Day Ten: Try

178 3 0
                                    

Ansarap ng tulog ko. Wala kaming pasok ngayon. Nagmunimuni muna ako bago bumangon sa kama.

Sampung araw pa lang pala simula nung nagsimula itong kawirduhang ito. Pero pakiramdam ko mag iisang buwan na. Kailan lang pala 'to. Iba talaga ang oras. Naiintindihan ko na ang lahat.

Oras na para puntahan sila Ann. Oras na para subukan ang hindi pa nasusubukan.

Pumunta na ko kela Ann.

Ann! Ann!, sigaw ko.

Ann: Teka lang, sino yan?

Me: Ako to si John!

Ann: Ah sige teka.

~Binuksan na ang gate.

Ann: Oh John, ang aga mo naman, napadaan ka?

John: Nandyan ba si Rose?

Ann: Oo, bakit? Liligawan mo?

John: Sira! Hindi, papasukin mo muna ako at may gusto akong sabihin.

Ann: Hahaha. Biro lang, sige.

Rose: Magandang umaga John, ang aga natin ngayon ah.

John: Magandang umaga rin. May gusto lang akong sabihin sa inyo.

Ann&Rose: Oh ano yun?

John: Diba na-enhance 'tong kapangyarihan ko?

Ann: Oo John at pili lang ang nagkakaroon nito sa bawat henerasyon ng Time Travelers/Defenders

John: Oo, pero hindi ba kayo pwedeng magkaron ng ganun?

Rose: Ano bang sinasabi mo John, syempre hindi, ikaw na ang napili e.

John: Malay natin meron lang palang nagtitrigger dito. Bakit di natin subukan? Kahapon kasi habang pauwi ako, nakasalubong ako ng sampung Time Eaters. At medyo nahirapan na ko nung kinakalaban ko na yung huling dalawa, nanghihina na ko, buti nga't natalo ko pa sila. Naisip ko lang, hindi ko kasi kaya lumaban ng mag-isa lang.

Ann: Alam namin yan John. Pero hindi ko talaga sigurado kung maaaring mangyari yan.

John: Bakit hindi natin subukan?

Rose: Sige, pero pano natin sisimulan 'to?

John: Mahal nyo ba ang tungkulin at kapangyarihan nyo?

Ann: Oo naman!

John: Yun ang kasagutan. Ipakita nyo pang gusto nyong iligtas ang mundo. Ipakita nyong gusto nyong puksain lahat ng Time Eaters sa mundo ng oras!

Rose: Pano naman namin ipapakita yun?

John: Ann. Meron ka bang alam na lugar kung saan maraming Time Eaters?

Ann: Wala pero meron akong kilala na makatutulong satin.

John: Sino?

Ann: Si Kuya Lolo!

John: Ay oo nga! Diba marami syang naimbento na may kinalaman sa oras?

Ann: Oo. Tara puntahan natin.

~Pinuntahan nga namin si Kuya Lolo.

Itutuloy..

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon