nga kong Time Eater?! Hindi kaya, ako yung malaking tuldok sa gadget ni Ann?! Hindi kaya, ako yung dahilan ng Time Distortion?!

Hindi kaya....

Hindi!!!!!!!!!!!!!!!!!!

At biglang na lang dumilim ang paligid.

Itutuloy....

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon