Extra Chapter: Detailed Hierarchy

133 3 0
                                    

Time Traveler Hierarchy

~hangad nila ang kapayapaan sa mundo ng oras, ayusin ang mga sira nito at iwasang masira ito ng mga Time Eater.

Lahat ng nasa hierarchy na ito ay binigyan ng kapangyarihan upang lumaban sa mga Time Eater.

Time Traveler

~pinakababa sa hierarchy, sila ang may kapangyarihan na maglakbay sa ibang lugar at ibang oras sa isang iglap ngunit hindi nila ito masyadong natatagalan.

Hanggang Condition 1 Time Eater lang ang kaya nilang labanan.

Time Defender

~ang isang time traveler ay maaari ring maging time defender kasabay ng pagiging time traveler. Katulad na lang nila Ann at Rose, bukod sa paglakbay sa ibang lugar at ibang oras sa isang iglap, bawat isa sa kanila ay may kakaibang kapangyarihang taglay.

Hanggang Condition 2 Time Eater lang ang kaya nilang labanan, maaari rin silang makatalo ng Condition 3, ngunit nakadepende ito sa gamit nila at sa kanilang husay sa paggamit ng kapangyarihan.

Time Restorer

~wala man silang laban sa Time Eaters. Sila ang pundasyon ng Oras, sila ang nag-aayos ng mga sira nito. Kaya nilang patigilin ang oras sa paligid nila sa matagal na panahon. Kaya rin nilang maglakbay patungo sa ibang lugar at oras sa isang iglap at sa mahabang panahon. Kaya nilang pagalingin ang mga sugat mo sa pamamagitan ng pagbalik ng Time Residues na nasa paligid mo. Hindi sila tumatanda.

The Chosen

~sa bawat henerasyon ng Time Travelers, may napipili. Nabibigyan sila ng maraming kapangyarihan. Kaya nilang labanan ang iba't ibang klase ng Time Eater. Basta! Hindi masusukat ang dami ng kapangyarihan nya. Tatlo lang ang napipilit bawat henerasyon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Time Eater Hierarchy

~gustong gusto nilang sirain ang mundo ng oras, upang sila na ang maghari sa mundo. Wala silang pakialam sa nakaharang sa kanila, gigibain nila ang lahat ng balakid sa daan nila.

Time Eater

Pinakababa sa hierarchy

Condition 1, 2 , 3: Check Day Seven(End of Day): Tiwala chapter for details.

Condition 3 a.k.a. Chaotic Descendants.

Time Disruptors

~tulad ng Time Restorer, sila ang pundasyon ng Time Eaters. Oo, wala silang kapangyarihan upang puksain ang mga Time Travelers, ngunit kaya nilang magpadala ng iba't ibang klase ng Time Eaters. Kaya nilang magpalabas ng Chaotic Descendants.

Kaya rin nilang paikut ikutin ang oras upang guluhin ito. Marami silang maaaring gawin para pigilan ang mga Time Traveler

Time Destroyer

Kaya nilang tanggalin ang araw sa nakaraan, kaya rin nilang baguhin ang hinaharap.

Yun lang ang kapangyarihan nila. Pero may mas masaklap pa.

Kaya nilang gayahin ang kapanyarihan ng kunsinong makikita nilang gumamit nito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

May mundo sa likod ng tunay na mundo, at ito ay ang mundo ng Oras. Dapat manatiling balanse ito sa totoong mundo upang hindi magkaron ng kaguluhan. At yun ang binabantayan ng mga Time Traveler.

Paggising ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon