Short Chapter: Ang Panaginip

303 5 0
                                    

Pinikit ko na ang mga mata ko at huminga ng malalim. Binaliwala lahat ng problemang nararanasan ko ngayon. At tuluyan na kong nakatulog.

---DREAM---

Ako: "Aray, ansaket naman ng pagkakabagsak ko. Teka, nasan ba ko?"

Nandito ako sa isang madilim, ubod ng dilim na hindi ko alam ang tawag dito. Basta madilim. Sinubukan kong tumayo. Pero mahirap dahil wala talaga akong makita. Sumigaw ako ng "Tulong!! Nasan ba ako?!!!!"

At bigla na lang isa isang nagbukas ang serya ng mga ilaw. Natakot ako ngunit nawala rin ito.

Tumuloy ako sa paglalakad. Walang tunog ang aking bawat hakbang na para bang nasa kalawakan ako. Pinagmasdan ko ang paligid.

Andaming pinto, sobrang dami. Ngunit sa isang corridor lamang nakapwesto ang lahat ng ito. Naglakad lakad lang ako at sinubukan kong pumasok sa isang pinto.

Pagkatapos nun, hindi ko na alam ang nangyari.

At bigla na lang akong nagising.

---DREAM---

Itutuloy...

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon