Short Chapter: Misteryosong Panaginip

155 5 1
                                    

Grabe talaga. Para akong nagbuhat ng barko, sobrang pagod ang nararamdaman ko. Hindi ko na nagawang kumain dahil gusto ko nang matulog. Pag higa ko sa kama, wala ng lingon lingon pa at diretsong tulog na ako.

~~~~~~~~~

John... John.... John........

Yan ang mga narinig ko, andaming nakapalibot saking anino, parang gusto nila akong kunin. Habang sinasabi nila ang pangalan ko ngunit may pumipigil sa kanila't hindi ko alam kung ano. Hindi ko alam ang gagawin ko, takot na takot ako sa nangyayari.

Dali dali akong tumayo at tumakbo palayo sa kanila, ngunit pilit nila akong hinahabol. At sabay banggit sa pangalan ko.

John... John...... John....

Nadapa ako sa di malamang dahilan at lalong lumakas ang pagbigkas nila sa pangalan ko at lalo rin silang napalapit sa kinalalagyan ko.

Napasigaw ako sa sobrang inis.

Lubayan nyo ako! Sino ba kayo?! Wag nyo na 'kong guluhin!!, sigaw ko.

Bigla silang nawala.

Bago ako magising. May bumulong sakin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Isa kang Time Eater John.

Itutuloy...

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon